Chapter 12

1.5K 35 4
                                    


NAKALIPAS ang limang araw saka ko lang nalaman na pumunta pala siya ng Batanes. Kung hindi pa ako tumawag sa bahay noong sabado hindi ko alam. Kung hindi lang ako naka pagpromise kay Shantal na doon ako sa condo niya hanggang weekend ay sabado palang sana ng gabi lumipad na  ako papuntang Batanes. Muntik na akong magkasala sa marriage ko dahil sa tawag ng laman.

Lunes na ngayon kaya andito na rin ako sa Batanes dahil kailangan ako dito hanggang mercules kasi marami akong schedule for surgery. Lumabas ako sa hospital dahil sa labas pala nila ginanap ang Free Medical Alert System Program doon na rin naka set up ang mga medical tent at mga kailangan ng mga pasyente.

Malayo pa lang nakita ko na si Emerald na nakikipagkulit sa kasamang doctor. Hindi ko kilala ito dahil naka mask siya at tanging ang lab gown niya lang ang nagpapa-recognised sa akin na doctor nito. Habang papalapit ako sa kanilang pwesto hindi ko alam kung saan ang utak ng babaeng ito dahil pinapaayos ko ang papers niya para makapag-aral na siya sa medicine pero ito ang inasikaso niya sa halip na ayusin, dito pumunta at hindi pa talaga nagpapaalam sa akin.

Makikita talaga ng Cheetah na ito ang ginagawa niya dahil ibabawas ko sa sahod niya ang walong araw na hindi niya pagduty sa hospital ko. She's not notice that I am here because she's busy annoying of my doctor ang sarap nilang pag-untogin at talagang sinasagad niya na ang pasensya ko sa kaniya dahil sa subrang dami niya ng kasalanan sa akin.

Kumunot ang noo ko ng makita kong tinutusok-tusok pa talaga ng daliri niya ang kanang pisngi ng kausap  dahil lumilitaw ang dimple nito at hanep lang rin dahil tuwang-tuwa rin ang mokong.Akala ko ba naman makakaganti na ako sa hindi pag-uwe ng weekend pero hindi pala dahil maabotan ko pa palang masaya siya dito sa Batanes. Subrang nakakapikon dahil talo parin ako. Sige lang magkikita talaga tayo sa sahod mo! Sabi ng isip ko.

Nakita kong tumayo na ang lalake at iniwan na siya. Kumaway pa nga siya dito bago binuksan ang laptop sa harapan niya at kinuha ang telepono niya. Lumapit ako sa kaniya at pwesto sa likod niya. Napapikit ako ng maamoy ko ang cologne na gamit niya hanggang ngayon ito ay iyong Color Green na Baby Bench Colonia Jelly Bean na gustong - gusto ng ilong ko ang amoy at hindi talaga siya nagpapalit ng cologne niya.

Inayos niya ang USB cord sa laptop at nilagay niya rin ito sa cell phone niya. Nakita kong nagtransfer siya ng movie sa laptop sa harapan niya at hinintay ito hanggang matapos. Pwede niya naman e-bluetooth pero gumamit pa talaga siya ng cord. Napataas ang kilay ko ng makita ko na naka iPhone 13 pro pala siya kaya pala hindi gumamit ng Bluetooth dahil naka iPhone.

"Hindi pa nga tapos ang trabaho niyo, movie na naman Emerald!" sita ko sa kaniya na mabilis niyang kinalingon sa likod niya.

"Babu!"gulat niyang wika at mabilis na tumayo bago yumakap sa akin ng mahigpit. Akala mo naman kong wala siyang kasalanan. Pinagpapawisan siya pero ang bango niya kasi mabango talaga iyong cologne niyang gamit.

"Kahit pa rin ba dito sa Batanes, Emerald?" kalmadong tanong ko.

"Lunch time naman po at wala naman pong patients," sabat niya. Tumingin ako sa laptop at kumunot na lang ang noo ko nang mabasa ko kung anong title ang papanoorin niya.

"Sinong nagsabing manood ka ng ganyan?" tanong ko.

"Maganda raw po iyan Babu at trending sa Netflix," masayang sagot niya at pumalakpak pa.

"Emerald umayos ka nga!" pikon kong sabi. Nakita ko ang paghaba ng nguso niya at lumayo sa akin ng bahagya.

"Wag mo akong nguso-ngusoan diyan. Kagatin ko yang labi mo!" inis na sabi ko. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya na kinayuko niya upang maitago ito sa akin. Kinikilig ang ang bata! Sabi ng isip ko.

"M-maganda nga raw po iyan," sagot niya habang nakayuko.

"Sinong nagsabing maganda iyan 365 days?" seryosong tanong ko. Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong napipikon sa ganitong ugali niya.

FPS #2: Doctor's Compelled AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon