VI - 'Dugo sa Palad'

74 1 0
                                    

Journal Entry #07
January 22, 2024

Nakapatay ako ng tao. Nakaukit parin sa palad ko ang sumpa ng aking konsensya sa ginawa ko.
Di ko to ginusto ngunit binugbog nila ako na parang isang taong gumawa ng kasuklam-suklam na bagay kaya biglang namuhay ang halimaw sa loob ko.

Nagsimula ang lahat nung nakaupo ako sa isang putol na puno sa Nueva Street, hanggang sa may dumaan na dalawang kabataan at pinagtulungan ako bigla, dahil sa poot na naramdaman ko sa loob ko ay nakakita ako ng patalim na nakabaon sa lupa at sinaksak ko ito sa leeg ng kasama niya na sumasakal sa akin. Tumagos ang dugo niya at tumalsik ito sa jacket ko, sa takot ng kasama niya ay sinubukan niyang tadyakan ulo ko ngunit nasaksak ko ang binti niya at sinipa ko ang kasama niyang giniripuhan ko sa leeg.

Pagtayo ko sa lupa ay sinubukan pang tumakas ng kasama niyang paika-ika ngunit hinagis ko sa kaniya ang hawak kong kutsilyo kaya bumaon ito sa ulo niya at bumagsak sa lupa.

Dahil sa takot ko ay nilibing ko ang mga bangkay nila gamit ng pala ng aming kapitbahay, ginamit ko narin ang jacket ko para hindi matrace ang fingerprints ko. Tumakas nalang ako sa lugar at kinulong ko ang sarili ko sa kwarto, di ko ito inaasahang magagawa ko ito sa buong buhay ko. Sana bangunguot lang ito. Patawad Amang nasa Langit, di ko ito sinasadya, sadyang nagawa ko lang talaga ito para ipagtanggol ang sarili ko laban sa mga ikakapahamak ko. Patawad.

Mga Mata Sa Langit - Filipino Lovecraftian Inspired StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon