Hello!
As you may have noticed this book was posted and not updated. Why?
Nawalan ako ng gana dito sa story, as much as I loved it. Pasensya na kung mayroon man po sa inyo, mga crepes, na naghihintay ng kasunod na kabanata nito. Gusto ko lang sanang ibahagi ang aking saloobin.
Sobrang nawalan lang ako ng gana. Na-depressed ako ganern, sa madaling salita, kaya tinalikuran ko na itong story na ito.
Ngayon, kung mayroon pa din po sa inyo na nais maghintay ay nagpapasalamat ako. Ito ang unang likha ko na napansin ng mga tao at lubos akong masaya dahil doon.
Ilang taon, username, story o kung ano pang pakulo ko para mapansin (cheret), pero itong istorya na ito ang nagtaas sa bandera ni MIDTERMS ng slight.
Kung maitatanong niyo, oo hindi pa tapos itong storya na ito. Noong unang beses ng paglikha ko nitong istoryang ito ay puno ng damdamin at kasiyahan (or lungkot at galit, kasi yung intro kong malupet sa mga magkakapatid diba). Ngayon kasi wala na akong feelings.
Hindi ako pusong bato frens.
Sadyang nawala ang kagustuhan kong ipagpatuloy ito. Makikita niyo na sa mga kabanata na nagdaan ay paunti-unting nawawalan ang istoryang ito ng saysay. Walang spark kumbaga.
Hindi kasi ako in love. Sorry na kasi diba.
Kaya ipagpaumanhin po ninyo sana kung walang kasunod ito. Oo, gusto ko itong matapos (may chapter 24 na), kaya lang nakakain ako ng pangamba na hindi ito kasing galing o kasing ganda man tulad ng sa ibang mga likha ng mga tanyag na awtor.
Pagpasensyahan niyo na po.
Kung nais pa ninyo na mabasa o maipagpatuloy itong likhang walang saysay, sana... Sana po ay mahintay ninyo ito.
Mahal ko itong istorya na ito at kahit tanggihan ko ang pagsulat nito ay hindi po mapagkakaila na nagbibigay ito ng sobrang galak sa puso ko.
Inaayos ko ang ibang mga bagay rito. Sana ay maintindihan ninyo.
Sana po, mga crepes (ang tawag ko sa nagbabasa ng aking mga likha na medj walang saysay), ay mahintay niyo ako, itong libro at ang mga karakter nito.
Maraming salamat po at kung minsan ay napadaan kami sa inyong library at nabasa kahit papaano. Sana'y napasaya kayo ng likhang ito.
Sana ay mahintay ninyo.
Nagtatago,
MIDTERMS xx
BINABASA MO ANG
Seven Daughters: Athanatos Academy [Under Rennovation]
FantasyUNDER RENNOVATION (or revision of minor typos, etc.) Seven Daughters Book 1 Seven daughters: Athanatos Academy. Athanathos - Greek word for Immortal. Seven Daughters is a seven series book under the genres fantasy, action, humor (a little) and roman...