【CHAPTER 6: DUSTIN】

1.9K 30 94
                                    

Tattoo

  TIME really flies so fast. Dalawang taon na pala kaming magkaibigan ni Rara. Every day with her is a good day. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't-isa at mas nakilala namin ang bawat isa. We didn't leave each other side, even at our lowest. We understand and support each other.

Ilang beses na rin kami nagtravel dalawa-mostly, mga falls at bundok ang pinupuntahan namin. Mahilig kasi roon si Rara. The last waterfall we went to was the Hulugan Falls in Luisina, Laguna.

I took the lighter and lit the two candles on the cake. Then I looked at Rara, who was smiling widely while looking at the cake she personally made. I smiled before holding her chin so she could face me.

Our eyes flickered into each other.

"Let's wish, aphrodite," I whispered.

Ngumiti si Rara bago pumikit, gano'n din ang ginawa ko. I wish Rara to reach all of her dreams. I whispered those words before we blew the light of the candles in unison.

"Congratulations again, Dean Lister!" she muttered, giggling.

I smiled and planted a kiss on her forehead. "Congratulations to you, Miss President Lister," I whispered huskily.

Hindi siya umimik at tumingin lang sa akin. Hanggang sa napangiti siya at gano'n din ako, tumitig kami sa isa't-isa at gaya noon, nalunod na naman ako sa mga mata niya.

Pag-uwi ko sa condo, ibinagsak ko ang sarili sa kama at pumikit pero mukha ni Rara ang nakikita ko. Tangina. Mabilis akong nagmulat ng mata at bumangon saka tumulala sa kawalan, malapit na nga yata ako mabaliw sa kanya.

Mariin akong pumikit at malalim na bumuntong hininga.

Hindi pwede. Masasayang lang ang pagkakaibigan namin kung hahayaan kong lumalim pa 'tong kakaibang nararamdaman ko sa kanya. Baka init lang ng katawan 'to, oo baka nga. Maybe I need a cold shower to ease this feeling.

Tumayo ako at inilabas ang towel sa cabinet saka dumiretso sa banyo. I need a cold shower- a very cold shower.

The following days were like roller coaster. Parang kailan lang ay nagcelebrate kami ni Rara nang achievement namin dahil pareho kaming may award sa school, pagkatapos ngayon, Valentines naman.

Nagpaalam na ako sa Popsi ni Rara na aayain ko siyang kumain sa labas at pumayag naman siya, kung tama nga ba ang pagkakaintindi ko sa reply niyang 'Anong oras mo iuuwi?'. Yes, I got his phone number, and he was the one who voluntarily gave his number to me. Mukhang malakas na yata talaga ako sa Popsi niya.

Saktong paghinto ng sasakyan ko sa labas ng bahay nila ay siyang paglabas ni Rara sa pamilyar na artista van. Humigpit ang hawak ko sa manibela nang makita ang mga hawak niya. She was holding four sets of different bouquets of flowers.

Mas lalo akong nanlumo nang sumunod na lumabas sa van ang driver niya at inilabas ang mas marami pang bulaklak. There's even a chocolate bouquet, a teddy bear and a basket of fruits.

Bigla akong nahiya sa binili kong bulaklak sa kanya kaya halos itago ko iyon sa pinakailalim ng sasakyan—pero natigilan ako nang marinig ang pagkatok sa may gilid ko. I panicked and quickly rolled down the window.

"Tin, you are here! You're early!" Rara commented.

"Yeah, I thought—"

"You got me a flower? Oh, wow! That's so pretty!"

My heart pounded against my chest. I followed where her eyes darted, and it was to the passenger seat where the flowers were. I immediately handed her a bouquet of pink roses, which made her gasp in so much delight.

TAMING THE VICIOUS STORM (Familiá Altamirano #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon