Good? Bye?

54 2 0
                                    

.
.
Sobrang sakit maiwan.
Bawat pag iwan may kalapat na Pamamaalam.

May limang klase ng pamamaalam para sakin..

.
.
Una, ung pamamaalam na mahirap tanggapin, na may isang lalayo at may isang maiiwan. Pero alam niyo sa sarili niyo na baka pagtatagpuin parin kayo ng tadhana balang araw. Na isang araw baka pwede ulit magkalapit ang mundo niyo. Na baka pwedeng magbukas ulit ung pinto patungo sa puso ng isa.

.
.
Pangalawa, ung pamamaalam na hindi mo pa nman naririnig pero ramdam na ng puso mo. Ung ramdam mong wala na at di na dapat kailangan ng "paalam" pero umaasa ka na maaayos pa. Ung alam mong magulo na pero pipilitin mong maayos. Kasi kahit alam mong susuko na siya, ipinaglalaban mo parin.

.
.
Pangatlo, ung pansamantalang pamamaalam. Un ung pamamaalam na may kasunod pang pagkikita. Saglit na pagkakalayo sa maiksing panahon lang.
Basta, un na un.

.
.
Pang-apat, ung pamamaalam na walang sakit at sama ng loob sa isa't isa. Ung pamamaalam na parehas niyong ginusto, parehas niyong tanggap. Planado at napagkasunduan niyo. Un ang pinakamagandang pamamaalam.

.
.
.
At ang huli,
Ang pinakamasakit na klase ng pamamaalam. .
Ung unti unti kang inihahanda sa bagay na ayaw mo pang mawala o matapos. Ung kahit sobrang di mo gusto. . Wala kang magagawa kasi alam mong darating at walang sino man ang makakapigil o makakabago. Un ung pamamaalam na alam mong hindi na kayo magkakausap pa kahit kailan. Goodbye na hindi na kailan pa man masusundan ng "Hi".

---

Masakit :'(

Masakit makita na ang taong mahal mo,
Ung taong lubos mong pinapahalagahan,

NAHIHIRAPAN
Pero wala kang magawa!

Unti unti siyang nilalamon ng karamdaman.
Pero wala kang magawa!

Minsan,
Hihilingin mo na lang na,
"Sana ako na lang"
"Kahit ako na lang ung mahirapan"
"Ako na lang ung masaktan"
"Akin na lang ung sakit"
"Ako na lang ang kunin niyo! Wag siya!"

Pero wala,
Kung ganun lang sana kadali!
Pero wala talaga eh.
WALA KA NANG MAGAGAWA!

Ang sakit. Sobrang sakit!
Parang pinapanood mo na lang siyang mamatay!

Tatabihan mo na lang siya at maiiyak ka.
Habang siya, pilit nilalabanan ang sakit.

Pag umatake na ang sakit niya, mapapahawak na lang siya sa mga kamay mo ng sobrang higpit eh. At ikaw wala kang ibang magawa kundi hagkan ang kamay niya at sabihin na "kaya mo yan".

Ayokong nasasaktan ang mga taong mahal ko at mahalaga sakin.

Makita ko pa lang ang itsura mong nasasaktan hindi ko na kinakaya. Papaano pa kaya sa pagpatak ng luha mo? :'(
Nasasaktan ka at wala akong magawa.

Ang tanging kaya kong gawin ay ang iparamdam na hindi ka nag-iisa. Ang iparamdam kung gaano kita kamahal. Ang presence ko.

Mas mabuti pa ung unang apat na klase ng pamamaalam. Naranasan ko na lahat yan. Pero itong panglima? Sobrang sakit.

Ok lang kung iwan mo ko, atleast malalaman ko paring ayos ka, masaya, buhay at masigla. Ok lang. Magiging masaya ako para sayo. Pero wag naman sana akong maiwan sa gantong paraan :'(

Hindi ka lang nag-iisa na mawawala sakin sa pang-apat na paraan. Oo. Kasi, lahat halos ng mahal ko sa buhay may karamdaman. Ewan ba. Sabihin na nating "Lahat ng makikilala ko iiwan din ako".
Pero pwede ba? Umalis na lang kayo at layuan ako, wag niyo lang akong iwan sa gantong paraan.

Kung pwede lang sana. . Kung pwede kong kunin lahat ng sakit niyo. Kung pwedeng ako na lang ung mawala. Mawawala akong masaya.

Bakit pa kasi kayo maghe-Hello at dadating sa buhay ko kung ang ending naman eh "Goodbye" :'(

What is "good" in every goodbye!? :((
.
.
.
.
.
.
.
.
---
Anong pinaglalaban ko? Ung title ng story na to! XD
Thanks for reading guys^^
Hindi naman po ako matakaw sa Votes at Comments. So wala lang. Just wait for my next update :D

#WeirdTALE :))

Weird Thoughts of A Love ExpertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon