Zeph's POV
Nagising ako sa mahinang pagkatok mula sa labas ng hotel room namin ni Ezra. Mahimbing pang natutulog si Ezra. Inaantok kong binuksan ang pinto habang nagkukusot ng mata. Bumungad sa akin ang nakangiting si Cal.
"Good morning, Zeph," aniya, sabay ngiti. Umunat ako nang kaunti.
"Good morning din, Cal," bati ko sa kanya saka humikab. Nagitla ako n'ong hinala niya ako na nagpatanggal bigla ng antok ko.
"Wait. Where are we going?" nagtatakang tanong ko sa kanya pero patuloy lang siya sa pag-akag sa akin.
Binuksan niya ang sa tingin ko'y kwarto nilang tatlo nila Aiden. May limang pintuan doon, tatlo siguro na kwarto para sa kanilang tatlo at dalawang comfort room. Ipinaghila niya ako ng upuan sa may lamesa. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
"Alam mo, dapat hinayaan mo muna akong maligo. I'm still wearing pajamas, you see? Baka isipin nila Aiden na dito ako natulog sa inyo kagabi," mahina siyang napahalakhak sa sinabi ko.
"You can sleep here anytime you want to, Zeph. But don't worry, I'm not like Azri that can do something to you forcefully," inihiga ko ang ulo ko sa lamesa habang naghihintay sa kanya na may ginagawa sa kusina.
"Why do you think he did that to me, Cal? That force kiss? It was intentional, right?" napabuntong-hinga ako sa tanong ko sa kanya.
---->Flashback<-----
Masakit. Sobrang sakit. Hindi ko akalaing magagawa niya sa akin 'yon. Nakakalunod ang pwersahan niyang paghalik sa akin. Bakit kailangan maging gan'on? Hindi ko magawang maibalik 'yong halik niya sa akin dahil ang tanging nararamdaman ko lang ay sakit at takot.
Pagkalabas ko ng kwarto niya habang umiiyak, hindi ko sinasadyang makasalubong at mabangga sa hallway si Cal. Agad ko siyang niyakap. Mahigpit niya akong niyakap pabalik.
"Zeph, tell me. What happened? What did he do to you?" nag-aalalang tanong niya pero patuloy lang ako sa pag-iyak.
Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Azri, agad niya akong nilagay sa likod niya. Hindi ko na siya nagawa pang pigilan n'ong wala pang isang segundo ay sinuntok na niya ito.
"You f*cking bastard! What have you done to her?!" sigaw niya na nagbigay alingaw-ngaw sa tahimik na hallway.
Biglang nagsidatingan ang mga kasama namin at agad akong niyakap ni Ezra pagkakita niya sa akin. Kahit nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha, nakita ko na nakatingin sa akin si Azri. Nagsusumamo ang mga mata niya at alam kong gusto niya akong lapitan. Napatingin ako sa labi niya saka muling bumalik sa isip ko ang ginawa niya sa akin kanina.
YOU ARE READING
GUARDING THE PRINCE IN DISGUISE(PRINCE SERIES #1)
FanfictionHYUNHYUN COUPLE FANFIC SERIES #2 Zephyrine Eleanor Wrights is the only princess or child of her wealthiest family. She's also the heir that will inherit her parents' huge companies, W Corp., which are the richest of all companies and different busin...