Chapter 1: Miss Fertilizer

0 0 0
                                    

Chapter 1: Miss Fertilizer

"...Since it's not a perfect square. We have to think of two numbers–one that is a perfect square and one that is not–and then simplify it to get the answer..."

"...And then..."

"...So...".

"...Miss Lluvia?..."

"Miss Fernandez!"

Mabilis pa sa alas-kuwatro akong napatayo nang bigla akong tawagin ni Sir Felix, Math teacher namin. Halata sa mga mata nito ang pagkaseryoso kaya naman yumuko ako para iiwas ang tingin ko dito.

Ah, sh*t. I dozed off. I didn't realize na kanina pa pala ako nakatitig sa bintana.

"Are you with us today, Miss Fernandez? I've been calling you for 6 times already but you look as if you have your own world inside your head?"

Mas lalo akong napayuko sa sinabi nito. "I'm sorry, sir..."

"Seeing that you're thinking about anything else, I guess you already familiarized yourself with our topic for today. Am I right, Miss Fernandez?"

Hindi ako nagsalita. "So I guess you can answer this question correctly, eh?"

Iniangat ko ang ulo ko at nakita ang equation na nakasulat sa board. It is about Parabola since ito yung topic namin ngayon. Actually, hindi naman mali si Sir nang sabihin niyang naaral ko na ang lesson namin ngayon kasi totoo naman. And to tell you honestly, madali lang naman talaga yung tanong– hinahanap lang naman 'yung standard form ng equation ng parabola since ang given na equation is yung general form. Pero dahil kinakabahan ako at matalim ang tingin sa akin ni Sir Felix, hindi ako nakasagot kaagad.

"See? You don't even know how to solve this simple question tapos kung ano-ano ang iniisip mo diyan? Sit down!"

Dali-dali akong naupo sa chair ko habang nakayuko pa rin. Ano ka ba kasi, Lluvia! Nakakahiya. Ang dali-dali lang ng tanong, eh.

"Huy, okay ka lang?" Napatingin ako sa gilid ko nang biglang magsalita si Rea, classmate ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya dahil alam niyang hindi ako sanay na napapagalitan ng teacher, napaka-competitive ko kasi when it comes to studying kaya it's super rare for me to just dozed off like that. I didn't know why I did that either.

Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon at bumaling na sa harapan. Hindi ko na ulit inalis ang tingin ko sa harapan hanggang sa matapos ang klase dahil natatakot akong baka kapag natulala na naman ako ay mapagalitan na naman ako ni Sir Felix.

"Class dismiss."

Nang matapos ang klase ay kaagad akong lumabas ng room para pumunta sa library, madalas kasi akong nagpupunta doon kapag may free time para mag-aral. Supposedly, lunch break namin ngayon pero dahil sa nangyari kanina ay mas gusto ko nalang mag-aral kaysa kumain.

"Lluvia!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang malakas na sigaw ni Rea sa pangalan ko. "Sa wakas, nahabol din kita."

Tiningnan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko kaya dali-dali niyang inalis iyon at tumayo nang deretso. "Saan ka pupunta? Sabay na tayo maglunch," nakangiting anyaya nito.

Napatitig ako sakaniya. She's always been like this. Palagi niya akong niyayaya sa kung saan-saan–mag lunch, gumala, maglakad pauwi, at kung ano-ano pa. Pero parati ko siyang tinatanggihan dahil hindi ko naman kailangan ng kaibigan. I'm fine being alone. It's my defense mechanism para hindi na ulit ako masaktan ng ibang tao. Pero despite always receiving a 'no' for an answer, hindi pa rin siya tumigil na ayain ako. It made me a little bit guilty. And maybe it's the guilt that made me nod my head...

I Love (You) RainWhere stories live. Discover now