"Ako si alvin valdez,ang kuya ni jerome"
-------------- ---- - -Heita's POV,
Mag aalas onse na nang magising ako. Kaya naisipan kong huwag nalang humabol sa klase at umabsent muna dahil tinatamad rin ako.
Nagtext ako kay betty na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko,samantalang ang txt ko naman kay gretta ay magpunta sya dto mmyang uwian para pagplanuhan namin ang ggwin namin kay prince. That playboy! Bilang na ang araw nya.Bumaba na ako at nagpunta ng kusina para magluto ng tanghalian,nakalimutan ko palang kumain kagabi sa sobrang antok.
Kinuha ko na ang kutsilyo para maghiwa ng kamatis,ng mapatingin ako sa salamin na nakasabit sa itaas ng gripo at nakita ang basahan mula sa pintuan ng kusina,nakatabingi ito nakaramdam ako ng kaba. Isinara ko ang mga mata ko upang pakiramdaman ang lapastangang pumasok sa pamamahay ko.
"Ang lakas talaga pala talaga ng pakiramdam mo heita." Napadilat ako at napatingin sa gawi kong gilid.Nakita kong nakasandal si alvin sa ref at nakangiti saakin..
Panong......
Anong ginagawa nya sa bahay ko? Pano sya nakapasok?
"Anong ginagawa mo rito?" Tumawa sya ng mahina at umiling iling..
Hindi nya ba alam ang ginagawa nya? Hindi ba sya natatakot mamatay?"Hindi ako takot sa kamatayan heita.Handa ako mamatay.."sabay lakad nya palapit saakin.. Hinawakan ko ng mahigpit ang kutsilyong hawak ko..
"..kaso hindi sa mga kamay mo" bulong nya sabay tawa ng mahina at umikot papuntang lamesa.
Huh! Hindi ba sya natatakot sakin?Lalo na't nasa puder sya ng pamamahay ko?"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong nya sabay ayos ng placemat sa mesa.
"Pano mong nalaman ang bahay ko? Sinu ka ba? At anong ginagawa mo?Alam mo bang nanganganib ang buhay mo ngayon?" sabay ngiti ko at dahan dahang nilagay ang kutsilyo sa likuran ko.
"Kung may nanganganib ang buhay satin,ikaw yon heita.Dahil mamamatay tao ka" sabay tingin nya saakin..Sabi na nga ba at minamanmanan nya ako..
Simula nung umpisa alam kong nanunuod sya."Kilala mo bako heita?" Napatigalgal ako at napaisip sa tanong niya..
Alvin zeta..?
Zeta....."Ano mo si..Jerome?" ngayon lang pumasok sa isipan ko na parehas ang apelyido nila ni Jerome.Kapatid? Hindi ko alam na may kapatid si Jerome dahil wala naman akong nakikitang ibang tao sa bahay nila kundi sila lang tatlo ng magulang nya.Stupid,bakit ngayon ko lang napansin?!...
"hahahaha.Bakit ngayon mo lang tinanong yan heita?Dapat nung nakaraang araw pa.." Tawa nya sabay hampas ng malakas sa mesa ng dalawa nyang kamay.Nanlaki ang mga mata nya sakin at mukhang galit..
"..bago mo sya patayin"..nakatingin sya sa mga mata ko at maya maya ay bumuntong hininga siya at ngumiting muli. Nababaliw na ba ang isang to?"Pano mong nalaman na ako ang pumatay sknya?" Tanong ko,sabay dahan dahang humahakbang palapit sknya.
Marami na syang alam.."Dahil alam ko ang bawat kilos mo..alam ko lahat ng ginawa mo.."
sabay singhal nya.
"E bakit hindi mo pa ko sinumbong sa mga pulis?"
Tanong ko ulit.
Dapat sayo patahimikin..
"Maisusumbong kita kahit anong oras ko gustuhin heita.." sagot nya.
"Maniwala kaya sila sayo?Ang isang tulad kong babae ay makakapatay ng isang guro at estudyanteng lalake?" patuloy parin ako sa paghakbang palapit saknya.."may ebidensya ako heita,may testigo pako" sabay ngiti nya ..
"HINDI!!"Itinulak ko sya ng buong lakas sa pader at natumba sya sa sahig. Hindi ko hahayaang makalabas pa sya ng buhay!
Sagabal sya sa mga plano ko!
"Masyado kang maraming nalalaman!Patatahimikin na kita!!" binuhat ko ang upuang gawa sa kahoy at inihampas ito saknya ngunit nakailag sya.Tumayo sya at humarap saakin habang hawak ang ulo nyang nagdudugo..
"Hindi mo ko mapapatay heita,baka mauna kapa" sabay tawa nya.Hinugot ko ang kutsilyo sa likuran ko at isasaksak sa leeg nya ngunit nahawakan nya ang kamay ko at pinilipit nya ito papunta sa likod ko,sabay yakap sa akin patalikod..
AHGGGHGR.Ang kamay ko.Ang sakit!Magbabayad sya.
"Alam ko ang lahat lahat sayo...Ako si Alvin Zeta,ang kuya ni Jerome" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya...sabi na nga ba..
May kapatid si jerome..Itinulak nya ako dahilan para mapasubsob ako sa sahig.Sinamaan ko sya ng tingin habang hawak nya ang kutsilyo..
Inilapag nya ito sa mesa at nagbuntong hininga."Huwag kang magaalala..hindi kita ipapahamak heita,magtiwala ka hahaha." at tuluyan na syang lumabas ng bahay.
Anong ibig nyang sbhin?
Anong gagawin nya?
Anong pinaplano nya?
Bakit nya to ginagawa?
Alvin Zeta...sinu ka ba? Anong pakelam mo sa ginagawa ko?
--------------
Betty's POV,Hindi ko dapat sila sinundan kagabi..
Tama ba ang mga narinig ko?Papatayin nila si Prince?Napatingin ako kay prince na nakikipag tawanan sa mga katabi nya..
Guni guni ko lang ba ang mga narinig ko? Kaya nga bang pumatay ni Heita at gretta? Pero..kaibigan ko sila.
"Sissy,nakatulala ka nnmn.Absent na nga si Heita,tapos ikaw parang absent din. Geez" sabi ni gretta sabay irap sakin. Gretta..
"Naiihi ako.Aw aw arrgh" sabay tayo nya at nagmamadaling tumakbo palabas ng room.Nagulat ako ng magvibrate ang lamesa,at nakitang nakapatong ang phone ni gretta,umiilaw ito at nakita kong isang txt mula kay..heita?
Nanginginig ang kamay ko at tinignan kung may nakakakita saakin pero busy ang lahat sa pakkipag daldalan at tawanan.
Pinindot ko ang Open at nabasang...Hindi ako makakapasok gretta,daan ka mmyang uwian dto sa bahay para sa plano,sguraduhin mong d makakasunod si betty.
Plano?.....Totoo ang narinig ko kagabi.Hindi nga guni guni!!!!
Nanginginig ang tuhod ko at inilapag na pabalik ang phone ni gretta ng makita ko syang pabalik na..
Nagulat akong muli ng mag vibrate naman ang phone ko mula sa bulsa kaya dali dali ko itong kinuha at nakita kong isang txt din mula kay heita..
napatingin ako kay gretta na nagtatakang nakatingin saakin.
"Ayos ka lang ba talaga sissy?Namumutla ka knina pa"Hindi ako makakapasok best,masama pakiramdam ko pakisabi kay gretta ha. tnx ingat kayo.
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
'HEiTA' ( Manhater's Revenge )
Mystery / ThrillerAyaw na Ayaw ko talaga sa mga Lalaki! Lahat sila Mga Manloloko! Lahat sila hindi mapagkakatiwalaan! Lahat sila sex lang ang habol! Ang dapat sa kanila Maubos! ... Ako si Heita, Ang pagpatay sa mga Lalaki ay nakapagbbigay ngiti sa aking mga Labi.