Kabanata 43

16 1 1
                                    

"Daph, I'm sorry for what I did yesterday. Forgive me, please. Look, I cooked your favorite lunch dish." I pouted in front of her while giving her a puppy look to please her. Umirap siya at tiningnan ang nakahain sa mesang ulam na paborito niya.

May sinigang na baboy, adobo, at bicol express na alam na alam kong hindi niya tatanggihan dahil ang lahat ng mga iyon ay paborito niya. Mayroon pang lemon juice na palagi niyang pinapabili o kaya pinapagawa kay Azaiah.

Kanina pa ako nagluluto bago pa man magising sina Daphne dahil tanghali na sila nagising at ako ay alas-diyes nagising kaya tanghalian na ang niluto ko. Kumain lang ako ng tinapay kaninang almusal habang nagluluto dahil malapit naman ng magtanghalian.

Wala na naman ngayon si lolo rito kahit umuulan. Si Azaiah naman ay nasa kwarto pa nila ni Daphne kaya kaming dalawa lang ni Daphne ang nasa dining area.

"Oh, ayos na ba kayo ni Dariel mo?" Masungit niyang tanong habang nakataas ang kilay at sinusuri ang reaksyon ko sa tanong niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagngiti bago sumagot sa kaniya, "O-Oo naman! Saka ano, okay na kami tapos iyon... Nakapag-usap naman na kami." Pagkatapos kong sabihin iyon ay hinampas niya ako sa braso nang bahagya at ngayon ay nakangiti na.

Natawa ako sa paghampas niya dahil wala pa nga pala siyang alam tungkol sa nangyari kahapon noong iwanan ko sila. Pag-uwi ko kasi wala na sila sa baba dahil mukhang natulog agad sila kaya hindi ako nakapag-sorry, dagdag pa ang excitement ko kaya nakatulog ako nang nakangiti.

Basta talaga tungkol sa love life ko, interesado siya. Hindi pa raw kasi niya ako nakitang maging in love kaya gusto na niyang magka-boyfriend ako.

"'Yan, hindi nagsasabi sa amin! Kagabi nung dumating ka, hindi ka man lang kumatok sa kwarto para i-kwento sa akin!"

"I-I thought you were asleep." Natatawang sambit ko na hindi pinapahalatang napapangiti.

Dahil sa mga usaping ganito, bati na agad kami.

"So, ano na ngang nangyari? Gusto ko every small detail ha? Kapag hindi mo yan chinismis, hindi na tayo bati ulit." Naghalukipkip si Daphne sabay hatak ng upuan at naupo sa tabi ko noong makaupo ako.

Tinignan ko muna siya bago tumawa dahil gusto na niyang i-kwento ko ang nangyari.

"So, ito na nga, kasi noong umalis ako I didn't know that he was following me! And then, he grabbed my arms tapos hinarap ako sa kaniya. I asked him kung anong kailangan niya tapos pinaliwanag niya sa akin na hindi nga gagawin ng pamilya na idiin sa kaso si dad. So syempre, hindi ako naniwala kaya ayon, sabi niya pa hindi siya nagsisinungaling—eh, ako raw ba?" Huminto ako sa pagkukwento upang huminga dahil sa rami ng sinabi ko.

Gusto ni Daphne bawat detalye iku-kwento ko na gusto ko rin naman i-kwento para may kasama akong ngumiti rito.

"Ano na next? Nag-kiss ba kayo pagkatapos?" Interesado niyang tanong na hinihintay akong sumangot.

Nanlaki ang mga mata ko at hinampas siya sa braso dahil sa tinanong niya.

"Hindi! Tapos nga ay iyon, nagalit ako sa kaniya tapos sabi—" hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi ko nang biglang may kumatok sa pintuan.

Napatingin kami ni Daphne roon. Nakatayo na ako nang makita ko si Azaiah na pababa na at sumenyas na siya sa amin na siya na ang magbubukas ng pintuan.

Nagkatinginan kami ni Daphne bago parehas na ibinaling ang tingin sa pintuan upang makita kung sino iyon ngunit hindi namin makita.

Narinig ko ang pamilyar na boses na nagsalita, "Special delivery daw sabi ko for the beautiful lady here. Nasaan na siya?" Narinig ko ang boses ni Dariel na sumilip upang hanapin ako ngunit hindi niya ako mahanap ng mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon