Sa lahat ng highschool students, ako lang yata ang excited kapag monday. Tapos na ang klase, bakit ako excited? Magkikita kasi kami ngayon ng boyfriend ko, si Jacob. College na kasi sya kaya maraming conflict sa schedule namin, twing monday lang kami nagkikita.
"Jane!" Bago pa ko makalingon, naramdaman ko ng yumakap sya sakin. Nabubuo talaga nitong lalaking to ung araw ko. Hahaha!
"Imissyou baby ko!" Sabay kiss nya sa noo ko. Uuugghhhh! Sumasabog puso ko pag tinatawag nya kong baby. Parang may zoo sa tyan ko e haha.
"Imissyoutoo Jacob." Sagot ko ng nakangiti dahil nalaglag na panty ko. Dejoke lang sa kilig talaga. Lantod hahaha. Hinawakan nya yung kamay ko, lagi nya naman tong ginagawa kaya sanay na ko sa kilig.
Gwapo talaga netong boyfriend ko, ang sweet sweet pa.
"Hatid na kita Jane, baka mapahamak ka pa baka ikamatay ko pag may nangyaring masama sayo." Sabi nya ng nakangisi pagkatapos namin kumain sa isang fastfood malapit sa school.
"Sweet talaga ng boyfriend koo!" Pinisil ko ung pisngi nya. Pagkatapos nun, hinatid nya na ako.
"Jane." Tumingin ako sakanya bago pumasok sa bahay.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Wala bang goodbye kiss?" Saka sya dahan dahang ngumisi. Ang cute talaga neto. Kiniss ko sya sa pisngi.
"Uwi ka na. Ingat ha?"
Ngumiti lang sya tapos umuwi na. Ang sarap talaga kapag monday. Ayokong mawala ka pa sakin Jacob.
One week has passed. Sunday na ngayon, nagtext sakin si Jacob.
Jacob: Jane, picnic tayo :)
Jane: Sure. :) kaylan ba?
Jacob: Now. Get ready, I'll be there within 30mins. See you later baby. Iloveyou :*
Hindi na ako nagreply dahil mabagal ako gumayak. Like what he said, dumating sya after 30mins.
"Ready?" Sabay ngiti ng kumag na to. Gwapo nya talaga pag ngumingiti.
"Tara na." Ngumiti nlng din ako.
Pumunta na kami sa Gab's Park. Medyo malapit lang samin. Halos kami lang dalawa yung tao dito. Presko ng hangin, puro puno, tapos kasama ko pa sya. Sana laging ganto, feeling ko safe ako, ang gaan ng loob ko sakanya, sobra.
"Jane? Okay klang? Kanina ka pa nakatitig sakin e. Gwapo ba?" Saka sya tumawa ng malakas. Oo Jacob, sobrang gwapo mo.
"Hay ang hangin no?" Nagtawanan din kami dahil nagets nya yung sinabi ko.
Dahil may blanket naman kami, humiga sya dun tapos ginawa ko namang unan yung tyan nya.
"Baby, happy 1year and 3 months. alam mo kapag ikaw kasama ko, parang okay lahat, wala akong dapat alalahanin ganun. Yung oras, problema hindi ko iniintindi kasi andyan ka. Akin ka lang ha? Wag mo ko iiwan." Nagulat ako sa sinabi nya dahil ngayon ko lang sya nakitang ganito kaseryoso. Nakalimutan kong monthsary nga pala namin.
Umupo ako at tinignan sya sa mata, alam ko at ramdam kong totoo yung mga sinabi nya. Pagkatapos nun niyakap ko sya ng mahigpit saka ako umiyak. Wala akong masabi. "Happy 1year and 3months din Jacob, mahal na mahal kita."
Hindi ko alam pero katulad ng sinabi nya ganun din yung nararamdaman ko, ganun din yung gusto ko sabihin. Jacob Riley Nicolas, mahal na mahal kita... Sobra....

BINABASA MO ANG
Nostalgia and Euphoria
Teen FictionSome stories dont start with once upon a time. Some are just continuation of unfinished chapters. Some stories doesn't have a happy ending because it's not about the happy ending, it's about the happy journey.