(Macey's pov)
Nandito pa ko ngayon sa bahay, hapon pa ang klase ko pero maaga ako nagising sa di malamang dahilan. Hanggang ngayon nalulungkot pa din ako at nag-aalala sa nangyari kay Jairon, patuloy pa din ang mga nagpopost tungkol sa knya at sa pagsasabi nang mga sana ay bumuti na ang lagay nya.Naiiyak na naman ako dahil ito ako nasa kwarto nakahiga habang nagsscroll sa fb at binabasa ang iba't ibang post patungkol sa kanya.
" Ga, maligo ka na para makapagbihis ka na at kumain" - sbi ni mama na maramdaman kong umupo sa may tabi ko at hinahaplos haplos ang ulo ko. Pinunasan ko naman ang luha ko atsaka humarap sa knya na nakahiga pa din.
" Bakit ma?mamaya pa naman po pasok ko 12:45 " - sabi ko atsaka pinunasan ulet ang mga luha na patuloy na tumutulo mula sa aking mga mata.
" Pupunta na tayo sa kaklase mo, sasamahan kita " - sbi ni mama atsaka tipid na ngumiti.
" Talaga ma?pumapayag ka na po na pumunta ako doon? " - sbi ko atsaka umupo.
" Oo basta sasamahan kita " -
" Thank you mama! " - sabi ko atsaka ngumiti at niyakap si mama.
" O sya sige na, dalian mo maligo ka na para makapagbihis ka na't makakain bago umalis " - sbi ni mama nang kumalas sa yakap.
____________ ____________
-------- --------(Macey's pov)
Halos magdadalawang taon ko na rin kaklase sila Jairon, kaya naman talagang malalapit ang loob namin sa isa't isa. Kaibigan at kapatid ang turing ko sa mga kaklase ko kaya ganoon na lang ako maiyak nung nalaman ko yung nangyari at hindi pa payagan ni mama na bumisita doon.
Mabuti na lang at matapos ang ilang beses kong pag iyak ay pinayagan na din ako ni mama na bumisita sa kondisyon na sasamahan nya ko.
Nandito ako ngayon sa hospital dahil binisita ko si Jairon kasama si mama, kalalabas ko lang ng room nya nang marinig ko si mama at ang mama ni Jairon na nag uusap.
" Salamat sa pagbisita nyo sa anak ko, marami ding mga kaklase at kaibigan nya ang bumisita sa kanya kanina at nung mga nakaraan. Ramdam ko na marami din talagang nagmamahal sa kanya " - sbi ng mama ni Jairon at tipid na ngumiti kay mama.
Magkakilala na talaga si mama at si Tita Jazine ang mama ni Jairon noong Grade 7 kami dahil sa mga PTA meetings sa school.
Magaling makipag usap at makipagkaibigan si mama kaya naman madali rin silang nagkakwentuhan noon.
" Nako wala yon, ito naman kaseng anak ko. Iyak din ng iyak sa bahay, kaya ito pinayagan ko na din at sinamahan na makabisita " - sagot ni mama
" Magkaibigan nga siguro sila kaya ganoon" - sbi ng mama ni Jairon at ngumiti
" Ma "- pagtawag ko kay mama nang makalapit ako sa kanila
" O sya sige mauna na kmi may pasok pa din ito e "- pagpapaalam ni mama sa mama ni Jairon atsaka ngumiti
" Magiging maayos din sya" - dagdag pa ni mama atsaka yumakap sa mama ni Jairon, nakita ko naman na mangiyak ngiyak ang mama ni Jairon sa sinabi ni mama atsaka tumango tango.
" Tita, una na po kmi " - sbi ko atsaka ngumiti at niyakap din ang mama ni Jairon.
Naawa din ako sa mama nya, batid ko at mahahalata din sa mukha ng mama nya na nalulungkot sya at nag-aalala sa nangyayari kay Jairon. Sana maging maayos na talaga lagay nya.
YOU ARE READING
The Girl who doesn't know how to love
Fiksi RemajaIsang babaeng takot magmahal,isang babaeng di marunong magmahal,takot masaktan kaya lahat hindi sineseryoso paano nga ba magmahal?yan ang laging tanong nya masagot pa kaya ang tanong nya?