TWO YEARS AGO
"Good morning and congrats sir!"bati ko kay Aiden nang magkalapit na kami.Nakauniporme na ito ng pang Police Master Sergeant(SPO1).
"Good morning my lo- ah Miss.Velasco,thank you!have a seat!"aniya at humigit ng upuan para sa'kin.
"Salamat!"ani ko at naupo.
Naupo rin siya sa katapat na upuan,pinag-gigitnaan kami ng mesa na may flower vase na nakapatong sa gitna.Nandito kami ngayon sa Full Tummy Cousine.
Nandoon pa rin naman ako nagtratrabaho sa grocery store pero sa bagong branch na,at ako ang ini-assigned na manager ni ma'm Vigne Victorina.
Sinubukan kong bumalik sa pamilya ko pero mukhang masaya na sila kasama ang baby ni Ate Britney na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano nangyari iyon.
Gusto kong magsimula ulit,gusto kong ipagpatuloy ang naudlot kong mga pangarap.Nag-aral na ako ulit at graduating na ako ngayon sa Senior High.Pinagsabay ko ang pagtratrabaho at pag-aaral ko.At hindi naman iyon naging mahirap sa'kin dahil si ma'm Vigne naman talaga ang nagsabi sa'kin na ipagpatuloy ko ang pag-aaral ko dahil malayo pa raw ang mararating ko sa buhay.
"Thank you for your time!"nakangiting sambit nito.
"Wala 'yon,ikaw nga yata ang naabala ko eh,"
"No,kahit kailan ay hindi ka naging abala sa'kin.Anong gusto mo?"anito at inabot sa'kin ang menu lists
"Ahm,chicken adobo!"ani ko at hinanap ang chicken adobo sa menu lists.
"Adobo lang?Gusto mo,ipagluto na lang kita?Kayang kaya ko 'yon!"
"Hindi na,okay lang.Alam ko naman na palagi kang busy."
"Walang abala sa'kin 'pag ikaw!"
NAGLALAKAD na kami ngayon sa kahabaan ng kalye kung saan may mga batang naglalaro sa gilid.
"Bakit hindi ka na umuwi?Hindi mo naman ako kailangang ihatid,malapit lang din naman,"tanong ko.Nasa gilid ko siya ngayon at sabay kaming naglalakad.
"I just want to make sure na makakauwi ka ng safe,then gusto ko na makasama pa kita!"anito nang nakangiti at umiwas pa ng tingin.
"Salamat!"
"Ah,free ka ba bukas?"tanong nito,naglalakad pa rin kami.
"Wala naman,bakit?"
"Susunduin sana kita,gusto ni Mom na makita ka ulit at ipinaiimbita ka niya sa thanksgiving party dahil sa good progress ng isang branch ng company namin sa Cavite,"
"Cavite?"
"Oo,bakit?"
"W-wala naman..."
"Pupunta ka ba?Sobrang ikakatuwa ni Mommy pag nakita ka niya.At syempre mas lalo akong matutuwa!"banat pa nito at natawa ako ng kaunti.
"Ahm,sige pupunta ako."
" 'Yun oh,salamat!"anito at hinarang pa ako sa daan.
"Sabi ko na nga ba,gusto mo rin akong makita eh,"mahinang sabi pa nito na rinig ko naman.
"Luh!Hindi ah!"
"Talaga ba?Lulutuan kita bukas ng paborito mong chicken adobo."
"Sige kung marunong ka."
"Ano nga ulit ang English ng mata?"seryosong tanong nito.
Napakunot ang noo ko,"Eye or eyes."
"Ano 'yon oh!"anito at itinuro ang landscape sa labas ng boarding house.
BINABASA MO ANG
White Lies(COMPLETED)
Povídky"Ikaw ang bumuo nitong durog kong puso pero ikaw rin pala ang mas dudurog pa nito!" Sa kabila ng lahat ng pagsubok sa buhay ni Beeyah, may happy ending pa ba? Hanggang sa muli...