CHAPTER ONE

17 2 0
                                    


Zeph's POV

Saglit pa silang nagkatinginan dalawa pero hindi ko na lang iyon pinansin. Tumigil kami sa tapat ng isang kwarto at siya na mismo ang nagbukas n'on. Bumungad sa akin ang napakalaking kwarto na mas malaki pa sa kwarto ko. Napatulala ako.

"So you're gonna give this room to her when this is where Devi sleeps before, bud?" napakunot ang noo ko sa tanong ni Aiden. Kunot-noo akong lumingon sa kanila.

"Devi? Who are you talking about?" I asked them confused about what he was saying.

"Just someone. Don't mind him, Zeph. Anyway, this will be your bedroom from now on and tomorrow morning after we'll take our parents to the airport, I'll discuss with you some rules here. I'll tour you around here if you want, okay?" seryosong ani Azri. Tumango-tango ako sa kanya.

"Okay. I think I'm gonna like it here but nevermind." mahinang sambit ko sa sarili.

"Zeph, may I ask something?" he asked.

"Yeah? What is it, Azri?"

"I just don't get why you were here or why you have to live here," sabi niya kaya nagkibit-balikat ako sa kanya.

"Me either. Dad just told me it was about their business matters but I don't know more about that. Did your parents tell you the same thing?" Napahawak siya sa batok at tumango.

"Anyway, pwede mo nang ayusin ang mga gamit mo dito. And you're gonna sleep here starting tonight. Did you bring all the things that you needed here? So, if you need any help, you can call one of the maids," umiling ako saka ngumiti.

"No need. I can handle it myself," ngiting sagot ko. Tumango-tango siya.

"Good. Maiwan ka muna namin," saad niya habang tumatango lang ako. Pagkatapos ay lumabas na silang dalawa ng kwarto.

Huminga muna ako nang malalim bago sinimulang ayusin ang mga gamit ko. Isinalansan ko iyon ng maayos at nakaorganized katulad sa kwarto ko talaga. Hindi naman gano'n karami ang ibang gamit ko maliban na lang sa mga libro. Hindi ako papayag na hindi ko dadalhin ang mga libro ko. Sa kwarto ko, pinagsamang bedroom at library. Punung-puno ng mga libro at halos lahat iyon ay nabasa ko na.

Nang maiayos ko na ang mga libro sa bookshelves, napatingin ako sa orasan. Malapit na palang maggabi. Hindi ko namalayan ang oras. Maya-maya, may biglang kumatok. Inakala kong isa sa mga kasambahay nila pero si Azri pala. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa.

"Yes? May I help you?" tanong ko pero naglakad siya saglit bago tumigil at lumingon sa akin.

"We're having a family dinner downstairs. Come down now," seryosong aniya saka nagsimulang bumaba ng hagdan. Saglit akong nag-ayos ng sarili sa salamin bago sumunod sa kanya sa dining area.

Tahimik akong kumakain habang nagkukwentuhan silang lahat. Ngumingiti lang ako kapag napapatingin sila sa akin. Ramdam ko naman ang panay tingin nina Azri at Aiden sa akin kaya n'ong nahuli ko sila pareho ay sinamaan ko sila ng tingin.

"By the way, Zeph. Have you been in a relationship?" napatigil ako sa tanong ng mommy ni Azri. Medyo nag-aalinlangan pa akong umiling.

"Not really. Why are you asking, Mrs. Smith?" nahihiyang tugon ko.

"Oh, really? It's surprising to know that. But I guess my son will like a girl like you. Isn't it right, Azriel?" bigla akong nabilaukan sa sinabi niya. Mabuti na lang, inabutan kaagad ako ni Aiden ng tubig.

"P-Pardon me?" medyo kabado kong tanong.

"Azriel never been in love with someone except Devina," nakangiting aniya saka tumingin kay Azri.

GUARDING THE PRINCE IN DISGUISE(PRINCE SERIES #1)Where stories live. Discover now