【CHAPTER 17: DUSTIN 🔞】

3.3K 56 45
                                    

Kneel

Warning R18: Matured content. Read the disclaimer and warning at the beginning of this story.

****


 NAGING abala ako maghapon sa trabaho. It was a quarter past five, yet my table was still piled with paperwork. Tungkol ito sa mga liquors na in-order ko sa ibang bansa. Hundreds of liquors are about to be imported here in the Philippines.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa roon si Castor— my executive secretary. May bitbit 'tong panibagong mga papel na mukhang kailangan kong abalahin.

"How many more papers do I have to sign?" I complained grumpily before signing the papers. Nang matapos, inabot ko agad ang mga 'yon kay Castor. "Nevermind. Huwag mo na sagutin. I hope this is the last for today. Sa susunod, magpa-personalize na lang ako ng stamp para itatak ko na lang, ang sakit sa kamay ng mga papel na ito."

"Pwede naman po, sir," seryosong sagot nito.

Hindi ko na ito sinagot at nagpatuloy na lamang sa ginagawa. Tumango na lamang si Castor bago tinungo ang pintuan para umalis. Napasapo na lamang ako sa noo bago napapikit.

When I entered the mansion after an exhausting day at work, I found Asherah watching TV in the living room. Karga-karga niya ang anak kong nakasiksik sa kaniyang leeg. Nang makita niya ako ay bigla itong naglumikot at nagsusumigaw kaya ibinaba ito ng huli.

"Nandyan ka na po pala," wika ni Asherah pero hindi ko ito pinansin.

Lumuhod ako upang salubungin ang anak kong tumatakbo palapit sa akin.

"Dada!" he called me as he threw himself at me.

Binuhat ko agad ito at pinugpog nang halik sa buong mukha. Humahagikgik ito sa bawat dantay ng aking labi sa kaniyang balat. "Dada, ishtap!" he pleaded.

Huminto ako at matunog siyang hinalikan sa leeg. "You missed dada, big boy?"

He nodded immediately.

"Yes! Mimi and I play a lot, dada! It's so fun!"

"What did you say?" Gilalas na tanong ko.

Kung tama ang dinig ko, tinawag ng anak ko ang babaeng nasa harapan namin ngayon na 'Mimi'. Nagtaas ako nang tingin at nasilayan ko ang namimilog niyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"What the fuck?" I mouthed, but she only looked away.

The muscle in my jaw clenched when her reaction says the answer.

Isa. . . Dalawa. . . Tatlong beses akong huminga ng malalim, pinipigilan ang pagtaas ng presyon sa babaeng kaharap ko. Hindi ito gumana kaya umakyat na lamang ako kasama ang anak ko, iniwan namin siya roon.

I knocked on the guest room where Asherah was staying. Slowly, bumukas 'yon at bumungad sa akin ang mukha niya. Namilog ang mga mata niya nang makita ako.

"Sir Dustin! M-May kailangan po ba kayo?" she asked nervously.

Hindi ako sumagot at tinulak na lamang papasok ang katawan ko. I heard her gasped. Then, I surveyed the entire room. May single bed na roon, may sliding door papunta sa balcony, walang chandelier, may sariling shower at toilet area na rin doon. All in all, everything is fine and considerable.

I faced Asherah, "Explain why my son calls you Mimi?" I asked with disgust.

I saw her swallowing hard, looking so hesitant to answer. From the reflection in the sliding window, I could see the bra she was wearing, which she didn't seem to notice. Black, boring.

TAMING THE VICIOUS STORM (Familiá Altamirano #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon