13

3.3K 76 2
                                    

Nakarating ako sa meeting place namin ni britney nang nakangiti dahil hindi na ako nasundan pa ng mga asungot, hayst.


"Wow, himala nakarating ka dito without any guards"sabi nya habang natingin pa sa likod ko, bumuntong hininga akong ngumiti, confidently.


"Yes naman, ako na 'to at sinigurado kong di na nila ako matutunton"sabi kong nakangiti,

"Ikaw huh, nandito ka pala tatakasan mo pa ako"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses na iyon habang si britney ay natawa,



"Wow girl, hindi ka pala matutunton pero bakit ka natunton ng fiance mo?"

Dahan dahan akong napalingon at nakita si yuan na pagod na pagod, tinaasan ko sya ng kilay at napairap,



"What are you doing here?"tanong ko,



"Para maging guard mo, magagalit sa akin ang daddy mo pag di kita sinamahan"sabi nya at natawa ako,



"Huwag ka ngang magpauto kay dad, sinusunod mo lang naman sya kase sabi nya at takot ka kay dad?! Ano ba yuan, huwag kang magpabulag sa mga sinasabi ni dad"irap ko,



"Kusa ko rin 'to ginagawa dahil ayokong mapahamak ka kaya sa ayaw at sa gusto mo, lagi kitang babantayan para malaman kong safe ka"sabi nyang nakangiti,





"Makita ka pa lang ng mata ko, nararamdaman kong hindi na ako safe kaya umalis ka na"irap ko, "hindi mo naman ako kayang ipagtanggol e kung may magtatanggka man sa buhay ko kaya tumigil ka na, umuwi ka na kase alam ko namang duwag ka"



"Hay nako stacy, hindi mo talaga ako kilala, di mo alam kung ano ang kaya kong gawin"sabi nyang nakangiti,

Napairap ako at inalisan na sya para pumunta na sa loob ng golf course,


"Nakaka bwisit"bulong ko,


"Kinikilig ako sa inyo---


"Stop britney, ang sakit sa tenga ng mga sinasabi mo"pag irap ko at nagsimula ng mag golf nang masama ang loob, kakainis!





Nang ma-shoot ko sa butas ang golf ball ay narinig ko ang pagpalakpak ni yuan, napalingon ako sa kanya, nakasandal sya sa may pole, nakakrus ang legs nya at nakatitig sa akin kaya inirapan ko sya,





"Huwag ka ngang pumalakpak! Nakakainis!"pag attitude ko at natawa sya,




"Bakit? Proud lang ako sa future ko" sabi nya at tumili naman si britney,



"Grabe ka na spencer! Go boy"tili ni britney kaya inirapan ko silang dalawa,





"Huwag mo ngang sabihin iyang future future na iyan! Ang immature mo masyado at nakakairita!"singhal ko,




"Immature? Hindi naman, totoo naman ah na ikaw ang future ko"pag taas nya ng dalawa nyang kilay nang dalawang beses kaya inismidan ko sya,






"Hindi kita magiging future kase once na nakahanap na ako ng magiging boyfriend ko, tatanggalin na nila mom and dad ang papeles natin na tayo ang ikakasal"sabi ko at nawala ang ngiti nya,







"Okay"


Nag walk out sya bigla kaya tumawa ako, "oh diba, finally napaalis ko na sya"





"Ang attitude mo girl"





"Sa kanya lang naman kase napakakulit nya, sinabihan ko na sya ng ilang beses na ayaw ko sa kanya pero sunod pa rin sya nang sunod" sabi ko at naglaro na ulit,






Taming The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon