36

3K 65 2
                                    

Natulala ako dito sa may tabi, may jacket na nakapatong sa akin at nakaupo ako ngayon sa may stretcher habang sina vester at britney ay dadalhin na agad sa morgue dahil wala na silang buhay,


Nakatulala ako at iniisip na ako pala ang dahilan kung bakit nagawa ni yuan lahat ng kasamaan na iyon, sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi mangyayari ito kung hindi ako nag exist.

"Anak!"


Tumingin ako kina mommy at daddy na papunta sa akin, niyakap nila ako habang si mommy ay naiyak.



"M-mom, sorry po sa ginawa ni yuan kay kuya"sabi kong naluluha, "hindi ko po alam na magagawa nya iyon para lang ipagtanggol ako"



"Anak, sorry dahil ngayon lang namin sasabihin sayo na ang kuya mo ang master mind ng lahat. Sya ang nang iipit sayo sa kaso ni jericho, sya din pala ang nag utos kay esmeralda na apihin ka kahit noon pa"sabi ni dad at nagsalubong ang kilay ko, dahan dahang lumingon si mommy sa kanya at sinampal sya,




"N-nasa alanganin na ang anak natin, bakit mo pa ginawang isikreto ang lahat ng ito? Hector?!"singhal ni mommy, tumingin ako kay dad na naluluha,




"Dahil ba hindi mo ako totoong anak kaya pinabayaan mo si kuya na gawin iyon sa akin?"tanong ko at tumango si dad, pinunasan ko ang luha ko at tumayo,


"Saan ka pupunta, stacy!"


Tumakbo ako palayo at sumakay ng kotse, hinahabol pa ako nina mommy at daddy pero hindi ako nagpapigil.


Pupunta ako sa bahay ni peter, pag dating ko dito ay nakita syang may dalang maleta at nilo-lock ang pinto ng bahay nya,



"P-peter?"

Dahan dahan syang lumingon at ngumiti ako, nakita ko ang dismayado nyang mukha,



"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong nya, natigil ako at bumuntong hininga,



"P-peter, pwede bang mag stay na muna ako dito?"tanong ko at agaran syang umiling kaya nawala ang ngiti ko,



"Stacy, wala naman na tayo para mag stay ka pa dito"sabi nya nagsalubong ang kilay ko, natawa ako at napalunok.




"Diba, nagkabalikan na tayo?"tanong ko at umiling sya,




"Sorry stacy pero kase nung araw na iyon, nag panggap ako na okay tayo kahit para sa akin hindi naman dapat kase nakabuntis ako e"sabi ko at natigilan ako,




"A-ano? Pwede mo ba i-clear?"tanong ko,


"Nakabuntis ako ng babae sa bar nang hindi ko sinasadya, kaya ngayon uuwi ako ng canada para panagutan sya" sabi nya at napalunok ako,




"B-bakit mo nagawa iyon sa akin?" tanong ko, "hindi mo na ba ako mahal para pagtaksilan mo?"




"Sorry stacy, long story kase ayoko na i-kwento pa"sabi nya at umalis na, naiwan akong mag isa dito sa tapat ng bahay nya. Umupo ako at napahawak sa ulo.




Akala ko ending na e, bakit naman biglaang mawawala ang inaakala kong pahinga ko?



Habang nakaupo dito ay unti unting bumuhos ang ulan, wala akong pake at nakatulala lang habang nanginginig ang mga kamay,


Iniisip ko yung si yuan, pagtapos nyang patayin si britney at si vester, bigla na lang syang mawawala?



Yuan POV

Taming The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon