"Really?!" Ang OA naman makareact neto. "Oh my! Naiimagine ko na yan si Mr. Unknown Luke!" Hay nako Issa. Kung saan-saan nanaman nakarating yang utak mo.
Kinwento ko kase sakanya yung tungkol dun sa lalaking kumanta sa likod ng school.
Alam nyo bang halos hindi ako makatulog kagabe? Paulit-ulit nagpeplay sa utak ko yung boses nya.
And until now, i can't. "I can't freakin' forget about his damn voice!" Wait. Nasabe ko yon?! Tignan mo. Napapa-english na ko dahil sa lalaki na yun.
"Girl, tinamaan ka na, finally."
"Finally ano? Na P7.50 na lang ang Ariel?" Napalingon kame ni Issa sa nagsalita.
"Hi!" Pacute ni Issa kay Justin.
"I'm Anissa, or you can call me Issa. And you are?" Sabay abot nya ng kamay nya.
"Justin 'Gwapo'." At nakipagkamay din naman ito.
Whoooooo! Lamig! Ilabas ang kumot!
Umupo si Justin sa tapat namin ni Issa. "Oh! Hi Klaire." Bati nya saken.
"Ge." Sagot ko na lang. Di ko sya trip kausapin, realtalk.
"Sungit naman ne---"
"Ah Justin! Ganyan talaga yan. Wag mo ng pansinin. Ako na lang!" Singit ni Issa.
Di na ko pinansin ni Justin at pinagmasdan ko na lang sila mag-usap.
"Bakit ngayon lang ata ako nakakita ng kagaya mo?"
Napangisi naman 'tong lalaki na to. "Kasi ako lang ang nag-iisang Justin Lix sa mundong 'to."
Psh. Lul mo!
"Ah. I mean, bakit ngayon lang kita nakita? Halos lahat ata ng lalaki dito, nakita at nakilala ko na." Pagtataka ni Issa. "Except to you, Mister."
"Transferee." Maikling sagot naman nya.
"Oh, i see."
Di ba sila nabobored sa usapan nila? Kase ako, bored na bored na. Talking about nonsense things? Duh.
"Can you be my girl?" Ligaw? Agad-agad?
"Of course yes! Why not, right?" Sila na? Agad-agad?
"Save the date today." Sabay kindat ni Justin. Official na? Agad-agad?
"Okay! --/04/15."
Ganyan na ba dumiskarte ang mga lalaki ngayon? Major Turn-Off, boys!
Kakasabe ko lang nung chapter 2 na pabebe muna ah? Hindi nanaman siguro nagbasa to si Issa. Tsk tsk.
"Issa, may kukunin lang ako sa locker ko. Sumunod ka na lang sa room." Paalam ko. "And by the way, congrats." Tsaka ako umalis.
Tss. Wala namang forever eh. Magbe-break din yang dalawa na yan sa 23. Tsaka, i feel na hindi naman sila seryoso sa isa't-isa.
Yan ang hirap sa panahon ngayon eh, lahat na lang laro para sa kanila. Akala nila, laging nagbibiro ang isang tao. Hindi nila alam, nasasaktan na pala nila 'to.
Teka, kung saan-saan nanaman napunta yung mga pinagsasabi ko.
Nasa tapat na pala ako ng locker ko ng di ko namamalayan. Pagkabukas ko, tumambad sa akin ang isang sticker paper na kulay blue.
Yay! My favorite color.
Kinuha ko ito tsaka binasa.
Time may pass us by
But you'll stay stuck on my mind
And that moment we stared that night
I thought it was right
BINABASA MO ANG
My Boy from the other Building
Teen FictionIsang easy-go-lucky na babae, pinasok ang magulong buhay ng lalakeng sikat, crush ng bayan at kinakatakutan ng lahat ng estudyante. Ano na lang mangyayare sa kanilang dalawa? Seswertehin o Mamalasin? Badvibes o Goodvibes? Comforted by Lies o Hurted...