Chapter 3: Lluvia

0 0 0
                                    

Chapter 3: Lluvia

"Lluvia, sorry hindi ako nakasunod. Na kay Andrea pala 'yung phone ko, eh, nakuha ko lang nung tapos na 'yung breaktime."

Kaagad na lumapit sa akin si Rea nang matapos ang klase, ramdam ko ang sinseridad niya sa paghingi ng tawad at halata sa boses nito ang pagkalungkot dahil akala niya siguro ay galit ako dahil hindi siya sumipot.

"Ayos lang," tipid na sambit ko.

"Huy, sorry talaga. Promise binabalak ko naman talaga sumunod, eh. Si Andrea kasi, eh, hindi kaagad binalik 'yung phone ko--"

"Rea," pigil ko sa kaniya, "Ayos lang talaga. Naiintindihan kita."

"Hindi ka galit?"

"Bakit ako magagalit? Like what I just said, naiintindihan kita. You don't really need to apologize to me kasi wala lang naman sa akin 'yon. It's not like we're friends or what," seryosong tugon ko.

"Oh, yeah... Sorry..." napapahiyang sabi nito. "Sige, una na ako. See yah tomorrow," mahinang sambit nito bago lumabas ng room.

Napatitig nalang ako sa pigura nito hanggang sa makalabas ito sa room. Bigla akong naguilty dahil parang nasaktan ata siya sa sinabi ko pero hindi ko maiwasang maisip na tama ako dahil hindi ko naman talaga siya itinuturing na kaibigan; she was the one who's forcing herself in me, not me. But still, saying that directly in her face is still not a good thing.

I should say sorry to her tomorrow.

And with that, I left the classroom.

"LLUVIA, bakit late ka?" Tanong ni James, katrabaho ko, nang makita ako nitong pumasok sa loob ng changing room.

"Na-traffic ako," paliwanag ko habang hinahalukay ang locker room ko.

Nandito ako ngayon sa "Cha's Coffee Shop" kung saan nagtatrabaho ako bilang isang waitress. Isa ito sa mga part-time jobs ko dahil may dalawa akong part-time job; waitress sa isang coffee shop at cashier sa isang convenience store. I know it looks so tiring dahil nag-aaral na nga ako, may 2 pa akong trabaho pero I have no choice dahil kailangan kong kumita ng pera. Ayoko kasing masiyadong umaasa sa Tita ko dahil bago niya ako bigyan ng hinihingi ko ay puro panlalait muna ang ibibigay niya kaya naman naghanap ako ng trabaho para kahit papaano ay masustentuhan ko hindi lamang ang sarili ko kung hindi pati na rin ang mga kapatid ko.

"Good afternoon. Welcome to Cha's Coffee Shop. May I take your order, please?"

"Here's your order."

"Thank you for coming."

"Come again, next time."

Ilang oras ang lumipas at paulit-ulit lang ang lumalabas sa bibig ko. Mas marami ang customers namin ngayon kesa nung mga nakaraang araw kaya naman sobrang napagod ako kakalakad, mabuti nalang at tapos na ang shift ko kaya puwede na ako umuwi.

"Una na ako," paalam ko sa mga katrabaho ko bago ako lumabas.

Lagpas alas-otso na ng gabi kaya naman madilim na ang kalangitan, mabuti nalang at maliwanag pa ang paligid dahil sa mga nakabukas na ilaw sa kalsada.

"Lluvia!" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang isang pamilyar na boses, dali-dali akong napapihit patalikod at hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang pigura ng isang lalaki na kumakaway sa akin.

"Kuya Kian!" Pagtawag ko sa pangalan nito. "Kanina ka pa diyan?" Tanong ko nang makalapit sa kaniya.

"Medyo? Nag-meeting kasi kami kanina malapit dito at since alam ko namang nagtatrabaho ka dito ay naisipan kong hintayin ka nalang para sabay na tayo umuwi," nakangiting ani Kuya Kian.

I Love (You) RainWhere stories live. Discover now