Enchantment 3 – The Six: Part 3
VALERIE ISLA—
Huminga ako ng malalim.
Lalong lumalakas ang ihip ng hangin sa labas. Kumakalabog na ang bintana at naririnig ko na ang bawat ihip nito. Para bang pilit silang bumubulong sa akin.
Walang pakialam ang mga kaklase ko sanangyayari sa labas bagkus, lalo pa nilang inilalakas ang pagdadaldalan at pagchichismisan tungkol sa akin at sa mga kapatid ko.
Hindi na ako umimik dahil wa namang mababago kahit na magsalita ako.
Sa kaloob-looban ko, nagagalit na ako. Punong-puno na ako, pero kapag lumabas ito wala namang magandang maidudulot. Kaya tumungo nalang ako at pumikit habang pilit na hindi pinakikinggan ang ingay.
"Freak."
Tumingala ako at kasabay ng pagtingin ko sa taong iyon ay ang pakiramdam kong naubos na ang pasensya ko.
Para bang may salamin na nandoon dati at nang dahil sa isang salitang iyon, sa salitang ibinansag nila sa aming magkakapatid simula noong first year kami, nabasag ito.
Naubos na ang pasensya ko at kasabay noon ang ingay ng nabasag na salamin.
Naramdaman ko ang paglakas ng hangin. Lumingon ako sa bintana at bigla itong nasira sa harapan ko.
At sumunod ang isa, at ang isa. Hanggang sa sumabay sa malakas na ihip ng hangin ang lahat ng salamin sa loob ng silid.
Umiwas ako nang makitang may malaking piraso na patungo sa akin. Bumalikwas ako at nakitang muli ang mga kamag-aral ko.
Ang kaninang kwentuhan na puno ng saya ay napalitan ng sigaw. Ang makikinis at magaganda nilang mga kutis ay nabalot ng hiwa at dugong nag-uunahan sa pag-alpas mula sa pagkakabilanggo.
Lahat sila'y humahanap ng lugar kung saan hindi maaapektuhan ng mga galit na salamin. Tinignan ko ang sarili ko at napagtantong ako lang ang bukod tanging walang sugat.
Tumayo ako at hinawakan ang bintana. Sinisigurado kong may salamin pa ito, pero wala na pala.
Napalunok ako at ibinalik ang tingin sa mga classmates ko.
"Stop." Ani ko ng pabulong. Nakaramdam ako ng mahapdi sa aking kanang leeg. Sa ibaba lamang ng tainga..
Kasabay ng pagsabi ko noon ay ang pagtigil ng hangin. Tinignan kong muli ang aking sarili at tumingin muli sa kanila. Ako ba ang rason kung bakit nangyari ito?
Naghihikahos, naiyak at hindi malaman ang gagawin ng bawat isa sa amin. Kumirot ang leeg ko at nagtungo ang kamay ko rito.
BINABASA MO ANG
Seven Daughters: Athanatos Academy [Under Rennovation]
FantasyUNDER RENNOVATION (or revision of minor typos, etc.) Seven Daughters Book 1 Seven daughters: Athanatos Academy. Athanathos - Greek word for Immortal. Seven Daughters is a seven series book under the genres fantasy, action, humor (a little) and roman...