10

3.8K 78 3
                                    


Nandito na kami ngayon ni yuan sa may event, nagsuot lang ako ng dress dahil iyon ang sinabi ni mommy na suutin ko dito sa may second day party.


"Hindi ba weird ang suot ko?"tanong ko at tiningnan nya ako sabay tawa kaya nagsalubong ang kilay ko,


"Huy, bakit ka natawa huh? Ano nga! Maayos ba o hindi?"tanong ko at napabuntong hininga syang tumingin ulit sa akin,



"Ayos naman, wala namang problema sa suot mo"sabi nya at tinaasan ko sya ng kilay,

"E bakit ka tumawa nung nagtanong ako sayo kung ayos ba ako? Ikaw huh, pinagloloko mo ko"pag irap ko at krus ng braso ko,

"Ang ganda mo naman na kase at ang ayos mo na tapos nagtatanong ka pa dyan, kung tutuusin ikaw ang pinakamaganda sa event na ito"sabi nya at napairap ako at bumuntong hininga,

"Huwag mo kong utuin, hindi mo ba alam na alam kong pinaglalaruan mo ko sa isip mo at pinagtatawanan?" tanong ko,

"Grabe trust issue nito"

"Ofcourse, sa behavior mo bang iyan, tingin mo hindi ako magkakaroon ng trust issue sayo?"pagtingin ko sa kanya na parang nang huhusga at natawa sya,

"Huwag ako ms guillermo, mas mabait pa kaya ako keysa sayo tapos magkakaroon ka lang ng trust issue sa akin?"tanong nya at napabuntong hininga akong umirap at nilampasan na sya para mag comfort room lang ako.

Aayusin ang make up dahil nalulusaw na sa sobrang stress ko sa kanya, sino ba naman kaseng hindi maistress sa kanya e ang daldal nya tapos ang dami pang alam.

Maya maya pa ay narinig ko na sa labas ang proxy na nagsasalita, wala naman na akong ginagawa sa comfort room kundi tumambay na lang at mag cellphone dahil ka-chat ko si britney nang biglang may kumatok, ang demanding nga masyado kumatok kaya napairap ako at napabuntong hininga.

"Sino iyan!"sigaw ko mula dito sa loob,

"Aba lumabas ka na, hinahanap ka na ng family mo, tagal mo naman dyan tumae,"sabi nya mula sa labas at ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to, lakas pa ng boses nya. "Tinitibi ka ba?"

"Fuck you ka! Bwisit ka"sabi ko sabay labas na ng banyo at tulak sa kanya, "what word is tinitibi? Para kang di anak ng vice mayor para magsabi ng ganyang salita, eww"

"Keysa naman sa araw araw nag curse, malala pa"sabi nya at napalingon pa ako sa kanya sabay taas ng kilay ko,

"May sinasabi ka?"tanong ko at napangiti sya,

"Ako? May sinasabi? Guni guni mo lang iyon"sabi nya at nilampasan na para pumunta na sa direkyon nila dad.

Pagdating ko dito ay nakita ko silang nag uusap with a handsome guy, grabe malayo palang ay napangiti na ako at ginanahan na akong lumapit sa kanila.

"Dad!"nag beso ako kay dad at kay mommy sabay harap sa poging lalaki na nasa harapan ko,

"Oh stacy meet bryce, the congressman son"

Nag shake hands kami ng lalaki at nag ngitian sa isa't isa, maya maya pa habang matagal kaming nakatitig ni bryce ay biglang may humawak sa waist ko dahilan para mapatingin ako dito.

"Hi bryce"pag ngiti nya at nag shake hand silang dalawa sabay tingin sa akin ni yuan nang nakangiti.

"What are you doing?"bulong kong naiinis sa kanya at tinaasan nya ako ng kilay,

"Pinagmumukha ko lang kay bryce na ikaw ang magiging asawa ko"sabi nya at binitaw ko ang kamay nya na nakahawak sa waist ko.

"Hayaan mo nga ako, hindi kita tatanggapin as may fiance or kung sino pa"pag irap kong bulong.

Taming The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon