Chapter 7

72 3 0
                                    

Nahihirapan. Kinakabahan. Mabibigat ang dibdib ni Hashana habang hawak ang resulta ng DNA test na kani-kanina lamang niya nakuha.

Kamakailan lamang palihim siyang pumunta sa isang DNA testing center para ipa-test ang toothbrush ni Jelrex at ni Clifton.

Naalala pa niya kung paano niya patagong pinalitan ng bago ang toothbrush ng doktor. Hindi naman iyon mahahalata dahil kapareho ng disenyo at porma nito ang binili niya. Ginamit din niya ang pangsipilyo ng anak nang magstay ito sa kanya ng isang linggo para pang-test.

Halos tatlong linggo na siyang naghintay sa resulta. At ngayon ay hawak-hawak niya mismo ang katotohanan na magpapatunay na mag-ama ba ang dalawa.

Malamig ang kamay na umayos ng upo si Hashana sa kama. Nanginig pa iyon nang unti-unti niyang buklatin ang nakatuping papel. Tuluyang nawalan ng dugo ang buo niyang katawan nang makita ang resulta ng paternity test. It was clearly stated that result of paternity test is 99.999 percent.

Muntik ng mabitawan ni Hashana ang papel. Sinakop ng iba't-ibang emosyon ang pagkatao niya. Naiiyak na napatitig siya sa resulta habang tinutumpok ng takot at kaba sa mga posibleng mangyayari.

Hindi niya matanggap ang resulta. Bakit sa napakaraming tao ang tatay pa ni Rheo? Papaano niya sasabihin dito ang totoo? Papaano niya sasabihin na may anak siya at ang ama nito ang tatay ng anak niya?

Magmumukha siyang pokpók sa harap ng nobyo dahil pumatol siya sa taong may asawa. Na pumatol siya sa isang lalaking halos kalahati ang tanda sa kanya.

Sasabog na ang utak ni Hashana kakaisip. Nawawalan ng lakas ang buo niyang katawan. Na para bang sa laki ng problema ay hindi niya iyon kaya pasanin. Masyadong mabigat. May usapan pa naman sila ni Rheo na magdidiner ngayong gabi at susunduin siya nito. Kanina pa din siya makabihis. Ngunit tila wala siyang mukhang maiihaharap sa nobyo. Kasalanan niya ang lahat. Wala siyang ibang masisi kun'di ang sariling kapabayaan noon.

May biglang positibong yumanig sa isipan niya. Maybe that dinner is a perfect chance to tell Rheo that she had a son. Hindi niya muna sasabihin na si Clifton ang ama ng bata para hindi gaanong magulat ang binata. Dadahan-dahanin niya hanggang maproseso nito ang lahat.

"Tàngina."

Sumasakit ang ulo ni Rheo kakabasa sa reports na ibinigay kanina sa kasama niyang engineer. May nagdeliver kanina ng mga construction materials at madaming workes ang nagrereklamo. Hindi kasi matitibay ang materyales at ang iba ay nangangalawang pa.

May kumatok sa pintuan ng opisina ng binata kaya napatingin siya doon.

"Bro, ito ang files na pinapahanap mo. Nandiyan ang pangalan ng kompanya ng supplier natin. Mukhang naisahan tayo." Si Burgos na isang architect. Kaibigan niya ito at kasama sa ginagawang construction project.

Napatiim-bagang na kinuha niya iyon sa lalaki saka hinimay ang impormasyon doon. Maayos ang kasunduan nila sa naturang kompanya. Pinangako pa ng mga ito na high class ang mga materials na isusupply nila. Ang laki ng nagastos nilang pera tapos naisahan lang sila. Tàngina!

"Anong plano mo?" ilang minutong tanong ni Burgos.

"I will talk to them. Hindi pwede ang ganito. Lànghiya nila. Ang laki ng nailabas nating pera tapos matatapon lang sa ganito." Nangitngit ang ngipin ni Rheo saka umuugat ang kamay sa pagpipigil ng galit. Mabilis itong tumayo.

"Ano? Ngayon ka na pupunta? Di ba may dinner kayo ng girlfriend mo?" alistong sumunod si Burgos sa kaibigan na lumabas sa silid.

Sandaling natigilan si Rheo saka naalala ang nobya. Naisin man niyang ituloy ang dinner nila pero mas importante ang kaligtasan ng mga manggagawa. Hindi pwedeng hayaan niya na ganoon ang mga materyales dahil magiging sanhi iyon ng aksidente. Baka mapahamak ang mga workers nila.

Kinuha ni Rheo ang cell phone at nagtipa ng mensahe kay Hashana. Gusto niyang makasama ang dalaga pero kailangan niya munang tapusin ang dapat tapusin.

Pinuntahan nga ni Rheo ang naturang kompanya kasama ang binatang kaibigan. Mabuti at naabutan nila si Mr. Frank na vice president ng establishment kahit alas syete na ng gabi.

Gusto niyang suntukin ito dahil maayos ang naging usapan nila noon kasama ang CEO. Mabuti't pinakalma siya ni Burgos at humingi din ng dispensa sa ginoo sa maling supply. Nagkaroon daw ng anumalya at namali ng pagdeliver. Sa katunayan, doon din tutungo ang ginoo para makausap sila sa maling transaction. Magsusupply daw sila ng bago at sisiguraduhing high class ang ipapadala.

Kahit may kasunduan ay nabubuwisit pa rin na lumisan sa lugar si Rheo. Ayaw niya talaga sa mga palpak na tao. Nakakapwermeso ito at nakakawala ng tiwala.

Dahil alas nwebe na ay dumiretso ng uwi si Rheo sa bahay. Naabutan niya ang ina sa living room na nagbabasa ng magazine.

Sinalubong siya nito. "Akala ko mamaya ka pa uuwi? Tapos na dinner niyo ni Hashana?" Hindi lingid sa kaalaman ng babae ang gagawing dinner ng anak dahil nagpaalam ito kaninang umaga.

"Something urgent came. Hindi kami natuloy." Humalik si Rheo sa pisngi ng ina.

"It's okay. You can invite her tomorrow for dinner. Dito sa bahay para masaya. Sasabihan ko ang dad mo."

Nangunot ang noo ni Rheo at sumunod sa ina na umupo sa couch. "Speaking of dad, where is he? Still at work?"

Tumango ang babae. "Alas diyes matatapos ang shift niya. Hihintayin ko muna at ikaw ay pumunta na sa kwarto. Ipapahatid ko na lang ang dinner mo."

"Alright. Good night, mom. Baka matagalan si dad kaya sa kwarto ka na lang maghintay."

Dinampian ng halik sa noo ni Rheo ang ina bago pumaroon sa taas. Balak niyang tawagan ang kasintahan para muling humingi ng tawad at para din imbitahan ito bukas.

"Babe," tawag ni Rheo kay Hashana sa kabilang linya.

Ilang segundo ng tahimik ang dalaga sa sinabi ng kasintahan. Hindi nga natuloy ang dinner nila kanina ngunit muli itong nag-aya bukas at sa bahay pa talaga ng magulang nito. Gustong umayaw ng katawan niya subalit papaano siya tatanggi sa taong minamahal?

"Anong oras ba?" Napalabi siya, kinakabahan.

"What time are you free?"

"Eight ang out ko."

"It's okay. Ipapasabay na lang kita kay dad. Baka kasi kapusin ako ng oras kung ba-byahe pa. Sa bahay na lang tayo magkita."

Mariing napikit ni Hashana ang mata sa suhestiyon ni Rheo. Walang ideya ang binata sa nararamdaman niya sa mga oras na iyon.

"No need, love. Pwede naman akong magtaxi. Baka maabala ko pa si tito."

"Ano ka ba, love. Pupunta din naman si dad sa dinner kaya ipapasabay na lang kita. Masesecure ko din ang safety mo kung siya ang kasama mo kaysa sa kung sinong taxi driver."

Mukhang pinurasahan talaga siya. Labag sa loob na umuo si Hashana kay Rheo. Wala dapat siyang ikatakot. Ang mahalaga ay nalaman niya ang katotohanan at tanging magagawa na lamang niya ay mag-isip ng tamang hakbang at desisyon.
































Trap In His ArmsWhere stories live. Discover now