SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 106: #SHReunion

443 8 0
                                    

SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 106: #SHReunion

READ AT YOUR OWN RISK‼️

DISCLAIMER: This is made for entertainment purposes only. It is purely from my own imagination and I don't claim the characters as my own, but credit to the original writers. Any scenarios are just made up and it is not based on the original script of the writer.

..

>> start reading here

Normal na buhay, payapa, at masaya. Kahit naman sino 'yon ang gusto para sa pamilya nila. Sa dami ko ng pinagdaanang saya, lungkot, pighati, at pagkawala ng mga taong mahalaga at importante sa buhay ko, lahat ng 'yon ay humubog at bumuo kung sino ako ngayon. Sa pagkawala ni Ate Luna, Obet, at ng tunay kong Papa, lahat sila nag-iwan ng sakit ngunit meron din namang mga aral. Di man ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala at makasama pa ng matagal ang tunay kong ama ngunit habang buhay kong tatanawin na loob sa kanya ang pagligtas nya sa buhay ko. To Obet at Ate Luna, sigurado akong mapayapa na sila ngayon. Masaya akong parehas naming nakamit ang hustisya na nararapat para sa kanya at ganon na din kay Obet. Once again, I am Sky Love Cruz at ito ang panibagong chapter ng buhay ko.

"I pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride."

Ngayon ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Mama at Tito Brandon, oo nga pala, sya na ang bago kong Papa. Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng magpropose si Papa Brandon sa kanya during my Senior High graduation day at masaya akong ngayon ginanap ang kasal nila. Masaya ako na finally nakahanap din si Mama ng taong makakasama nya habang buhay at magpapasaya sa kanya. Hindi man madali ang mga pinagdaanan namin ni Mama pero im looking forward sa mga pwede pang pagsamahan namin together. Sigurado ako masaya din si Ate Luna para sa kanila.

Hindi ko mapigilan ang pagluha habang pumapalakpak sa kanila. Nasa harap ako ng altar ng simbahan habang pinapanuod ang kasal nila. Hindi dahil malungkot ako, kundi tears of joy para sa kanilang dalawa. Wala naman akong ibang gusto kundi ang makita silang masaya.

"Congratulations, Sky. Buo na ulit ang family mo. Kahit di mo naman ako kaanu-ano pero sobrang happy ako for you."

Pagkatapos ng tatlong taong pagkawalay namin ni Roxy masaya akong nagbalik na sya. Hindi ko alam kung anong mga kaganapan at pinagdaanan nya ng mga panahong 'yon ngunit kahit hindi kami nagkikita, palagi pa rin naman kaming nagkukumustahan at nagmemessage sa isa't isa. We're still friends until now. At balita ko sa Northford University sya magpapatuloy ng pag-aaral. Nasa huling taon na kami bilang mga college students- not as Senior Highschool but Senior College students.

"Salamat, Roxy. Akala ko di ka makakaattend."

"At bakit naman hindi? Si Tita Tanya at Tito Brandon na yan oh! Syempre aattend at aattend ako. Baka sabihin mo napakawalang kwenta kong kaibigan. Di'ba? Di'ba?"

Hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago si Roxy. Madaldal at maingay pa rin syang magsalita tulad ng dati. Kaya lalo ko tuloy syang namiss.

"Uum, Hi Sky. Congrats nga pala sa'yo at sa inyo na din ng Mama at Papa mo. Masaya ako para sayo." Si Tim.

"Ganon din ako, Sky. Congrats sa'yo." At si Poch.

Hanga din ako sa pagmamahalan ng dalawang 'to. Alam kong hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan nila noon kaya masaya din ako para sa kanila na sa huli, sila pa din ang nagkatuluyan at pinili nila ang isa't isa. Although nalungkot ako para kay Roxy noon pero sabi nga nila 'everything has a reason'. Minsan, may mga bagay talaga na dadaan lang sa buhay na'tin at di magtatagal mawawala din sa huli. Pero kahit naman hindi nagkatuluyan si Tim at si Roxy bilang magkasintahan, masaya ako na magkaibigan parin sila hanggang ngayon at masaya para sa isa't isa.

SENIOR HIGH FANFICWhere stories live. Discover now