Enchantment 2 – The Six: Part 2
MIONETTE BLUE—
Humiwalay na ako sa kanila nang makarating sa pool area ng school. Swimming kasi ang unang subject ko. Dumiretso ako sa locker area para iwanan ang mga gamit at nang makapaghanda na ng kakaunting gamit na kailangan.
Habang naglalakad, nadadaanan ko ang mga classmates ko at ang ilang varsity sa swimming. Lumiko na ako sa pintuan na kung saan nandoon ang locker room at shower. Isa nanaman atang malungkot na taon ito para sa amin ng mga kapatid ko.
Ano nga bang bago?
"So I said sa kanya na he can go to my house later."
"Talaga?"
Narinig ko ang mahinang pag-uusap ng mga babae na magiging classmate ko sa subject na ito. Habang papalapit ako ng papalapit sa lockers ay palakas din ng palakas ang pandinig ko sa pag-uusap nila.
Nakatungo akong nagpatuloy sa paglalakad at liliko na sana ako para puntahan ang mismong locker ng nakabanggaan ko ang isa sa kanila.
"EW!" sigaw niya.
Napatingin ako sa kanya. Wala namang use ang pag-iinarte or pagrereklamo ko laban sa kanya o kaya sa mga schoolmates ko dahil hindi naman ako pakikinggan ng mga administrators ng school. Para kasi sa kanila scholar lang naman kami at wala kaming dapat na ireklamo dahil kami ang may utang na loob sa school.
"Hala! Sorry!" sabi ko nalang sa kanya. "Sorry talaga! Hindi kita nakita eh. Sorry!"
Tumingin ako sa kanya at nakitang nandidiri siya. "So ako pa ngayon ang dapat na tumabi at paraanin ka? Baka nakakalimutan mong mga magulang ko ang isa sa mga nagbabayad ng ipinapang-tuition mo!"
"Oh my gosh," Sabi pa ng isa. "Baka nakikinig siya sa atin."
"Tch. What a spy."
Tumingin ako sa paligid ko. Nagsisimula ng dumami ang mga tao dito. Nakiki-usyoso sa kung ano man ang nangyayari. Narinig ko ang nagbubulungan ang mga nasa likod ko at nang lumingon ako sa kanila nakita kong tama nga ako. Nagbubulungan sila at nakatingin sa mapanghusgang paraan.
"Ano?" sabi niya. "Baka nakakalimutan mo. Kaming lahat ang nagbabayad para sa tuition mo!"
"Oo nga!" pagsang-ayon ng iba.
"Ang kapal ng mukha mo!"
"Grabe. Ang taas ng tingin niya sa sarili niya!"
Nagsabay-sabay na silang sabihan ako ng masasakit na salita. Naramdaman kong nag-iinit na ang mga mata ko at hindi ko na alam kung saan ako lilingon para makatakas sa kanila.
BINABASA MO ANG
Seven Daughters: Athanatos Academy [Under Rennovation]
FantasyUNDER RENNOVATION (or revision of minor typos, etc.) Seven Daughters Book 1 Seven daughters: Athanatos Academy. Athanathos - Greek word for Immortal. Seven Daughters is a seven series book under the genres fantasy, action, humor (a little) and roman...