Hindi na nagulat si Hashana nang may makahulugang pinagtitinginan siya ng mga kasama pagpasok sa umagang iyon. Tinutukso siya ng mga ito at tinatadtad ng tanong. Napilitan siyang sabihin sa mga ito ang totoo. Na ang anak ng doktor ay boyfriend niya kaya sila magkakilala. Labis ang nakuha niyang kantiyaw. Ang sabi pa ay ang swerte daw niya.
"Akala ko may something kayo. Yung tingin kasi ni doc. sa'yo kahapon. Yun pala jowa mo ang anak niya." Si Laila nang mapag-iwanan silang dalawa.
Napailing na sinimulang ayusin ni Hashana ang buhok. Ikinupol niya iyon at tinali bago inilagyan ng hairnet. Naglagay din siya ng katamtamang foundation sa mukha at lipstick.
"Mauuna na ako. Mamayang lunch na lang tayo magkita para sabay tayo."
Nakasanayan na kasi ng dalaga na ito ang palaging kasama. Bukod sa mabait ito, nagustuhan din niya ang kapormalan ng kilos ng babae. Hindi ito gaya ng iba na talak ng talak at hindi mapagkakatiwalaan.
Tumango si Liala kaya tahimik ni nilisan ni Hashana ang kwarto. Nag-log in muna siya bago simulan ang nakatukang trabaho.
Habang nag-checheck sa mga patient ay iniisip ni Hashana kung papaano makakalapit kay Clifton na hindi ito manghihinala.
Sandali siyang natigil sa paglakad at napalingon sa hallway kung saan banda ang opisina ng lalaki. Walang tao doon.
Hashana composed herself and take a deep breath. Nagsimula siyang lumakad patungo doon. Mula sa glass na window, pasimpleng sumilip ang dalaga sa salamin. Nang makitang walang tao ay nagpanggap siyang may pakay at kumatok ng tatlong beses sa pinto. Alam niyang may cctv sa paligid kaya kailangan niyang mag-ingat.
Tahimik siyang pumasok sa loob at inobserbahan ang paligid. She sigh in relief after discerning that there's no cctv cameras inside the office. Agad niyang sinimulan ang pakay. Lumapit siya sa table ni Clifton at sinuri kung may isa man lang bang hibla ng buhok na nahulog roon. Pero wala. Dismayadong nailibot niya ang mata. Hanggang naagaw iyon sa isang saradong pinto. It was bathroom.
Kumabog ang dibdib na pumasok siya doon. Halos lumundag ang puso ni Hashana nang makita ang ilang personal hygiene ng lalaki. Ang toothbrush agad ang una niyang nilapitan.
Magagamit niya iyon pang-dna. Kaya lang magtataka ang doktor kung kukunin niya iyon. Mabilis na kinuha ni Hashana ang mobile phone sa bulsa at kinuhanan iyon ng larawan. Lamabas din siya pagkatapos at parang walang lumakad paalis.
"Nurse Romero, kailangan tayo sa delivery room." Humahangos na sinalubong siya ng isang nurse.
"Anong nangyari?"
"May manganganak. Duguan ang pasyente dahil naaksidente. Kailangang kailabas ang bata."
Hudyat iyon para mabilis silang mag-ayos at pumasok sa dilevery room. Nandoon na si Clifton at iilan nilang kasama. Nagtama ang mata nila ng lalaki kaya mabilis siyang umiwas at lumapit sa mga ito.
"Nakakapagod ang araw na ito. Bukas may gagawin pang medical mission sa kabilang bayan. Siguradong mapapahaba ang araw natin nito."
Kasabay ni Hashana ang katrabahong nurse na gaya niya ay kasali sa medical mission bukas sa bayan ng San Francisco. May libreng check up at consultation para sa mga buntis. Magkakaroon din ng symposium para sa mga batang ina.
"Dito na ako," paalam ni Hashana sa kasabayan.
Magtataxi siya ngayon dahil maraming hinaharap na projects si Rheo. Pinagpaalam din ng binata na mawawala ito ng isang linggo dahil kailangan nitong pumunta sa Batangas para sa iilang construction negotiations.
Umihip ang malamig na hangin kaya nayakap ni Hashana ang sarili. Nakalimutan niyang magdala ng jacket kanina. Skirt pa naman ang suot niya at pinailaliman ng isang fitted pink shirt. Akala niya kasi ay susunduin siya ni Rheo dahil nagtext ito kagabi. Subalit nakatanggap siya ng message dito kanina na kinakapos daw ito sa oras sa dami ng ginagawa. Madilim na rin ang paligid dahil lagpas alas syete na.
