KABANATA 1

26 3 1
                                    

                         HER POV
"Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday.. Happy birthday to you." Kanta nila

"Happy birthday, anak!" bati ni Papa sa akin

"Happy birthday, panget" biro sa akin ni Kuya

Pabiri muna aking umirap bago matamis na ngumiti

"Thankyou po, papa and kuya!" pasalamat ko sa kanila

12 years old na ako ngayon. Lumaki kami ni kuya ng walang ina. Araw araw kaming nag sa-sanay dito sa gubat at ayon naman ang nagustuhan ko.

Tinuruan kami ni papa kung paano mamuhay ng walang kahit ano. Tanging sandata lang namin at pinaghunt niya kami.

May tulong naman ang kapangyarihan kong kuryente kahit hindi ko pa ito masiyado gamay. Apoy ang kapangyarihan ni papa at namana ito ni kuya samantalang ako, namana ko ang kapangyarihan ni mama na kuryente.

"Tulala ka naman! Mas lalo kang pumapanget e! Hahaha!" Asar ni kuya sa akin

"Pa oh! Si kuya inaasar nanaman ako!" Reklamo ko dito

"Tumigil nga kayong dalawa diyaan! Amiro, huwag mong asarin ang kapatid mo sapagkat kaarawan niyan ngayon. Mamaya na yan, kumain muna tayo dito at may pag uusapan tayo dito" saad ni papa

Ano namang pag uusapan namin?

Mula sa masayang mukha ni kuya na kanina ay tumatawa tawa pa ay naging seryoso ito

"Mira." tawag sa akin ni kuya

"Ano nanaman?" pag susungit ko dito

Tinignan niya ako ng mabuti

"Ano ba kuya, nakakatakot ka ha" saad ko dito

Lumungkot naman ang mata nito

Problema niya?

"Bakit po ba?" tanong ko

"Wala, gusto ko lang tandaan ang mukha mo. Palagi mong tandaan na pro-protektahan kita sa ako lang ang nakakaalam na paraan." Makahulugang ani nito

Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako.

Umalis na si kuya at pumuntang sala kaya sumunod na rin ako.

"Anak, ito ang regalo ko sayo" saad ni papa at inabot ang isang sandata

Ito ay spada na may mga perlas perlas sa gilid at kulay violet ang hawakan nito

"Wooow! Salamat po papa!" Mahilig talaga ako sa mga sandata at ngayon may sarili na akong sandata ay talaga namang gaganahan ako mag ensayo araw araw!

Tumango si papa at inilibas ang isang maliit na box

"Ano po yan?" tanong ko

"Buksan mo, para malaman mo" saad ni papa

Kinuha ko ito sa kamay niya at binuksan ang box na kulay pula

May laman itong isang...

"Kwintas?" takang tanong ko

"Para saan po ang kwintas na ito, pa?"

"Ang kwintas na iyan ay galing pa sa iyong ina." Panimula niya

"Basta, lagi mong susundin ang nararamdaman mo at ang kwintas na yan ay tutulungan kang itahak sa isang magandang kinabukasan." Saad nito

"Amiro, ang habilin ko saiyo, ha?" paalala ni papa kay kuya

"Opo"

"Anong habilin pa?"

Sparks and Frost (Alliance #1)Where stories live. Discover now