Chapter 5

1.7K 34 1
                                    

Emerald POV

Maaga akong gumising dahil maaga ang duty ko ngayon sa hospital at may lakad pa kami ng kaibigan kong si Elisha pagkatapos ng duty ko mamaya. Ayaw ko sanang mag-isip ngayon ng kung anu-ano pero kasi nahihiya parin ako sa sarili ko at kay doc Thy Ron. Nakakahiya kasi ang ginawa niya sa akin noong isang gabi ang pangit niyang ka bonding.

"Subrang nakakainis siya!" sigaw  ko at nagawa ko pang subunotan ang buhok ko sa subrang kong inis talaga. Kaya gagala talaga kami mamaya at maghahanap ako ng night care feminine wash tapos iba pa iyong PH care for every day care na ginagamit ko dati at ibabalik ko lang. Na pag-isip kong iba ang gagamitin ko sa umaga iba rin sa gabi atsaka hindi ko na gagamitin ang mga branded na feminine wash  dito sa bahay niya dahil walang ka amor-amor sa kaniya. Walang silbi ang mga branded na iyon galing pa naman sa Europe tapos amoy bagoong lang sa pang amoy niya.

"Nuh!" Bulaslas ko. Kasabay ng pagkamot ko sa aking ulo dahil mauubos  ang alawance ko nito at nagbabadya rin na hindi ako maka proceed sa medicine kapag nagkataon na mapupunta lang sa feminine wash ang ipon ko. Nagsisi tuloy akong gumamit ng branded na feminine wash  at kung alam ko lang na gano'n pala ka silan ang pang - amoy niya sana talaga iyong PH Care na lang na gamit ko ang ginamit ko noong isang gabi para wala akong iniisip na ikakahiya ng pagkatao ko. Buti pa si PH Care may CARE!

Sa isang taon kasi na kontrata hindi na ako nag-demand ng kung anu-ano, sapat na ang sinabi niyang assurance na susubukan niya akong mahalin kahit alanganin. Nakikisabay nga lang ako sa kaniya papunta sa hospital kapag Saturday at Sunday kasi dito siya sa CASA umuuwe kaya nakakatipid ako sa pamasahe pero kapag weekdays naman kasi nasa condo siya ni doc Shantal  kaya nagco-commute ako. Nagpapagaling pa kasi ng lubosan ang kabit niya kaya naiintindihan ko.

Tumayo ako at tinaas ang pang-itaas na suot ko at tumalikod sa salamin. Magaling na ako dahil sinusunod ko lahat ng treatment at isa pa healthy  talaga ako kaya tumutulong ang immune system ko para gumaling ang sugat sa tagiliran ko. Disiplina lang naman sa sarili ang kailangan para mabilis gumaling ang isang tao at tatlong buwan naman na rin ang nakalipas kaya scar na lang ang makikitang bakas sa operation ko.

"Hindi kana ma-aalis. Isa kanang nakaukit na ala-ala sa pagkatao ko dahil sa salitang pagmamahal,"saad ko at mapait na ngumiti habang hinahaplos ang scar sa tagiliran ko. Nakakalungkot man sa part ko ni hindi niya man lang ako binigyan ng importansiya kahit dalawanin niya lang naman sana  ako pero hindi nangyari iyon at hinayaan niya lang ako sa mga doctors niya noon lalo na after the operation wala siyang pakialam sa akin at hanggang sa lumabas na ako sa hospital at umuwe rito sa CASA MONTELEAGRE. I do understand na iba ang priority niya at ito ay ang babaeng mahal niya. Dahil ako? Ako lang naman ang option niya to kept his loved alive. Pero kahit na ganoon? okey lang dahil kagustohan ko naman talaga eh, basta ang mahalaga sa akin noon, bago ang operation kasal na kami at kabit na si dr. Shantal.

Pinunasan ko ang aking luha dahil hindi ko na pala namalayan na tumulo na ang mga ito. Okey lang ang umiyak, okey lang ang masaktan, okey lang ako dahil hindi naman ako mahina, basta okey ang lahat. Huminga ako ng malalim at kinuha  ang wallet ko at binilang ang alawance ko.

"Ten thousand one hundred two pesos and one centavo!" Final na bilang ko. Tinignan ko pa isa-isa ang compartment nitong wallet at nagbaba-sakaling may natupi-tupi pa akong tig-iisang libo pero wala na talaga. Jusko! Ako pa naman ang nag-invite kay Elisha na gumala kami kaya libri ko pa siya ng dinner mamaya.

Nangalumbaba ako at nag-isip kung ano ang magiging chosen decision ko. Can I sacrifice my alawance to that feminine wash? Tanong ko sa akin isip habang kinakagat ang kuko ng hinlalaki ko. Actually kung para sa akin, lalo na sa pang amoy ko, mabango naman talaga. Dahil sa na curious ako hinawakan ko talaga ang kabeb* ko at inamoy-amoy noong gabing iniwan niya ako. Fresh pa kaya ako at bagong ligo lang rin noon. Tumagal nga lang ako sa salamin para e-seduce siya pero walang nangyari kaya noong tulog na siya ay ako na talaga ang gumawa ng moves dahil tinitig*san naman siya sa akin. Pero sa nangyari iyon? Hay! feeling ko talaga na turn off siya sa amoy  kaya ayon umalis sa kwarto at hindi na bumalik.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon