CHAPTER 11

35 2 0
                                    

Papalabas na ang mga tao na um-attend sa first mass.Sa second mass na lang kami dadalo dahil alas otso na rin.

Naupo ako sa gilid at katabi ko ang isang Ale.Umupo naman sa harapan ko si Aiden at Khen,magkatabi sila.May isang baklang tumabi kay Aiden at kitang kita ko na panay ang siko sa kanya ni Khen,kanakantyaw niya si Aiden.

"Khen,Beeyah magsi-cr lang ako."paalam nito sa'min at tumango lang ako dahil nagsasalita ang pari na nasa harapan ng altar ng simbahan.

Panay ang palinga -linga ni Khen habang nag "A-Ama namin" dahil magkahawak kamay sila ng baklang katabi kanina ni Aiden.

Halatang gusto na niya agad matapos ang "Ama namin" at halatang kinikilig din ang baklang nakahawak sa kanyang kamay.

Huminga na lang siya ng malalim ng matapos na ang "Ama namin".Naupo na ang mga tao at bumalik na rin si Aiden galing sa cr.

"Lintikk ka bro,naisahan mo'ko dun ah!"bulong ni Khen kay Aiden nang makaupo ito.

"Ha?B-akit?"mahinang sagot naman ni Aiden pero alam kong natatawa siya kahit na nakatalikod ito.

"Huh ang sarap mong sapakin.Mabuti't mas matanda ka sa'kin!"

LAST day ko na ngayon sa pagtyu-tuitor ko kay Khen dahil ipinatigil muna ako ni ma'm upang hindi na raw ako ma-stress.

"Hindi mo na ba talaga ako e tyu-tuitor?"wika ni Khen,nangangalumbaba ito na parang batang nagmamaktol.

Bahagya akong tumawa,"Huh,para kang sira d'yan Khen.Eh mas matalino ka pa nga sa'kin eh!"

Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi,"Alam ko naman yun,kaso mas nagaganahan kasi ako kapag nand'yan ka,"anito na hindi ko mawari kong nagbibiro ba siya o seryoso ba talaga.

"Sige na,uuwi na ako!"paalam ko at tumayo na.

Agad din naman siyang tumayo,"Ah wait!"aniya at kaagad na kinuha ang susi ng kan'yang niya.

"Pwede bang lumabas lang muna tayo?"

"Huh?Saan naman?"

"I will treat you.Let's go!"anito at kaagad na naglakad papalabas ng bahay nila,kung kaya't hindi na ako nakatanggi pa.

Itinigil ni Khen ang kotse sa tapat ng isang sinehan.

"Manonood tayo ng sine?"tanong ko nang tumigil na ang kotse.

"Oo,'di ba romantic?"

"Huh,romantic  ka d'yan.Khen,hindi ka naman mahilig manood ng sine 'di ba?"

"Dahil mahilig ka,gusto ko na rin.Tara na?"aniya at nauna nang bumaba saka pinagbuksan ako ng pinto.

"Hindi na kaya ko naman-"pagtanggi ko sa alok niyang tulungan ako makababa.

"No.Nais ko lamang na pagsilbihan ka binibini at ikakagalak ko kapag tinanggap mo ito!"maginoong wika nito na sadyang ikinagulat ko.

Tinawanan ko lang siya,"Hahaha,saan mo na naman nakuha 'yan?"

"Sa I Love You Since 1892,ako ang iyong ginoong Khen Adrine Torres Ledesma,"anito at muling inilahad ang kanyang kamay sa aking harapan.

"Hahaha okay.Umayos ka nga,para ka naman d'yang ewan eh!"

"Ikaw kasi eh-"

"Huh?"

"Ah wala,let's go!"

Nandito na kami ngayon sa loob ng sinehan.Maraming tao ang nandito ngayon.Magka-pamilya,magkaibigan,at may mga magkasintahan.Doon kami naupo sa may bandang likuran,medyo malayo sa screen at madilim na rin dahil nakapatay ang ilaw.

Naluluha akong pinapanood ang "I Love You But You Love Another"
pero pinipigilan ko iyon dahil katabi ko si Khen at panay ang tingin nito sa'kin,gusto pa yata akong asarin.

" 'Wag kang umiyak hah,"mahinang sabi nito habang nasa screen parin ang tingin.

"Huh,hindi.Hindi ako umiiyak noh!"pagde-deny ko.

Mahina siyang tumawa,"Talaga lang,hah"

Sa wakas at natapos na ang palabas nang hindi tumulo ang mga luha ko.Sigurado talaga pag nangyari 'yon,tatawanan talaga ako ni Khen.

Lumabas na kami at napapansin kong hindi siya mapakali habang naglalakad kami pabalik sa kanyang kotse.

"Hoy,Khen?Okay ka lang ba?"tanong ko at tumigil muna sa paglalakad.

Tumigil din naman siya,"Ha?O-oo-"

"Bakit parang kinakabahan ka?"

"Eh kasi-"

"Kasi,ano?Huwag mong sabihing naiiyak ka!"kantyaw ko pa.

"Gusto mo ba ako?"

"Huh?"pagtataka kong tanong.

"Ay mali.I mean...gusto mo bang malaman?"

"Oh sige...makikinig ako."

"I love you from the bottom  of my hypothalamus,Beeyah..."Deri-deritso nitong sabi habang nangungusap ang kanyang mga mata.

"G-gusto mo'ko?"pautal-utal at malamig kong sabi.

"Yes,I like you and I love you!"anito at ngumiti sa'kin.

"Alam ko.Parang napapansin ko naman kasi.Kaso-"medyo nahihiya kong sabi dahil medyo nakakailang na rin dito ngayon lalo na't dalawa na lang kami ang nandirito sa labas ng sinehan.

Ngumiti lang siya ulit,"Kaso-"

"Mahal din kita pero bilang kaibigan,gusto kong maging kaibigan kita habang  buhay,"lakas loob kong sabi.Ngayon lang ako nakaramdam ng pagka-ilang kay Khen.

"It's okay.The important is alam mo na mahal kita.Okay lang sa'kin,hindi rin naman kita kayang mawala!"nakangiti pa rin niyang sabi.

"So,magkaibigan pa rin tayo?"

"Oo naman.Magkaibigan parin tayo!"

Habang nasa kotse kami ay parang nanibago ako.Dati kasi may pa-kanta kanta pang nalalaman si Khen habang nagdra-drive pero ngayon tahimik lang siya.

HINDI rin naman na nagtagal at bumalik na kami sa dati ni Khen.Dati na walang nararamdamang pagka-ilang sa tuwing magkausap kami.Ganon parin siya ngayon,pala-tukso at palaging namimikon sa grocery store.

ABALA ako ngayon sa pagko-compute ng mga pinamili ng mga costumers namin nang mapansin ko ang naka-dress na babae.Maputi at mahaba ang buhok nito,kamukhang kamukha niya si Ate Britney.

Gusto kong makasiguro na si Ate nga ang nakikita ko,kaya ihinabilin ko muna kay Ate Alex ang ginagawa ko.

Nagulat ako nang mapansin ko na malaki ang t'yan niya.Paanong nangyari 'yun?

S-si ate ba talaga 'yun?

Notes:The movie "I Love You But You Love Another"included in this chapter is just I made it.

 White Lies(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon