Monday, alam na. Nagtext sya sakin.
Jacob: Jane sunduin muna natin sila bunso sa school. Pinapasundo ni Mama e.
Nanibago ako sa text nya kasi parang ang cold. Hindi ko na sya nireplyan at inintay nalang sya. Yung sasakyan nila ang pangsundo namin. Huminto sya sa harap ng school at sumakay na ako. Maaga kaming nakarating sa school ng kapatid nya at halos hindi sya ngumingiti o kumikibo manlang. Hindi nya rin hinawakan ang kamay ko, masyadong nakakapanibago.
"Jacob, may problema ba tayo?" Seryoso kong tanong. "Wala ah, bakit naman?"
"Eh wala ka kasing imik tapos di pa maipinta yang itsura mo." Sagot ko. Hinihintay ko pading hawakan nya yung kamay ko, pero wala. Nag iintay ako sa wala.
Biglang tumugtog yung Superman by Five for fighting. Kumanta nalang sya.
"Naiintindihan mo ba yung lyrics?" Saka sya tumawa, masyado kasing mahirap intindihin yung lyrics. Tumawa nalang din ako, kahit peke.
Pinuntahan na namin si bunso, pagkatapos hinatid nya na si bunso sa bahay nila. Nagmano muna ako kay tita at tito, medyo nagtagal kami sakanila.
"Jane, okay lang ba kayo ni Jacob?" Tanong ni tita nung pumunta si Jacob sa kusina at nasa sala naman kami.
"Hindi ko nga rin po alam tita e, pasensya na po."
Ngumiti nalang sya.
Legal kami both sides, at okay din ang family namin.
Gusto ko ng parents nya, pati mga kapatid nya. Gusto din sya ng parents ko. We have plans for our future, as in nakaplano na lahat. Pero mukang may problema ngayon, sana naman hindi yung iniisip ko.... Sana hindi dito matapos lahat.. Sana..

BINABASA MO ANG
Nostalgia and Euphoria
Roman pour AdolescentsSome stories dont start with once upon a time. Some are just continuation of unfinished chapters. Some stories doesn't have a happy ending because it's not about the happy ending, it's about the happy journey.