23

3.1K 66 10
                                    

Walang ginawa si Yuan kay Jericho, ginagamot na ang kamay ni Jericho sa medic room dito sa venue.




Wala naman palang gagawin si Yuan kay Jericho pero bakit takot na takot iyon na tila akala mo papatayin sya ni Yuan. Napakabait ni Yuan at sya ang lalaking nakilala ko na hindi makabasag pinggan.



"Everything is fine naman anak? Sorry kase may inaasikaso kami ni daddy mo na bisita kaya hindi ka namin napansin"sabi ni mommy at napangiti ako,




"Im totally okay, i didn't expect that din kase"sabi ko at narinig ko ang tawa ni esmeralda,





"Ang landi landi kase, may fiance na tapos nakikipag small talk pa sa kung sino sino"singit ni esmeralda at tinaasan ko sya ng kilay,




"Sino ba yung babaeng alam ng may finace yung lalaki panay pa pakikipag usap ng nonsense?"tanong ko at natigilan sya.





"Uh guys? Wait lang, i will talk to someone lang"sabi ni yuan sabay alis papunta sa loob ng party, patuloy pa rin ang party dahil wala naman masyadong tragedy na nangyari, parating na rin ang pulis para arestuhin si jericho sa pagtatangka nya sa akin.





"O My God hija, are you okay?"pag tanong ni tita beatrice, tumayo ako para ibeso sya at siniguradong okay ako, nag usap lang kaming lahat, hinahanap nga nila si yuan pero dahil sa laki ng venue ay hindi na nila tinangka pang hanapin.





"Im sure, yuan is talking with his friends, may ininvite pa kase sya na friends nya kaya for sure nasa labas iyon"sabi ni tita beatrice at tumango ako, binigyan ako ng staff namin ng blazer para iwas sa lamig na nararamdaman ko.




Dahil kase sa nangyari ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo at katawan at nakokonsensya ako sa ginawa kong pananaksak sa kamay ni jericho,




Nandito ako ngayon sa may exit ng venue namin, nakasandal lang sa may pinto at nakatingin sa langit, iniisip ang nangyari kanina.




"Ang hina mo naman, bakit sa kamay mo lang sinaksak at hindi sa puso o kaya sa utak para diretsong patay na" napalingon ako sa boses ni esmeralda at nakita ko syang papalapit sa akin para samahan ako sa pagtambay ko,




"Hindi kase ako tulad mo na masama na nga ang ugali tapos kaya pang pumatay ng tao, hindi ako ganoon" sabi ko at napairap syang tumawa,





"Well, ikaw ang luge kase hindi ka na nga marunong lumaban, hindi pa marunong lumaban ang fiance mo" sabi nya at napa side eye ako sa kanya dahil ang itsura nya ay tila nagday dreaming, "mas bagay kami ni yuan kase ako, matapang at kayang lumaban while sya, hindi marunong lumaban. Paano pa kaya pag may nag nakaw sa condo namin? Edi ako lang ang lalaban at papatay doon kase hindi marunong pumatay si yuan e, masyadong malambot ang puso nya para doon, kawawa naman sya"





"Mas kawawa ka kase hanggang day dreaming ka lang na magiging kayo ni yuan dahil fiance ko na sya, hindi na mababago ang nasa kontrata"sabi ko sabay tawa ng kaunti dahilan para maasar si esmeralda at mawala ang ngiti nya,





"Oh reall---



"Ahhh!"




Natigil kami sa pagbabangayan nang makitang nahulog si Jericho mula sa balcony, nambilog ang mata namin ni esmeralda at tumigil ang tibok ng puso ko, kita ko ang dugo nya galing sa ulo nya, nakamulat pa syang namatay kaya mas lalo akong na-trauma.





"OMG, my son jericho!"pag iyak ng nanay nya na papalapit sa kanya pero hinarangan sila ng mga guard,





Lumapit ako doon para tingnan ang bangkay ni jericho nang humarang doon ang mommy nya,





Taming The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon