CHAPTER 9

37 4 0
                                    

"A-alam mo?"pagtatakang tanong ni Khen kay Aiden.

"Oo,"tipid niyang sagot saka ibinalik sa akin ang atensiyon."Beeyah okay ka lang ba?"pag-aalala niyang tanong.Lumapit naman sa pwesto ko si Khen na ikinailang ko dahil pinag-gigitnaan ko sila.Hindi ako komportable.

Inayos ko ang mukha ko,"Oo okay lang ako!"sagot ko na kunwari'y walang kahit na anong nararamdamang sakit.

"Okay.Let's go na,ililibre mo'ko 'di ba?!"

"Beeyah you need to rest,baka mapano kayo!"mahinahong sabi ni Aiden na hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang pag-aalala sa kanyang mukha

"No bro,magsi-celebrate kami eh!"nakaismid na sabi ni Khen.

"Look bro,kailangan niyang magpahinga dahil buntis siya,"paliwanag ni Aiden kay Khen na ngayon ay medyo umiiba ang tingin sa kanya.

"Ob ka ba bro?"tanong ni Khen sa pang-aasar na tono.Mahilig talaga siyang mang-asar kahit na sa'kin,nakakapikon na nga kung minsan.

Hindi sumagot si Aiden at patuloy pa rin ang pag-aalala nito sa'kin.

"Ay joke!"pambabawi ni Khen sa sinabi niya nang mapansing seryoso si Aiden.

"Gusto mo bang dalhin kita sa hostipal,para makapagpa-check up ka?"ani Aiden na halata parin ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Oo nga Beeyah,sasamahan kita!"pagbubuluntaryo naman ni Khen.

"Hindi na,okay lang talaga ako.Pagod lang siguro,magpapahinga lang ako.Okay lang ba?"ani ko at isa-isa ko silang tiningnan.

"Oh sige magpahinga ka muna!"ani Aiden at kinuha sa tabi ko ang mga plastick na ang laman ay ang mga pinamili niya.

"Okay.Dito lang ako!"ani naman ni Khen at sumalagpak sa sofa.

Iniwan ko na sila doon dahil kaya na rin naman na nilang lumabas.Nahiga lang ako pero hindi ko namalayang mahigit isang oras na pala akong nakatulog.

Pagkagising ko'y medyo hindi na masakit ang t'yan ko.Lumabas ako dahil kailangan ko ng magluto para sa hapunan.Pero pagkalabas ko'y nasorpresa na lang ako nang makitang may luto ng pagkain.Sopas ang laman ng kaldero.

Paano nangyari 'yon?!

Tinikman ko ito at medyo okay lang naman ang lasa,pa rang kulang nga lang sa gatas pero okay lang din naman.Pero hindi ko ito kakainin dahil hindi ko nga alam kung paano 'to napunta dito.Pagpunta ko sala ay mas lalo akong nagulat sa nakita ko.

Si Aiden at Khen!

Hindi parin sila nakauwi?

Nakahilata si Khen sa isang sofa at nakaupo naman si Aiden banda sa may ulonan ni Khen na para silang magkasintahan.Pareho silang tulog at walang kamalay malay na nandidito ako.

Nakatayo lang ako sa harapan nila nang magising si Khen at pinagtawanan nito si Aiden kaya pati siya ay nagising na rin.

"Hahaha akala ko ba hindi ka makakatulog sabi mo?"pang-aasar nito saka bumangon.

"Wala eh nakatulog din hahaha,"ni Aiden naman at inayos ang medyo nagulo niyang buhok.

Napansin siguro nila na nasa likuran pala ako nakatayo kaya tumigil silang dalawa.

"Bakit pa kayo nandito?Akala ko ba-"

"Akala mo umuwi kami?Duh never no!What if manganganak ka na pala?!"pamumutol ni Khen sa sasabihin kong akala ko ba umuwi na kayo?

"Ah Beeyah kumain ka na,ipinagluto ka namin!"masayang sabi ni Aiden at liningon niya si Khen.

"Ah kayo pala ang nagluto nun?"tanong ko at itinuro ang kusina upang i-klaro ang ibig kong sabihin.

"Ah yup.Masarap ba?"tanong ni Aiden na halatang sabik na sabik malaman ang magiging sagot ko.

"Ah oo masarap naman!"nakangiti kong sagot.

"Naman?So,do you mean hindi talaga sobrang sarap?"sunod sunod na tanong ni Khen."Sabi ko kasi sayo bro eh,mag-order na lang tayo.Ayan tuloy napahiya pa tayo!"panunukso at paninisi niya kay Aiden.

"Pero okay lang talaga,masarap nga eh!Salamat sa inyo,nag-abala pa talaga kayo."pambabawi ko sanabi ko kaninang 'naman'.

Bago ako kumain ay nakaalis na ang dalawa.Marami akong naubos sa niluto nilang sopas dahil gutom talaga ako,ganon naman yata talaga kapag buntis palaging gutom.

Pagkatapos kong kumain ay inantok ulit ako kaya nakatulog rin ako ng maaga.

May check up ako ngayon kaya kailangan na mas maaga pa ako para makapasok pa ako sa trabaho ko.

Nagmadali akong maligo at nagbihis ng komportableng damit.Paglabas ko'y nagulat nalang ako nang makitang nakaparada sa labas ang sports car ni Aiden at nakasandal siya dito na parang may hinihintay.Nang mapansin niya ako ay kaagad siyang umayos ng tayo at naglakad na animo'y isang modelo palapit sa'kin.

"Good morning!Kamusta?"nakangiting bati niya.

"Good morning din!Ayos lang,anong ginagawa mo dito?"pagtatakang tanong ko at inilihis ang tingin sa suot niya dahil bihis na bihis ito.

"Susunduin ka.Sasamahan kita sa check up mo para masigurado kong safe kayo ng- a- ah bata!"medyo hindi niya komportableng sabi.Alam niyang hindi ko pa rin maisip na tatawaging 'anak'ang dinadala ko.Pero palagi niyang sinasabi sa'kin na mahirap naman daw talaga iyon pero alam niyang dadating din ang araw na magiging masaya  rin ako.

Hindi ko alam kong dadating ang araw na iyon pero dahil tinutulungan niya akong humilom ang sugat dito sa puso ko ay siguro nga dadating din ang araw para masasabi kong wala ng sakit.

"H-hindi ba may pasok ka pa?"tanong ko.

"Oo pero hahabol na lang ako.Mas kailangan mo 'ko.Kailangan kitang samahan!"seryoso at sentido niyang sabi.

"Salamat,pero hindi mo naman na kailangang gawin 'yan.Sobra sobra na nga ang tulong na nagawa mo para sa'kin simula noong gabing pinasakay mo'ko,"medyo nahihiya kong sabi.

Ngumiti siya,"Wala 'yon!"

"Sorry ha,baka naaabala na kita!"

"Ako ngang dapat humingi ng sorry-"aniya na may lungkot sa mukha.Hindi ko maintindihan kong bakit ganun na lang ang mukha niya.

"Huh?bakit naman?"pagtataka kong tanong.

Mga ilang segundo pa't hindi siya nakasagot,sa tingin ko'y ang lalim lalim talaga ng iniisip niya.Parang may problema din siya.

 White Lies(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon