SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 112: #SHFamily

250 7 5
                                    

SENIOR HIGH FANFIC EPISODE 112: #SHFamily

READ AT YOU OWN RISK‼️

DISCLAIMER: This is made for entertainment purposes only. It is purely from my own imagination and I don't claim the characters as my own, but credit to the original writers. Any scenarios are just made up and it is not based on the original script of the writers.

..

>>>start reading here

For the first time, ako ang unang nagising today. Kadalasan, si Poch palagi ang unang nagigising sa'ming dalawa especially kapag may pasok kami sa school. Sinabi 'nya sa akin kahapon na lalabas daw kami ngayon para magdate at magbonding sa labas para hindi daw ako maboring tuwing weekend. Natuwa naman ako sa idea 'nya kaya pumayag ako. Isa pa, plano ko din naman talaga lumabas para mamili ng mga bagong gamit dito sa apartment. Mashado kasing boring tingnan kaya naisipan ko na bumili ng mga bagong house designs kaya magpapatulong din ako kay Poch.

Pero mapapangiti ka nalang talaga kapag ganitong mukha ang makikita mo sa tuwing gigising ka sa umaga. Kahit pala sa pagtulog, ang gwapo pa din ni Poch. Pakiramdam ko tuloy lalo pa akong nafo-fall sa kanya. Ang sarap lang sa pakiramdam na pagmasdan yong taong mahal mo habang natutulog sa tabi mo, ang peaceful tingnan. Pero syempre, wala namang mangyayari kung tititigan ko lang sya maghapon.

"Poch?" Kaya ginising ko na. "Poch, gising na."

"Mmmmmm..." Ayun nagising din tapos nag-unat ng katawan. "Tim, I'm still sleepy. Tinatamad pa akong tumayo."

Sabi 'nya na nakapikit pa ang mga mata.

"Poch, kailangan mo ng gumising. May pupuntahan pa tayo di'ba?"

Nong marinig nya yong sinabi ko, nag-open bigla yong mga mata nya, saka 'sya tumingin sa akin.

"Excited ka ba?" Tanong nya na nakangiti ng slight habang pinaglalaruan yong buhok ko. Nakadapa ako sa tabi 'nya tapos 'sya naman nakahiga pa rin.

"Tshh, Kailangan pa bang tanungin 'yon, Poch?"

Ngumiti lang 'sya. Kahit naman hindi nya tanungin, alam naman 'nya kung ano ang isasagot ko. Oo syempre. Basta ba si Poch ang kasama ko, always naman akong excited tuwing magdedate kami sa labas.

"Fine. Oo na, Timothy Castro. Tatayo na nga pero... tulungan mo muna ako." Sabi 'nya na parehas itinaas yong kamay nya para tulungan ko daw 'sya na makatayo.

Tatayo na nga lang ang demanding pa. Kailangan pa talaga ng tulong. Syempre, di' ko naman sya kayang tiisin. Baka kulang lang talaga sya sa pansin o baka naman nagpapalambing.

"Ang bigat mo kaya, Poch. Mas mabigat ka pa sa'kin eh." Reklamo ko pero ginawa ko pa rin. Bumaba ako sa kama para tulungan 'syang tumayo.

"Grabe ka naman, Tim. Sinasabi mo bang mataba ako?"

"Ha? Hindi ah. Ikaw nagsabi non, hindi ako. Halika na nga!"

Hinawakan ko yong dalawang kamay nya saka ko sya sinubukang i-angat sa abot ng makakaya ko pero bigla nalang nya akong hinila pababa kaya tuloy bumagsak ako sa ibabaw nya. Nabigla kaming dalawa sa nangyari pero walang may gustong gumalaw.

Nagtitigan kami sa isa't isa na parang bumagal nanaman ang ikot ng mundo, at sobrang lapit lang ng mga mukha namin na halos magtama na yong dulo ng ilong naming dalawa. Nararamdaman ko din yong mainit na hininga 'nya sa mukha ko habang yong mga kamay ko naman nakapatong sa mga balikat nya.

Maya-maya pa, nagulat nalang ako ng bigla nya akong hatakin pailalim para ihiga sa kama tapos sya naman yong umibabaw sa akin. Mapapalunok ka na lang talaga sa sobrang kaba dahil yong mga tingin nya parang lalapain nya ako ng buhay. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko.

SENIOR HIGH FANFICWhere stories live. Discover now