(Macey's pov)
Linggo ngayon at dahil wala ding pasok tuwing linggo ay wala din akong magawa.Balak ko sana magikot ikot na lang ulet dito sa may subdivision namin kaso wala akong kasama. Si Ayah kase umuwi na sa kanila, Samantalang si Ate Jv naman ay busy sa pag aasikaso para sa nalalapit na SSG election. Isa kase si Ate Jv sa mga tatakbong SSG kasama ni Rafie.
" Ma, Punta lang ako kila Russell" - pagpapalam ko kay mama.
Napakaboring kase sa bahay atsaka hindi naman ako makapagikot ikot dito dahil wala akong kasama kaya naisipan ko na lang na magpunta sa bahay nila Russell para doon mangbulabog.
" Sige, Ingat ka ah " - sabi ni mama habang nagwawalis.
" Opo ma, Alis na ko ah. Bye love youuu" - sabi ko sabay lapit at kiss sa pisngi ni mama.
" Sige, Love you too. Sure kang kila Russell punta mo ah, Baka naman makipagkita ka lang sa boyfriend mo " - pabirong ni mama na saglit na tumigil sa pagwawalis at ngayo'y may mapang asar na ngiti.
" Ma naman, Wala nga kong jowa e" - sabi ko sabay kamot sa ulo.
" Mabuti, Panget mo kase " - pang aasar pa ni mama.
" La ma, Magkamukha lang naman tayo e " - natatawang sabi ko.
" Parang hindi naman, Sinong nagsabing magkamukha tayo?Boboljakin ko" - sabi ni mama habang nakapameywang na at hawak hawak ang walis sa isang kamay.
" Boyfriend ko ma, Sabi nya magkamukha daw tayo. Pareho daw tayong maganda " - pagbibiro ko.
" Ano?! Sinong boyfriend ah?Talagang maboboljak ko yan. Kayong dalawa boboljakin ko. Halika nga ditong bata ka " - sabi ni mama sabay pengot sakin palapit sa kanya.
" Aaaah!! Maa, Joke lang yon maaaa, Aray aaah- Araa Araaay! " - sabi ko habang pinepengot ni mama yung tenga ko.
" Nako, Nads sinasabi ko talaga sayo umayos ka ah " - sabi ni mama nang tumigil sa pag pengot sakin.
" Ma, Joke lang naman yon e " - sabi ko habang hinahawak hawakan yung tenga ko na pinengot nya. Grabe talaga si mama, Feeling ko matatanggal tenga ko kanina😭
"Haynako, Ewan ko sayong bata ka. Umalis ka na nga at baka mahambalos pa kita nitong walis " - sabi ni mama habang tinuturo turo pa ko gamit ang walis.
_______________ ________________
--------------------- -----------------------
(Macey's pov)
Nandito na ko ngayon sa bahay ni Russell. Kasalukuyan kong kwinekwento sa kanya ang ginawa kong pagbibiro kay mama." Grabe besh, Si mama nang aasar tapos pag biniro na meron nagagalit " - sabi ko habang hinahawak hawakan yung tenga ko na pinengot kanina ni mama.
" PFFT HAHAHAHAHA Kawawa ka naman besh " - natatawang sabi ni Russell
" Talagang pinagtawanan mo pa talaga ako ah " - sabi ko at sarcastic na ngumiti.
" Sorry besh, Ikaw naman kase e bakit ka pa kase nagbiro ng ganon kay Tita " - natatawang sabi pa din nito.
" Aba malay ko ba" -
" Ay besh, Alam mo ba... " - sabi ni Russell sabay kuha ng tsitsirya sa table sa harap namin at binuksan.
" Ano? " -
YOU ARE READING
The Girl who doesn't know how to love
Teen FictionIsang babaeng takot magmahal,isang babaeng di marunong magmahal,takot masaktan kaya lahat hindi sineseryoso paano nga ba magmahal?yan ang laging tanong nya masagot pa kaya ang tanong nya?