Padaka daka ang sulyap ni Hashana sa side mirror sa kotse ni Rheo. Kanina pa nito nahahalata ang isang itim na ford ranger raptor na nakasunod sa kanila.
Gusto niya iyong balewalain pero kanina pa niya ito napapansing nakabuntot. Mukhang hindi ito napapansin ni Rheo dahil nasa harap ang mata ng binata. Mukha rin itong walang pakialam sa ibang sasakyan.
"Giniginaw ka ba? Lumalamig kamay mo, love," pagpuna ni Rheo.
Magkahawak kamay ang dalawa. Kanina pa nga gustong kunin ni Hashana ang kamay sa lalaki dahil nagsisimula siyang kabahan. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa sasakyang nakasunod sa kanila.
"Medyo, malakas kasi ang aircon," rason ni Hashana.
Pero ang totoo, nababalisa siya sa kung sino mang tao ang nakasunod sa kanila.
Hininaan ni Rheo ang aircon kaya nabitawan nito ang kamay ng dalaga. Agad pinagsaklop ni Hashana ang palad pagkuwa'y muling sumulyap sa side mirror. Naroon pa din ang sasakyan.
Marahas siyang bumuga ng hangin saka tipid na nginitian si Rheo. Sinubukan niyang magbukas ng paksa para pag-usapan nila ngunit sa huli ay nawalan siya ng salita.
Malapit na sila sa bahay ni Cathy at doon lang napansin ni Hashana na wala na ang kotseng nakasunod. Para nabunutan ng tinik ang dalaga.
"Susunduin kita bukas."
"Okay. Salamat sa paghatid. Ingat sa pag-drive."
Kumaway si Hashana kay Rheo at tinanaw ang pag-alis nito. Hindi pa man siya nakatalikod para buksan ang gate ay may sasakyan na biglang huminto sa mismong tapat niya.
Kumurba ang kilay ni Hashana pagkatapos nag-isang linya ang labi dahil kilala niya kung kanino iyon. It was Clifton's car. The man step out with his strong and powerful aura. Puno ng awtoridad ang tinding nito habang nababakas ang mabagsik nitong ekspresyon.
Napaatras si Hashana dahil isang iglap lang nasa harap na niya ang lalaki.
"Tito . . ."
Naging mariin ang titig ni Clifton sa babae. "I told you to wait for me didn't I?"
"T-tito, pleas-"
"Don't call me tito! I don't like hearing you calling me tito!"
Nanlaki ang mata ni Hashana sa biglaan nitong sigaw. Nakita niya kung paano nalukot ang gwapo nitong mukha sa pagpipigil ng inis.
Nakaawang ang labi ni Hashana saka dumistansya. "Anong ginagawa niyo dito?" Mariin niyang tanong na nagsimulang humigpit ang kapit sa sling bag.
Muling binantaan siya nito kanina at sinabing sumabay pauwi subalit hindi niya pinakinggan. Susunduin siya ni Rheo kaya bakit siya sasama dito? Para muli siyang takutin? Para ipaalala na naman nito na kailangan niyang hiwalayan ang nobyo? Iyon ay kung gagawin niya. She may tell Rheo the truth, but she won't break up with him. She loves Rheo so much. At kahit kamuhian man siya ng binata ay ipaglalaban niya ang pagmamahalan nila.
"Umalis na kayo."
Tinalikuran niya ang lalaki ngunit alegrong nahawakan ni Clifton ang maliit na papulsuhan ni Hashana. Mariin ang pagkakahawak nito roon. Na para bang hindi nagustuhan ng ginoo ang ginawang pag-iwas ng babae.
"This is my last warning. Tomorrow, I'll expect a good news from you. Break up with him or else, I'll get my son. I know where he is."
Napantig ang tainga ni Hashana sa huli nitong binigkas. Marahas na binawi nito ang kamay na hindi man lang pinansin kung namumula ba. Malalim ang paghinga ng dalaga at nanginig ang kamay sa galit na tinuro ang lalaki. "Iyan ang huwag na huwag mong susubukan, Clifton!"
YOU ARE READING
Trap In His Arms
RandomSa edad na dalawampu't isa, hindi inaasahan na ganoon kaagang mabubuntis si Hashana Romero. Kahit nagdadalang-tao ay pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral para sa kinabukasan ng magiging anak. Subalit sa pakikipagsapalaran nito sa syudad, nakilal...