Journal Entry #11
January 26, 2024Gabi nung pumunta kami ng aking pinsan sa isang bagong kainan sa kanto, habang naglalakad sa gilid ng mga ilaw sa kalye ay nakaramdam ako ng kakaibang parang sumusunod samin, at pagtingin ko sa likuran ko ay nakakita ako ng isang British-nationality na nakaputing lalaki. Nakacoat ito at nakasuot ito ng sumbrero, at mukha siyang anghel na di mo alam kung totoo ba talaga siya o hindi. Nakita siya ng pinsan ko at kinabahan kaming dalawa kaya binilisan naming maglakad. Pagdating sa kainan, pumila agad ako upang hindi mapansin ng lalaking iyon ngunit umupo lamang ito sa upuan na tulad ng isang lalaking inaantay ang kadate niya. Nagulat ako kung bakit hindi siya napapansin ng mga tao, wala naman siyang kasama na pumila, parang pansin ko lang kami lang nakakakita sa kaniya. Pagorder namin sa cashier ay umupo kami sa upuan sa dulo, para hindi kami mapansin ng lalaking iyon.
Pagupo namin sa upuan ay biglang tumigil ang mundo ko nung makita ko siyang katabi ang pinsan ko, huminto ang oras nung makita naming dalawa ang lalaking iyon sa seat namin. Humingi ng tulong ang pinsan ko sa katabi naming tao ngunit hindi siya makasalita dahil naputol ang dila niya. Nanigas ako sa takot at biglang ngumiti ang lalaking iyon na hindi manlang naglalabas ng kahit isang salita.
"Anong kailangan mo sa amin???" Tanong ko.
Sumagot siya ng may mahinang boses, nagsasabi "Huwag kang matakot, Andito lamang ako upang paalahanan ka, malapit na ang katapusan. Gusto kang gamitin ng langit upang magbigay mensahe sa mga di pa nakakarinig, sapagkat isa ka sa mga gising.
"Sino ka?"
"Kawalan"Lumiwanag ang mata niya na masilaw pa sa lahat ng mga liwanag na nakita ko, at naglaho siya bigla. Pagdilat namin ng pinsan ko ay bumalik na ang pagtakbo ng oras, na tulad ng kanina. Nakakapagsalita narin siya tulad ng dati, sadyang naging kakaiba lang ang lahat. Ito ang pangalawang beses ko na makipagusap sa mga anghel na bumaba sa lupa, ngunit ang isang yun parang nagbigay ng babala sa akin. Ramdam ko na rin sa mga panahon ngayon unti-unti nang nagiging kakaiba, kaya sa tingin ko ang lahat ng mga nakikita ko ngayon ay isa lamang babala.
BINABASA MO ANG
Mga Mata Sa Langit - Filipino Lovecraftian Inspired Story
Horror[PREQUEL TO ANAK NG DILIM AT LIWANAG] "Inakala ng marami na baliw ako, ngunit sadyang hindi lang sila nagising sa katotohanan. Di ako makatulog dahil sa mga gumugulo sa aking isipan, kulang pa ang mga salita upang ipahayag ang aking nararamdaman ngu...