Domino

38 3 0
                                    




That is what we are. I fell for you, you fall for someone else, then so on.

*insert fake laugh here*
Ha-ha-ha-ha!
Hello readers :)
Right now. May problema ulit ako XD

Minahal ko ung taong hindi dapat.
Pwede kong mahalin lahat! Pero siya ang pinaka-hindi pwede.

Pero anong magagawa ko? Kung sa kalagitnaan ng mga asaran, tampuhan, biruan namin eh nahulog ako?

Alam kong may mahal siyang iba. Ang hindi ko lang alam..
Kuntento naman ako noon na magkaibigan lang talaga kami. Nandyan ako para sa kanya, nandyan siya para sakin.

Pero lahat ng yan nagbago ng hindi ko namamalayan. Isang araw pag gising ko iba na pala. Ung Love na nararamdaman ko para sa kanya higit na sa dati.

Napangiti ako kasi matapos ang lahat, kaya ko pa palang magmahal ulit :)
Na isang anghel na tulad niya ang babago sakin, sa takbo ng buhay ko at sa nararamdaman ko :)

Pero may biglang pumasok sa isip ko na dahilan upang maramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking pisngi.
Oo nga pala. MAY MAHAL KANG IBA :')

Hahaha :'D mas nauna sila sa buhay mo, mas nauna mo siyang minahal, mas nauna mo siyang tinanggap.
Ano bang laban ko? Eh nasa huli lang ako.
Ngayon lang ako dumating. Anong laban ko?

Hindi mo ko pwedeng sisihin. Kasi ikaw ung tipo ng babae na hindi mahirap mahalin. At ang sarap mong mahalin.

Ewan ko nga bakit ka pinakawalan ng mga past mo. To think na sobrang swerte nila dahil ang isang ikaw, minahal sila ng tunay, sobra, at tapat.

Kasi kung ako un? Entrance lang ng mall at CR ang makakapaghiwalay satin.
Kung ako un? Iiyak ka pero hindi sa galit, selos, o tampo. Iiyak ka sa kakatawa.
Kung ako un? Mas mamahalin kita ng sobra.
Kung ako un? Di na kita iiwan pa para lang sa iba.

Pero.. Kasi...
Hindi ako un. Un ang pagkakaiba ko sa kanila. Hanggang pangarap na lang ako :'D

Mahal kita pero mahal mo siya at mahal ka niya. Eeksena pa ba ako? Eepal pa ba ako kung alam kong sa huli siya at siya parin ang pipiliin mo? Siyempre hindi na.

Sa kanya ka masaya. Hindi sapat ung pagmamahal ko para ako ang mapansin mo. Basta masaya ka, kahit masakit para sakin, pipilitin kong maging masaya para sayo.

Your happiness is more important than mine :')

Kaya itong paglayo ko? Ito na lang ang magagawa ko. Kung bumalik man ako isang araw? Un ay para makibalita lang at makita kung ayos ka lang ba.

Pupunta ako sa malayong lugar. Pipilitin kong maging manhid. Pero umalis man ako? Ung pagmamahal na nararamdaman ko para sayo hindi un mawawala basta basta.
Makakalimutan ka ng isip ko, pero hindi ng puso ko.

Masakit pero kakayanin ko :')
Para naman sayo :)

Pag iniwan ka ulit niyan, nandito lang ako ah? Sabihin mo lang lahat sakin, iiyak mo lahat sakin. Alam ko kasi na sa mga panahong un na mahal parin kita. At kahit papano ako pa din naman ang kaibigan mo :')

Nakalabas nga ako mula sa pag tambay sa past ko.. Hindi ko naman alam na makukulong na naman ako sa panibago <|3 hahaha XD

.

.

.

.

.

.

--

Sorry for the drama guys XD
Inilalabas ko lang para hindi ganun kabigat :) and hindi niya pa pala alam yan :D baka sakaling maGets niya na siya yan pag nabasa niya to :))

Hindi ko hinihiling at hihilingin na mahalin mo rin ako. Ok lang kahit di mo maibalik ung pagmamahal na binibigay ko. Basta maging masaya ka lang ok na ko dun :')

#WeirdTALE <3

Weird Thoughts of A Love ExpertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon