Chapter 21

1.4K 41 1
                                    

Love is the truest wealth I know but I don't understand why some people choose wealth to be  powerful than love.

For me? Wealth cannot buy happiness. Wealth cannot give you complete home. Wealth cannot bear you respect and trust because wealth is just a material things that can test human nature how to discover human life.

I agree that wealth  can buy comfort but a good heart, a pure heart  can prosper you more than wealth can do.

Napagtratrabahohan naman ang pera basta pursigido ka lang at dedicated sa trabaho. Ang importante kasi sa akin ay ang tiwala at ang pagiging submissive ng tao kasi understandable naman sa mundong ginagalawan natin na iba't-iba talaga ang antas ng buhay ng tao pero hindi naman nakakahiya ang maging isang mahirap dahil blessing pa rin 'yon dahil mayron sila na wala sa mayayaman na masasabi nilang hindi mabibili ng kahit anong halaga.

Andon na iyong point na mahirap maging mahirap pero lumaban lang ng patas wag mang apak ng kapwa para umangat sa buhay dahil nakakapag-ipon naman kapag gugustohin, malaki man ang kinikita o maliit basta may disiplina sa sarili at wag lang mag-agrebyado sa kapwa.

Aanhin mo ang yaman kung hindi ka naman makakabuo ng anak? There's a lot of differences between the two pero kung ako ang pagpipiliin yaman o anak? Of course! Anak ang pipiliin ko.

Nasasabi ko nga lang ba ito dahil mayaman ako?

My answer is No! kahit sa kanila na lahat ng yaman ko basta makabuo lang ako ng anak dahil iyon ang hiling ko dahil lumaki akong walang magulang. Gusto kong maramdaman kung paano maging isang padre de pamilya to build and work my home and give laws to be fallow by my children.

Nahahanap kasi ang pera pero ang pera hindi kayang makabuo ng pamilya. Lumapit ako ulit kay Shantal at inabot ko ang Marriage Contract namin ni Emerald pero ang isang taon kontrata ay hindi na dahil wala ng rason para malaman niya.

"Ano to?" gulat na tanong niya at pinunasan ang mga lupa sa mata.

"Read it," maikling sagot ko.

"Your married?!" gulat na sabi niya.

I nodded.

"I'm sorry pero wala kanang makukuha sa akin ni peso simula ngayon,"sabi ko at kinuha agad ang Marriage Contract namin ni Emerald baka punitin niya sa harapan ko.

"You choose wealth than my love, Shan."

"Thom, Patawarin mo ako pero hindi ganon. Makinig ka muna sa akin oh, please?" paki-usap niya at yumakap sa akin. Tinanggap ko ang yakap niya pero nilayo ko siya pagkatapos niya akong yakapin ng mahigpit dahil may gusto pa akong sabihin.

"Salamat sa sampong taon naging bahagi ka ng buhay ko. Lahat ng naramdaman mo kung anong klaseng pagmamahal man iyon totoo at  galing dito Shan," sabi ko at tinapat pa ang kamao ko sa dib-dib ko. Yumuko siya at umiyak na lang.

"Minahal kita. Naging tapat ako sa iyo. Nagkasala lang ako no'ng buhay mo na ang naging dahilan dahil mas gugustohin ko pang kamuhian mo ako habang buhay kung malaman mong kasal na ako sa iba kaysa  makita ko ang pangalan mong nakaukit na sa lapida kung alam ko mismo sa sarili kong may magagawa pa ako, " sabi ko.

"Akala ko maaayos ko pa ang sa atin kapag nagtapat ako sa iyo pero ang tadhana na pala ang magpapakita na hanggang sampong taon lang tayong pinagsama pero hindi tayo hanggang sa huli dahil itong surprisa na pinakita mo sa akin at narinig ng dalawang tainga ko, "malungkot na sabi ko pa.

" Patawarin mo rin ako Shan, dahil hindi ko sasayangin ang sampong taon pagsasama natin para magstay pa rin ako sa iyo."

"I choose my wife than you."

FPS #2: Doctor's Compelled AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon