Chapter 38

1.6K 31 5
                                    

PAGKATAPOS ko sa law firm at ngayon naman ay papunta ako sa bahay nila Cheetah. Dumaan lang ako saglit sa department store para mag grocery na rin para sa mga essential need ng magulang niya.

Huminga muna ako ng malalim bago pinatay ang makina ng sasakyan ko. Paninilbihan. Laboring for a family's approval. Ang paglingkuran sila ay okey lang sa akin basta may basbas akong makukuha sa magulang ng aking asawa para maging mapayapa na ang aking isip. Naniniwala kasi ako na magaan ang pagsasama ng mag-asawa kapag may basbas ang magulang dahil ang pagibig ng magulang sa anak ay tulad ng pagibig ng Diyos sa kaniyang nilikha. Sabi nga sa kaniyang salita, Let us not love in word, neither in tongue; but in deed and in truth.

I respect my in laws at never akong magrereklamo dahil tama naman itong ginagawa nila sa akin. For this generation ang paninilbihan ay sinasabing isang tradisyong matagal nang nakalimutan kung saan ang manliligaw ay nagsasagawa ng ilang nakakatakot na gawain para sa pamilya ng nobya upang ipakita ang kanyang halaga, lakas ng loob at responsibilidad. Kaya siguro ganito ang gustong gawin sa akin ng nanay ni Emerald dahil kinuha ko lang naman kasi ang bunsong anak nila para sa pansariling kapakapan ng iba.

Hindi ako nagdala ng driver dahil ayaw kong makarating sa asawa ko ang ginagawa ko sa bahay nila dahil hindi naman alam ni Cheetah ito.Lumingon ako sa gilid ng bahay nila at nakita ko ang bulubundoking kahoy doon. Alam kong para sa akin lahat ng iyon at na pipicture out ko na ang gagawin ko for firewood chopping. Magsisibak ako ng kahoy para may magamit silang panluto. Nagkibit balikat ako it's easy. Gano'n lang kadali.

Bumaba ako sa sasakyan at pumasok na sa bahay nila. Huminga muna ako ng malalim dahil ando'n na sa pinto at isang Dinasur at naka pamaywang sa akin.

"Magandang tanghali po nay," magalang na bati ko sa kaniya at binigay ang pompong na rare rose. Pinili ko talaga ang pinakamaganda para sa pinakamagandang Dinasur na mother in laws sa balat ng lupa.

"Salamat dito Thy Ron pero hindi ito nakakagaan ng damdamin," maikling saad niya at tinuro ang kailangan kong gawin.

"Kailangan mo munang magluto bago ka magsimula sa gagawin mo. Hugasan mo na rin iyong mga kubyertos na nagamit kanina diyan sa lababo," seryosong utos niya at umupo sa pang isahan upuan.

"Sige po nay," maikling sagot ko at pumasok sa bahay nila. Tinungo ko ang kusina nila at nakita ko ang bulubundoking huhugasin. Gusto kong magbuga ng hangin pero hindi ko ginawa dahil alam kong naka sunod ang tingin ni nanay Dinasur sa akin. Kaya Kalma lang ang tinatak ko sa isipan ko at ang tunay na pagmamahal sa asawa ko para magawa ko ang lahat ng gawain.

"Ay! Nga pala Thy Ron. Ang tubig rito ay pinaghihirapan kaya mag igib ka ng tubig at para may panhugas ka pati panluto mamaya,"inporma niya kaya humarap ako sa kaniya at ngumiti.

" Sige ko nay. Wala pong problema sa akin, "Magalang na sagot ko sa kaniya pero tinaasan lang ako ng kilay. If Jacob served 14 years para sa pagibig na taglay kay Rachel at ako naman ay kaya ko rin para sa pagibig na taglay kay Cheetah.

Nagsimula kong gawin dahan-dahan ang kailangan gawin ngayon araw para matapos ko. Hindi rin naman ako pinakialaman sa trabaho ko dahil nakasubaybay lang sila sa akin. Hindi naman kasi mabigat ang pinapagawa sa akin like water fetching, chopping wood, cooking, paghuhugas ng cutlery ay basic na basic sa akin. Ang mabigat ay iyong basbas na paghihirapan ko para mapakita ko sa kanila na worth it ako bilang isang asawa at bilang isang son in law.

"Thy Ron?" tawag sa akinni tatay. Hininto ko ang pagsibak ng kahoy para lingonin siya.

"Thy Ron magpahinga muna," saad niya sa akin kaya ngumiti ako.

"Tirik na ang araw, oh. Masiyado ng mainit ito sa balat," inporma niya sa akin.

"Okey lang po, tay."

FPS #2: Doctor's Compelled AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon