Noong araw na yon..
Wala akong natabig na baso.
Walang nalaglag na picture frame.
Walang nabasag na salamin.
Isa lang iyong ordinaryong araw..
July 11, 2016
Maraming kakaiba noong araw na to.
Hindi ako madasaling tao pero noong gabing iyon?
Nakita ko si mama sa kwarto.. umiiyak siya habang nagdarasal.
Pinanood ko siya hanggang sa nakatulugan na niya.
Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang salamin niya.
Kinuha ko ang rosaryo na ginamit niya at ang prayer book na kasama nito.
Sa pagkakataong iyon huminga ako ng malalim.
"Alam kong hindi ako ang kauna-unahang humiling sayo. Hindi ko nga alam kung totoo ka o kung nakikinig ka ba talaga. Hindi ako ganon kabuting tao pero sa oras na to gusto kong subukang kausapin ka. Magbabago na ako. Marami na rin akong hiniling dati pero ngayon isa lang ang hiling ko. Pagalingin mo siya. Nakita ko na lahat ng paghihirap niya. Wala akong magawa. Kahit anong gawin ko hindi ko mababawasan ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing aatake ang sakit niya. Balato mo na sakin to. Kung totoo ka talaga? Ito lang ang hiling ko. Maibibigay mo ba?"
Natawag ko na din halos lahat ng Santo na kilala. Isa na lang ang mapanghahawakan ko sa ngayon.. at iyon ang tinatawag nilang himala.Prayer for the sick. Our Father. Prayer for Mothers. Angelus. Hail Mary. Glory Be. Apostles Creed. Lahat ng nakita ko sa prayer book na iyon ay dinasala ko. Ikwinintas ko kay Mama ung rosary. Natulog ako sa tabi niya noong gabi ding iyon. Niyakap ko siya hanggang sa makatulog ako pero kahit gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ay hindi pwede. Sensitive na kasi si Mama.
July 12, 2016
Ayos lang. Normal na araw lang naman. Pero yon ang akala namin.
Buong hapon akong natulog noon sa sahig sa loob ng kwarto ni Mama. Naalimpungatan ako minsan pero itinutuloy ko ulit matulog. Hanggang sa gabi na.. nagising ako kasi maingay sa kwarto. Lumabas ako at umupo sa may sala. Nagulat ako dahil bigla akong inaway ni kuya. "Kung pinainom mo sana ng gamot si mama on-time di mangyayari to!" Kagabi kasi nung nakatulog na si mama di ko na siya ginsing para uminom ng gamot. Hirap kasi siyang makatulog. Baka mahirapan lang siya pag ginsing ko na naman.
Lumabas ako at umiyak. Tapos ilang sandali pa nagkakagulo na sila. "ilabas niyo na ung kotse"
Sumasakit na naman pala ang dibdib ni mama. Gusto niya na daw magpadala sa ospital. Lahat sila sumama noon. Yong dalawa kong kuya.. papa ko.. ibang mga pinsan at mga tito at tita.
Di na ako sumama. Sanay na kasi kami na laging dinadala si mama sa ospital kaya sinabi ko na bukas na lang ako magbabantay. At.. yon ang desisiyon na pinagsisisihan ko.
Ilang oras lang umuwi na si papa. Kaming dalawa na lang daw ang magbabantay. Naiwan sila kuya sa ospital. Sa baba lang sila dahil nasa I.C.U daw si mama.
Kakatulog lang ni papa. Gising pa ko kasi ang haba na ng naitulog ko kanina. Biglang may kumatok sa pinto. Tita ko pala kaya nginitian ko. "Anak tulog na papa mo? Gisingin mo. 50/50 daw mama mo ngayon." Gulat na gulat ako noon. Bigla akong kinabahan at naiyak kaya ginising ko agad si papa. Gulat din siya "Huh? Sinong nagsabi? Ok lang siya kanina noong iiniwan namin"
Nagdasal na lang ulit ako habang nasa biyahe.Pagdating namin doon umiiyak na yong isang kuya ko. Nirerevive si Mama.
30mins. na daw siyang nirerevive. Hanggang sa lumabas yong doctor.
"Mag-iisang oras na po namin siyang nirerevive pero di na kaya."
Doon na ako bumigay. Napaluhod at humagulgol.
Nangyayari pala ang mga ganong eksena sa totoong buhay.Madaling araw na noon kaya July 13, 2016 na ang date of death.
Iniisip ko.. baka panaginip lang lahat? Pumasok kami para tignan si mama. "Ma, gumising ka na." "Mama nandito na ko" "Ma, wag naman ganyan oh. Sabi mo lalaban ka pa di ba?" hawak hawak ko ang kamay ni mama. Ayoko siyang bitawan.
Naranasan mo na bang umiyak ng sobra sobra na halos lumuwa na yong mata mo? Yong sobrang sakit na ng ulo mo pero sige pa rin sa pagtulo ung luha mo?Di pa rin ako naniniwala. Naglilinis na sila ng bahay. Dadating na daw kasi ung katawan ni mama.
Namili kami ng isusuot niya. Noong tapos na siyang ayusan pinapasok kami para silipin kung ayos na daw ba. Parang natutulog lang siya.
Mula noong dalhin na si mama sa bahay. Lagi lang akong nakatingin sa kanya. Tinitignan ko ang dibdib niya at hinihintay na tumaas baba ito at hinihintay kong dumilat siya.
Sobrang biglaan. Bakit?
Sana naman naabisuhan kami. Kahit simpleng paramdam lang.Baso na nabasag.
Picture frame na nalaglag.
I miss you Ma. Happy Mother's Day <3
BINABASA MO ANG
Weird Thoughts of A Love Expert
RandomAng mababasa niyo ay galing lamang sa sarili kong opinyon, karanasan, at ideya. Kung maWe-weirdohan ka eh di sana binasa mo muna ng maayos ung title! XD Maybe may mga advice or lessons kayong mapupulot o makukuha dto. Palawakin niyo ang inyong pang...