Chapter 1

1.7K 11 3
                                    

Anne's POV

"Aaaaaaaannnnnnneeeeee!!!!!!!!"

"Ay bakla!"

"Sinong bakla? Nasaan ang bakla?! Hoy ikaw pare!" Sabay turo kay Troy na isa sa mga officemate namin. "Bakla ka ba?"

Napailing na lang si Troy. Sanay na kasi sa mga kalokohan ni Vicky.

"At ikaw babae, sinong bakla ha? Baka gusto mong halikan kita dyan?"

"Sige nga kung kaya mo!"

At unti-unting ngang inilapit ni Vicky ang mukha nya sa akin. Kinabahan ako! Mukhang totohanin nga ng bakla! Ng biglang-

"Hindi ko talaga kaya teh! Kahit na pang dyosa yang kagandahan mo, hindi ko kaya!" Habang umaarte na naduduwal.

"HAHAHA! Sinasabi ko na nga ba, Hindi mo kaya eh! Bakit ka ba kasi sigaw ng sigaw ha? Nagugulat ako sa’yo eh!"

"Eh kasi naman teh, tulaley ka na naman dyan! Alam mo girl kinakabahan na talaga ako sa'yo eh. Baka matuluyan ka na!"

"Grabe ka naman! Alam mo namang nagdaday dream lang yung tao eh!"

"Daydream? Eh tanghali na!"

"Pwede ba?"

"Bakit? Totoo nam-"

"Pilosopo!"

"Eh ano na naman ba kasi yang iniisip mo ha?"

"Kung ano kayang hitsura nya"

"Nino? Nung bago nating makakasama sa team? Diba ipapakilala na mamaya sa meeting? Di makapaghintay? Atat lang ang PEG!"

"Hindi! Ano ka ba! Nung magiging future ko!"

"Ayun! Yung man of your dreams na naman pala! Alam mo girl ang dami daming nakapila dyan. Hindi ka pa makapili!"

“Eh sa walang spark eh!”

“Gusto mong kuryentihin kita ng magka spark?”

“Tse! Tumigil ka na nga! Tulungan mo na lang ako magprepare para sa meeting”

Before anything else, I would like to introduce myself first. I am Angela O. Cruz, my family and friends call me Anne. At kung nabasa nyo na ang prologue, may pahapyaw na dun kung ano ang buhay ko. I was born with a golden spoon, but definitely, I am not a spoiled brat!

Bilang panganay na anak ng may-ari ng kompanya, napagdesisyunan ni Daddy na dito ako sa company namin magtrabaho. I am working as the head of the marketing department, and as Vicky and I were talking, meron kaming bagong makakasama sa team from another company. Siguradong magiging trending topic na naman ito ng press people, dahil kilala ang company namin as one of the biggest in the business industry. Masyado din kasing pa-suspense si Daddy, ayaw pang sabihin kung sino. Surprise daw! Halos kilala ko naman na lahat ng mga posible naming makasama sa team dahil sa mga company assembly and conference. But I’m still wondering who would be that person? I do hope na magkasundo kami.

“Ms. Anne, sa conference room na daw po, magsstart na po ang meeting”

“Okay, coming!”

Pagdating ko sa conference room, isang pamilyar na mukha ang agad na nahagilap ng mga mata ko. Sya kaya ang bago naming makakasama sa team?

Tinamaan Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon