Chapter 5

1K 29 26
                                    

Vhong's POV

Sh*t! Bakit ganun? Kung kelan naman handa na kong magtapat kay Anne, saka naman lumabas yung ganyang rule! Nakakabanas! Di ko naman masisi si Vicky at 'di nya na napigilang magtapat kay Jacob. Kung sanang sinabi ko na din kaagad kay Anne, eh di sana alam nya na ngayon.

???

Teka nga, bakit nga ba hindi ko aminin sa kanya? Wala namang mawawala diba?  At least nasabi ko sa kanya. Bahala na kung anong magiging reaksyon nya. Pero paano kung the feelings are mutual? Eh bawal nga sa company. Arggghh! Sakit sa ulo! 

"Vhong!"

"Bakla ka! Anong ginawa mo? Ano? Suspended ba kayo? Usapan kasi naten sabay tayo diba? Ikaw pa nag suggest nun! Eh bakit ngayon nagpatiuna ka? Tsk."

"Sorry na! Eh kasi naman 'tong si Jacob eh! Parang may gustong pormahan! Eh pano naman yung feelings ko tol? At least diba nalaman naman nya. Tska di kami suspended, written reprimand lang naman"

"Eh ano namang reaksyon ni Jacob?"

"Ang loko! Tinawanan lang ako! Akala siguro nagbibiro ako! Eh tapos nung sinabi kong seryoso ako, ayun sakto namang lumabas na yung tatay nung Babe mo! Nakikinig pala! Kaya eto, deads tuloy! Sorry talaga tol! Ano ng balak mo? Kelan mo balak sabihin?"

"Ewan ko nga eh! Ready na pa naman sana ako. Kaya lang lumabas naman yung bagong company policy. Takte! Di ko tuloy alam yung gagawin!"

"Eh bakit di mo pa sabihin? Pano kung pareho pala kayo ng nararamdaman?" Yan nga rin yung iniisip ko kanina diba?

"Oo nga, eh di mas lalong patay! Nagka feelings pa ko sa anak ng boss natin! Mamaya eh patalsikin pa ko dito! Mas lalo ko pang di nakasama si Anne. Tska isa pa tol, kahit saglit pa lang ako dito, napamahal na ko sa kumpanyang 'to eh. Lalo naman kay Anne, mahal ko na talaga sya!"

Totoo, talagang napalapit na sa'kin 'tong company. Mahal ko yung trabaho ko. Masaya ako sa kung ano mang trabaho ang naibigay sa'kin. Idagdag mo pa yung mga taong nakakasalamuha ko araw-araw.

"So di ka na magtatapat?"

"Ewan ko! Pag-iisipan ko pa ulit!"

(closed door sound effects here!)

"Sino yun? May tao ba sa labas kaninang pumasok ka dito Vicky?"

"Wala naman tol eh. Baka hangin lang yun. Tara na, lunch na muna. Pag-isipan mong mabuti ha!"

Ano nga bang gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng sarilinin 'to habang buhay. Baka pagsisihan ko pa 'to. Pero pano kapag bigla akong iniwasan ni Anne dahil sa ipagtatapat ko? Mas lalong ayoko namang lumayo sya sa'kin ngayong magkaibigan na kami. Ang hirap pero kailangan. Hindi ko alam kung tama, pero nakapagdesisyon na ko.

-------------------------------------------------

Anne's POV

Totoo ba lahat ng narinig ko? Gusto nya ko? Pero diba biruan lang lahat yun? Tska may girlfriend sya! Tama! Baka nagkamali lang ako ng pandinig.

"Lalo naman kay Anne, mahal ko na talaga sya!"

"Lalo naman kay Anne, mahal ko na talaga sya!"

"Lalo naman kay Anne, mahal ko na talaga sya!"

"Lalo naman kay Anne, mahal ko na talaga sya!"

Waaaaaah! Pero yung sinabi nyang yun. Ano yun?

LUB DUB. LUB DUB. LUB DUB. (A/N: Heartbeat sound effects po yan! :P)

At eto pa si heart! Bakit ganito yung pakiramdam. Oo mabait sya, may sense of humor, masarap kasama, a true gentleman, at oo na, gwapo sya! Teka nga, bakit ko ba iniisip yun? Wala nga lang yun diba? Isa pa, kahit na totoo yun, hindi rin pwede na maging kaming dalawa, kasi nga bawal :( Bakit naman ako nakaramdam ngayon ng lungkot? Nung naisip ko na di pwedeng maging kami? Haaaaay! Ayoko na! Ayoko ng ganitong pakiramdam! Hindi pwede!

"Anne, okay ka lang?"

"Ay palaka!"

"Ang gwapo ko namang palaka" Sabay ngiti. Grabe naman, your a frog turned into prince naman noh! Ano?! Scratch it! Nababaliw na ko!

"Hello Anne! Nandito ka ba? Okay ka lang ba?"

"Sorry naman Vhong! Ikaw kasi nang gugulat ka!"

"Pasensya na. Parang ang lalim kasi ng iniisip mo eh. Nag lunch ka na ba? Tara! Sabay na tayo!'

LUB DUB. LUB DUB. LUB DUB.

Ano ba heart! Niyaya lang akong mag lunch, kung maka kabog ka naman dyan!

"Ah s-sige. Sa canteen na lang tayo"

"Okay lang ba kung sa labas na lang? May sasabihin din sana ako sa'yo eh"

LUB DUB. LUB DUB. LUB DUB.

Shocks! Anong sasabihin nya? Eto ba yung narining ko kanina? Hindi pa ko ready! Nakikisabay pa 'tong puso ko!

"Tara na! Dyan lang tayo sa resto sa labas!" Sabay higit ni Vhong sa kamay ko. 

-------------------------------------------------

Vhong's POV

*RESTO*

"Anne, talaga bang okay ka lang? Parang kanina ka pa di mapakali eh. May masakit ba sa'yo?" Kanina ko pa kasi napapansin si Anne, parang ang lalim ng iniisip. Di ko tuloy alam pano ko sisimulan yung sasabihin ko sa kanya.

"Ha? Ano? Oo, okay lang ako. Gutom na siguro talaga ako."

"Ganun ba, sige order na tayo"

Tinawag ko na yung waiter, hanggang sa dumating yung order namin, walang nagsasalita kahit isa sa'min. Tahimik lang kami pareho habang kumakain. Kailangan ko ng basagin yung katahimikan.

"Anne, ano sana--"

"Ang sarap ng pagkain nila dito talaga noh? Naku dapat sa susunod isama natin yung buong team"

"Ah, oo nga! May sasabihin nga pala sana ako"

"Ano Vhong, yung para pala sa event next month, yung sa hosting nating dalawa, okay lang ba kung next week na lang natin pag-usapan? Ang dami ko pa kasing tatapusin this week eh"

"Sige okay lang, pero Anne kasi--"

"Tapos ka na ba? Di ba masarap yung halo-halo nila dito? Tara order tayo! Waiter!"

Anak ng! Bakit di ko matuloy tuloy 'tong sasabihin ko! Feeling ko parang pinuputol lagi ni Anne yung gusto kong sabihin.

-------------------------------------------------

Anne's POV

Ahhhhh! Ano ba 'to! Di na ko mapakali! Pakiramdam ko gusto nya ng sabihin yung kung ano man yung narinig ko kanina eh. Kaya nga kanina pa ko nagsasalita at nagsisingit ng kung ano ano pang bagay dito.

"Masarap nga!" - Vhong

"Sabi sa'yo eh!" Kailangan ko talaga 'tong halo-halo, pampakalma!

"Ano Anne, kasi malapit na matapos yung lunch break-"

"Ay oo nga, naku bilisan na natin"

"Ano kasi diba may sasabihin ako"

"Ha? Eh gusto mo ba na i-pag take out naten sila nito? Para matikman ni Vicky. Alam mo naman yun, mahilig sa sweets"

"Ah, sige. Pero Anne kasi kailangan mo na talaga kasi--"

"Teka lang Vhong ha, punta lang ako sa CR" Shemay! Wala na kong alam na palusot! Tatayo na sana ako nung biglang--

"ANNE, MAHAL KITA!"

-------------------------------------------------

A/N: Sorry po sa matagal na update. Anyways, salamat po sa mga nagbabasa :) Dedicated to 04Leth_Navarro, salamat sa suporta! :)

Spread. Vote. Comment. Be A Fan! <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tinamaan Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon