Allergies
THUNDER kept me up all night. He cried, and when he had calmed down, he didn't want to go back to sleep. Mukhang magkakasakit ang batang iyon at nagiging ma-attitude na naman.
But just watching him play with his Nanny, he doesn't look like he is about to get sick. Mukhang tantrums lang.
"What a beautiful scene. . . They look like a mother and son tandem! Daniel Caesar, babe, please say something. I'm not the only one seeing it, right?"
"Yes, mahal. I do agree with you,"
I turned around when I heard my parents talking from the distance. Magkahawak kamay ang dalawa habang nakatingin sa malayo. Sinundan ko ang mga tingin nila.
Bumungad sa akin ang anak ko na nakaupo sa slide, katabi si Asherah. Nilagyan niya ng baby powder ang likuran nito bago sinuksok ang puting bimpo sa likod ni Thunder.
"Play na tayo ulit? Oh, gusto mo ng tubig?" I heard Asherah asked.
"Water po!"
Inabot ng huli ang baso ng tubig at kinuha naman 'yong ng anak ko. Nakangiti si Asherah habang pinapanood ang anak kong ubusin ang tubig na inabot niya.
"Dada! Mamila! Papalo!" hiyaw ng anak ko nang makita kami.
Ibinaba niya ang baso sa pwesto niya kanina at tumakba palapit sa amin. Mabilis siyang sinundan ni Asherah. Napalingon sa akin ang mga magulang ko. Pareho silang nakangiti habang humahakbang palapit.
"You know what, Asherah? While watching you both from afar, I thought you two were family. May pagkakahawig pala kayo," Mom started.
I immediately felt offended.
Tumikhim ako, "Mom, don't be ridiculous."
She looked at me, "Why? Totoo naman! They looked alike."
"Parang hindi naman,"
"Are you blind—"
"Ma'am, Ser, pwede na po kayo kumain. Nakahain na po sa lamesa ang mga pagkain," saad ni Manang na siyang nagpahinto sa amin.
"Maliligo muna ako," I said, looking away. "Asher, palitan mo ng damit si Thunder. May spare clothes siya sa kwarto mo, 'di ba?" masungit na sabi ko.
Tumango 'to. "Mayro'n naman po, sir."
"Good," I replied dryly before walking away.
"Bumaba ka agad para sabay-sabay tayong kumain," habol ni Dad.
"Yes, Dad."
I am inside the bathroom already, naked. Every room in the mansion was soundproof, so I was in paradise as the warm water gently touched my skin. After a while, I came out wrapped in a bathing towel.
Nagpatuyo ako ng katawan at nagbihis. Saglit na nagscroll sa social media, inaalam kung may panibagong article tungkol kay Rara. Rara was trending yesterday until midnight, she was on the trending list. Marami ang natuwa na bumalik na 'to at may iilan na kinulang sa pansin dahil puno ng panghuhusga ang mga komento nila.
She's back, but I don't think she's planning to go back on screen. Mukhang magpapahinga pa rin 'to kahit alam na ng buong mundo na nandito na siya.
Huminga ako ng malalim. I went downstairs to the kitchen only to see a horrendous scene.
Nakatayo ang lahat, they were all panicking. Nakahawak sa dibdib ang anak ko, parang nahihirapang huminga. Namumutla na rin ito. Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
BINABASA MO ANG
TAMING THE VICIOUS STORM (Familiá Altamirano #3)
RomanceFamiliá Altamirano #3 Dustin Bentley Altamirano, a Marine Engineering student, grew up in a family-oriented household. He witnessed his parent's unconditional love towards each other, which made him promise himself that he would only settle and le...