II - 'ROOM 106'

48 0 0
                                    

Journal Entry #09
January 27, 2024
San Maria General Hospital, Mitchell Avenue, San Maria City

Maaga akong giniging ni mama para dalhin sa psychiatrist. Bumiyahe pa kami ng isang oras bago makarating sa ospital kaya kumain muna kami ng tanghalian bago pumasok dito. Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ng mga maraming tao at tila nanibago ako kasi karamihan sa kanila nakaputi, tulad ng mga tao sa mhga panaginip ko. Nagpa-ppointment si Mama sa isang cashier sa gilid ng hallway at pinapila kami sa sa mga upuan sa tabi ng hallway.

Paglipas ng ilang oras kakahintay, may nakausap akong isang 13 yr old na lalaki na nangangalang "Erwin." Nadiagnosed siya ng Psychopathy nung 10 yrs old siya, ayon sa mga tita niya ay nakaranas siya ng domestic abuse nung maghiwalay ang mama at papa niya kaya inampon siya nito mula sa lasinggerong ama niya. Maya-maya lang ay kinausap ko si Erwin, sinabi niya sa akin na may mahinahong boses ang paningin niya sa mga tao, at sa kaniyang pananaw ay ang bawat tao dito sa mundo ay parang laruan lamang. Tatagal sa ang usapan namin ngunit pinatawag na siya ng assistant ng Doctor sa loob kaya nagpaalam na siya at umalis. Nagantay kami ng ilang oras sa pila hanggang sa kami na ang tinawag. Pagpasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang malamig at asul na kwarto at may isang lalaking nakaupo sa likod ng isang desk malapit sa cabinet na puno ng mga aklat. Umupo kami sa harapan ng desk niya at nagusap silang dalawa ni Mama.

Habang naguusap silang dalawa ay nakita ko ang orasan na nakasabit sa dingding na puti, at nakatapat ang malaking kamay nito sa 3, at ang oras na iyon ay 2:15. Kada pitik sa orasan na iyon ay parang bumabagal na sa pandinig ko, hanggang sa parang gumagalaw na ang lahat ng bagay sa paningin ko, at nagiiba narin ang kulay ng dingding na dati ay puti pero ngayon ay kulay berde na, at nakakita ako ng isang matangkad na anino sa gilid na may lumiliwanag na isang mata, at binabali nito ang lahat ng bagay sa paningin ko hanggang sa kinalabit ako ni Mama dahil ako na daw ang kakausapin ng Doktor.

Umalis si Mama sa kwarto at kaming dalawa lang ng Doktor sa kwartong iyon.
"Anong pangalan mo? Ilang taon kana" Tanong niya.
"Luke Santos po." Sagot ko.
"Kamusta ka na? May nangaaway ba sa iyo at nagiisa ka lang ba ngayon or what?"
"Ok lang po ako, sadyang hindi lang talaga makaintindi ang mga tao sa paligid ko"
"Panong hindi makaintindi?" Tanong niya. Napatigil ako ng sandali at pinagisipan ko ang isasagot ko ng sandali hanggang sa sumagot na ako sa tanong niya.
"Hindi nila nararamdaman kung ano naranasan ko at nakita ko ng oras na iyon, kaya pinagiisahan nila ako."
"Anong ang naramdaman mo nung oras na iyon? Nagalit ka ba nun o nalungkot ka o masaya ka?" Tanong niya.

"Nakita ko sila."

Napatigil siya sa sinabi ko at tinanong niya ako.

"Sinong sila?"
"Ang mga nilalang sa kawalan."
"Di kaya munimuni lang sila?"
"HINDING HINDI!!!!!"

Tunayo ako at binagsak ko ang aking kamay sa lamesa at sabay na pumutok ang bumbilya at dumilim ang paligid. Nagulat ang doctor at lumabas agad ito at sinabi sa parents ko na 'dismiss' muna ang meeting namin ngayon.

Nagulat ako sa nangyari kanina, parang may nilalang talaga na nakakapit sa kalukuwa ko, o may nilalang lang talaga sa lugar na iyon, di ko inaasahan ito, pakiramdam ko nasa panaginip lang ako, buhay talaga sila, nagmamasid, nagbabantay, at naghahanap ng kanilang mabibiktima. Sumakay kami sa taxi at habang pauwi, nakita ko na naman ang mga mata sa langit, malapit na silang bumaba, ilang panahon nalang ay magwawakas na ang lahat, babawiin na ito ng kawalan.

Mga Mata Sa Langit - Filipino Lovecraftian Inspired StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon