Lahat tayo ay minsan nang naiipit sa mga sitwasyon sa buhay. Minsan nakakatakas, pero minsan naman nanatiling nakakulong sa hawlang puno ng kalituhan.
Mararahas ang hiningang pinapakawalan ni Hashana habang unti-unting minamaniobra ang sariling sasakyan.
Pasado alas nuwebe trenta na at ngayon pa lamang siya papasok sa trabaho dahil umattend pa siya sa homeroom meeting ni Jelrex.
Nasa kalagitnaan ng byahe ang dalaga nang tumunog ang mobile phone niya. Nang tignan ang caller's Id ay tanging buntong hininga na lang ang nagawa ni Hashana.
"Where are you?" Naunahan pa siya nitong magtanong.
Ganito naman lagi. Pati nga pag-uwi sa bahay ay walang pinapalampas si Clifton at palaging tumatawag o di kaya'y nagpapadala ng mensahe. Batid niyang nahahalata na iyon ng mga magulang niya sapagkat minsan ng nagtanong ang mga ito kung sino ang tawag ng tawag gayong dis-oras na ng gabi.
Binagalan ni Hashana ang takbo ng kotse bago ito sinagot.
"Papunta na ako diyan. Ikaltas mo na lang sa sweldo ko kung ilang oras akong late."
"Nagtatanong lang ako." Nag-isang linya ang labi niya sa naging sagot nito.
"Bilisan mo. Wala pa akong kain."
Hindi siya sumagot. Itinuon ni Hashana ang atensyon sa pagdadrive ngunit nangunot ang noo niya nang marinig ang ingay galing sa cell phone. Hindi pa pala pinutol ni Clifton ang tawag.
Rinig niya ang pagkalabog sa kabilang linya hanggang madinig ang paglagaslas ng tubig. Mukhang naliligo ito. Akmang papatayin ng dalaga ang ongoing call pero nagsalita ang lalaki.
"Hihintayin kita dito. Huwag mo ng putulin ang tawag. Gusto kitang marinig."
Kahit naman patayan niya ito ay tatawag at tatawag muli ang ginoo. Hinayaan ni Hashana na mag-ongoing ang tawag hanggang makarating sa bahay ni Clifton.
Wala ang ginang na si Cindy doon dahil namalengke raw nang tanungin niya ang lalaki. Nasa kama na ito nang maabutan niya. Nakaupo roon habang pinapatuyo ang buhok gamit ang puting tuwalya.
Mula sa bukana ng pinto kung saan siya nakasandal. Gustong tumawa ni Hashana sa mga kilos ni Clifton. Sa ilang araw niyang pagsasama dito. May mga bagay talaga na nahihirapan ang lalaki na gawin iyon.
Katulad na lang kahapon nang tangkaing bumaba ni Clifton sa hagdan para sana pumunta sa kusina. Nagluluto sila noon ni aleng Cindy ng tanghalian kaya hindi nila alam ang pinaggagawa nito. Nagulat na lang sila nang marinig ang malakas na pagdaing sa baba. Iyon pala ay nahulog si Clifton sa hagdan.
"Ouch! Make it slow!"
"Sino ba kasing nagsabi na bumaba ka sa hagdang mag-isa?"
Diniinan niya ang pagkakalapat ng bulak sa braso nitong may gasgas at pasa dahilan para muli itong magmura. Pati binti ay mayroon din. Masuwerte na nga ito dahil hindi napilayan. Sa taas ng hagdan na binagsakan nito. Himalang maliliit lang na gasgas ang natamo. Kahapon ay nahirapan pa itong makatayo subalit ngayon ay ayos na naman.
"Baka sa susunod na lunes ay aabsent ako. Kakausapin ko na lang si nanay Cindy para alam niya."
"Why?"
"May importante akong gagawin."
"Anong importante mong gagawin?"
Napailing si Hashana sa kakulitan ni Clifton. Papaano ba niya sasabihin dito na kailangan niyang umabsent para makadalo sa programa sa school ni Jelrex kung saan dapat naroon ang mga magulang? Iyon ang napag-usapan sa homeroom meeting kanina. Dapat nga ay buong pamilya ang pupunta roon.
Hindi na sinagot ng dalaga ang tanong ng lalaki. Pinakain niya lang ito saka dinala sa labas ng bahay dahil gusto daw nitong magpahangin sa garden.
Pinapalibutan ng maiitim na ulap ang kalangitan nang makalabas sila. Ang sinag ng araw ay natatakpan noon kaya medyo mapanglaw ang kapaligiran. Tahimik lang si Clifton kaya di niya maarok kung ano ang iniisip nito. Kahit siya walang maisip kung ano ang dapat sabihin para mabasag ang katahimikan.
"Kumusta na sila?"
Bahagyang nagkasalubong ang kilay niya bago nilingon ang lalaki na nakaupo sa rattan na upuan. Mahinahon naman ang anyo nito habang lumilinga na para bang hinahanap kung saan siya nakapuwesto.
"Anong ibig mong sabihin?"
Umupo siya sa katapat nitong upuan. Nalilito siya sa gusto nitong ipahiwatig.
"Ang mga bata . . . gusto kong malaman kung kumusta na sila."
Sa una ay hindi pa niya naunawaan ang sinasabi nito ngunit ilang minuto lang ay umawang ang labi niya. Bigla sumikdo ang kakaibang klase ng tibok sa puso ni Hashana. Namanhid ang buo niyang katawan nang maging klaro sa kanya ang pinagsasabi ni Clifton.
"Paano . . . "
"Alam kong napunlaan kita sa gabing iyon. Fertile ka kaya imposibleng walang nabuo sa dami ng nailabas ko."
Sobrang casual lang iyong sinabi ni Clifton. Ni hindi nito alam kung ano ang magiging epekto ng sinabi nito sa kanya.
Kumuyom ang kamao ni Hashana at tumalim ang tingin sa kung saan. Kung ganun ay wala na pala siyang dapat ilihim dito. Gusto niyang matawa. Oo nga pala, doktor ito. Ang tanga niya sa parteng hindi iyon naisip.
"Dumating na si nay Cindy. Tutulungan ko lang siya . . . "
"I want to see them. I mean, kahit si Jelrex lang. Can you bring our son here this weekend?" Kahit nagmamakaawa ang boses ay bahid ang lungkot sa tono ng boses nito.
Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ni Hashana saka nag-iwas ng tingin.
"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo. And I wanted to fix it. Gusto kong bumawi sa mga nagawa kong . . . "
"Kaya ka ba sumulpot dito dahil inuusig ka ng konsensya mo?" She can't stop herself to be sarcastic.
Nauunawaan na niya kung bakit ito nagpakita. Dahil lang naman iyon sa konsensya kaya ngayon ay nagpupumilit itong guluhin ang buhay niya. May pamilya itong naiwan kaya bakit pa nito sasayangin ang oras para isiksik ang sarili na mapatawad niya.
"Kahit kailan wala akong pinagsisihan sa ginawa ko sa'yo." Naggalawan ang panga ni Clifton. Ang kaninang maamong anyo ay biglang sumeryoso.
"Ikaw ang may kasalanan kaya nawala si Rheo."
"I know. Araw araw kong hiniling na sana hindi naging ganun ang sinapit ni Rheo. Pero ang pagbunga ng ginawa ko sa'yo sa Isla, wala akong pinagsisihan. Not in the past, not in the present, nor in the future. Kahit kailan hindi ko pinagsisihan na nakabuo ako ng anak sa'yo."
Hinamig ni Hashana ang sarili. Hindi ganito ang gusto niyang marinig. Bakit? Bakit ito sinasabi ni Clifton? Bakit niya ito ginagawa sa kanya? Hindi pa ba sapat ang masasakit nitong ginawa noon? Tapos ngayon ay guguluhin na naman siya?
"Tutulungan ko lang si nay Cindy . . . "
"Please . . . Gusto ko lang bumawi sa anak natin."
Nanlisik ang matang muling nilingon ni Hashana ang lalaki. Saang planeta ba ito kumuha ng lakas ng loob na sabihin iyon sa kanya? Gustong bumawi sa anak nila? Really? How about Jelrex's feelings? Naisip ba nito ang magiging reaksyon ng anak kapag ipapakilala niya ito sa bata?
Hindi niya kayang makitang masaktan ang mga anak niya. Pamilyado itong tao. Ano na lang ang magiging epekto noon kay Jelrex? Iisipin ng bata na bunga ito ng kapatid niya sa isang pagkakamali. Sa isang kasalanan. She can't afford to see her son and daughter suffered because of them. Mabuti ng ganito ang set up nila kaysa hahayaan niya ang lalaki na pumasok sa buhay nila.
YOU ARE READING
Trap In His Arms
RandomSa edad na dalawampu't isa, hindi inaasahan na ganoon kaagang mabubuntis si Hashana Romero. Kahit nagdadalang-tao ay pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral para sa kinabukasan ng magiging anak. Subalit sa pakikipagsapalaran nito sa syudad, nakilal...