Iniharang ni Hashana ang isang kamay sa mata nang may nakakasilaw na ilaw ng sasakyan ang papalapit sa kanya. Huminto mismo iyon sa harap ng dalaga.
Bumukas ang bintana doon at nakita niya ang lalaking doktor. Muntik na siyang mawalan ng balanse nang dumungaw ang ulo ni Clifton at namumungay ang mata siyang tinignan.
"Get in. Rheo told me to accompany you."
Saglit siyang napatitig sa lalaki saka kumurap. Walang salitang pumasok siya sa loob dahil ang seryoso nito. Habang nasa byahe ay nakatanggap nga siya ng mensahe sa kasintahan na ang ama nito ang maghahatid sa kanya pauwi.
Tinubuan siya ng awa at konsensya para sa nobyo. Sobrang bait nito. Natatakot siya na baka tama lahat ng hinala niya. Na baka iwan siya nito kapag malaman ng lalaki ang totoo.
Marahas siyang bumuga ng hangin sa pagiging negatibo. Nilingon niya ang kasama na tahimik na nag-dadrive. Pansin niyang mabagal ang pagpapatakbo nito. Ang dapat sana ay kinse minutos na byahe ay naging bente singko.
"Susunduin kita bukas ng alas singko. Sa akin ka na sumabay papuntang San Francisco. Tatawagan ko si Rheo para ipaalam sa kanya."
Napatitig si Hashana sa lalaki. Sobrang casual nitong magsalita. Ni hindi niya mahinuha kung dapat pa ba iyong gawin ni Clifton sapagkat meron namang van ang hospital na sasakyan nilang mga nurses.
Nang-aapuhap siya ng sasabihin pero naging sarado ang isip niya. Wala siyang masabi. Umawang ng konti ang bibig niya dahil hindi na naman iyon kailangang gawin ng lalaki.
"Ayos lang, tito. May van naman na maghahatid sa'min."
"No. Inihabilin ka ni Rheo kaya responsibilidad kita."
Tuluyang nalaglag ang panga ni Hashana. Masyado itong kampante sa mga salitang binibitawan. Ayos lang naman talaga na hindi na siya nito sunduin. Kaya niya ang sarili.
Lumabas siya sa sasakyan nito na walang matinong sagot. Hindi siya pumayag o tumanggi. Papaano siya sasagot gayong ang layo ng sinabi nito? Di naman ibig sabihin na inihabilin siya ni Rheo ay responsibilidad na siya nito.
Naguguluhang hinilot ni Hashana ang noo bago pumasok sa bahay ni Cathy. Muntik na siyang napatalon sa gulat pagkatapos masarado ang pinto nang makita ang kaibigan na nakasilip sa bintana at naka-ekis ang mga brasong humarap sa kanya.
Kinilatis siya nito. "Sino 'yon? As far as I know, kulay pula ang sasakyan ni Rheo. Eh itim yung nakita ko." Naningkit ang mata ni Cathy.
Umirap siya sa babae at inilagay sa center table ang sling bag bago umupo sa sofa. May mga junkfoods doon kaya kumaha siya at sumubo.
"Si doc. 'yon. Ama ni Rheo. Huwag kang oa."
Kakasabi niya nga lang na huwag oa pero impit na tumili ang babae. Tumalon talon ito habang walang ingat na umupo sa tabi niya.
"Nako, Hashana! Sign na 'to! Sign na 'to na papakasalan ka ni Rheo! Imagine, sa loob ng isang taon maayos ang relasyon niyo. Tapos lately pinakilala ka niya sa parents niya, at kilala din siya ni tita. Tapos ngayon close na kayo ng magiging soon ay tatay mo! Oh my God! I can't wait to see you wearing a white gown!"
Imbes na mainis ay natawa na lang siya sa kakulitan ng isip nito. Sana nga humantong sila sa ganon ni Rheo. Ang sarap siguro sa pakiramdam na makasama sa harap ng altar ang lalaki.
YOU ARE READING
Trap In His Arms
RandomSa edad na dalawampu't isa, hindi inaasahan na ganoon kaagang mabubuntis si Hashana Romero. Kahit nagdadalang-tao ay pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral para sa kinabukasan ng magiging anak. Subalit sa pakikipagsapalaran nito sa syudad, nakilal...