Masarap ang MABUHAY. May mga tao lang talagang hindi alam kung paano ito gamiting ng mahusay. May mga taong kumikitil ng sarili nilang buhay. Marahil sa hindi nila kinakayanan ang pagsubok na binibigay sa kanila ng diyos kaya mas pinipili nilang sumuko nalang. May mga tao namang pinapahirapang ang buhay ng kapwa nila nilalang at sila yung mga taong Insecure. Yun yong mga taong malulungkot ang childhood. Naiinggit sila sa natatamasang saya ng ibang tao kaya gusto nilang may kadamay sila sa lungkot na nadarama nila sa pamamagitan ng pag sira sa buhay ng iba. At may mga taong sila mismo ang nag papahirap sa sarili nilang buhay. Ewan ko kung bakit nila ginagawa yon. Hindi ba? Parang nakakagago lang? Sarili mong buhay ginagawa mong komplikado. Simpleng 1,2,3 lang pero ang gusto pa nila yung tipong find the X,Y and Z.
Lingid sa ating kaalaman na ang buhay natin ay isang hiram lamang. Pahiram lamang ito sa atin ng panginoon sa pamamagitan ng ating mga magulang. Dadating ang panahon na lahat tayo mamamatay. 'Una una lang yan' ika nga sa isang palabas. At kung sino ang nag bigay sa atin ng buhay ay siya lang din ang nakakaalam kung paano, saan at kelan niya ito babawiin. Alam niyo ba kung bakit?
Dahil kung malalaman natin kung paano, saan at kelan tayo mamamatay mag babago ang pananaw naten sa buhay. Yung tipong hindi na tayo gagawa ng masama pag malapit na tayong mamatay. Sino ba namang gustong mapapunta sa impyerno hindi ba? Mamadaliin naten ang mga bagay na gusto naten gawin o mangyari sa kadahilanang mamamatay na tayo mamaya, bukas o sa isang araw. Hindi na naten maeenjoy ang bawat segundo natin dito sa mundo dahil mababagabag na tayo sa ating pag kamatay. Ultimo maliit na bagay hindi na naten maappreciate. Nagegets mo ba ang pinipin-point ko?
Noon hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang "BUHAY". Akala ko noon ang pag gising sa umaga, pagkain, pagligo, pag-lalaro, pag pasok sa eskwelahan at pag dating sa gabi ay magdadasal tapos matutulog at pag linggo mag sisimba ay simpleng pamumuhay na. Nabubuhay ka na sa paraang alam mo, sa paraang kuntento ka dahil hanggang duon lang nman ang ineexpect mo. Ang hindi ko alam ay may mas malalim pa palang ibig sabihin ang salitang "BUHAY". At hayaan nyo akong ibahagi sa inyo ang karanasan ng aking buhay.
Ako si Ayya. 18 years old na ako. Nag iisang anak lang ako. Ang aking mama ay nasa ibang bansa, dun sya nag tratrabaho upang may maipa-aral sa akin at may maipang sustento sa aking mga gastusin at pangangailangan sa pang araw-araw. Mabait ang aking mama lalo na ang aking papa. Mahal nila ang isa't-isa at saksi ako don dahil ako ang naging bunga ng pag mamahalang iyon.
Iyon ang pag kakatanda ko. Ngunit pag gising ko nalang isang araw baligtad na ang mundo. Hindi ko alam kung nacomatose ba ako ng 30 years at nakaligtaan ang mga pangyayari sa buhay ko o sadyang nakatanda lang mangyari ang mga bagay-bagay ng ganon kabilis.
Dati buo at masaya ang aming pamilya, Masaya kaming kumakain ng aking papa at mama sa isang maliit na hapag kainan. Mag kakahawak kamay na nag dadasal at nag papasalamat sa itaas sa mga biyayang ipinag kaloob nya sa amin ng aking pamilya. At pag katapos kumain ako'y tinuturuan ng aking papa sa aking mga takdang aralin habang masaya kaming pinapanuod ng aking mama. Nagkukulitan at malakas na nag tatawanan halos sa lahat ng oras. Pakiramdam ko isa akong prinsesa na nakatira sa isang palasyo.
"Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng iyong papa." Malumanay na wini-wika ng aking mama habang nakangiti at nakatingin sa aking mga mata bago ako matulog.
"Mahal ko rin po kayo pareho." Sagot ko sa kanila pag katapos ay ngumiti.
"Goodnight Anak! Wala ba kaming AYYA HUG dyan?" Wika ng aking papa habang nakadipa ang mga kamay para yumakap sa amin ni mama. Agad lumawak ang aking ngiti at bigla ko silang niyakap pareho at ang ending bagsak kaming tatlo sa kama. Sabay-sabay kaming nag tawanan. Napakasarap sa pakiramdam.
Buong buo ang atensyon at pag mamahal na nakukuha ko sa kanila. Twing linggo kami'y nag sisimba, tinuruan nila akong mag karoon ng takot sa diyos. Sila ang nag turo sakin kung paano bumasa at sumulat. Sila rin ang nag turo sa aking mag salita at mag lakad sa sarili kong mga paa. Sila ang unang tumutulong sa akin twing ako'y nadadapa at sila ang nag pupunas ng aking luha kapag ako'y umiiyak. Naging sandigan at lakas ko silang dalawa. Sila ang naging paa ko at mga mata.
Masaya ako't walang problema. Natatandaan ko pa na palagi kong sinasabi sa diyos na "wala na po akong mahihiling pa". Hindi ko alam na dadating sa puntong hihilingin ko ang lahat sa kanya. Ang lahat ng kaayusan sa aking buhay.
Labing tatlong taong gulang ako noon naging masalimuot ang aking pamumuhay.
Nag simula sa aking papa na araw araw na nakikipag-inuman sa kaniyang mga kaibigan. Gabi-gabi siyang umuuwing lasing at galit. At sa twing siya ay nalalasing palagi niyang sinasaktan ang aking mama. Palagi na silang nag aaway at nag sisigawan.
Namulat ako sa karahasan ng aking papa sa aking mama. Ang walang awang pananakit at pag bibitaw ng mga masasakit na salita ng aking papa sa twing siya ay nadedemonyo ng alak. Nanlilisik at namumulang mga mata ang palagi kong nakikita sa aking papa sa twing titingin siya.
Palagi nyang sinasampal, sinusuntok at tinatadyakan ang aking mama sa aking harapan. May isang beses pa nga na itinulak nya ang aking mama sa hagdanan. Sobra ang aking pag iyak nang makakita ako ng maraming dugo hindi lang sa kanyang ulo kundi pati sa kanyang hita at binti.
Naagasan ang aking mama. Iyak siya ng iyak pag kagising niya. Nawala ang sanggol na aking kapatid kasabay ng pagka wala ng pag mamahal sa aming tahanan. At yon ay dahil sa aking Papa. Siya ang sumira sa magandang pag sasama nila ng aking mama. Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap ay magiging ganon ang dating napakalambing kong papa.Para akong nabulag at naputulan ng paa. Sobrang lungkot ng mga nangyayari. Ang aking mga iniidolong magulang na walang ibang alam gawin kung hindi ang mahalin ako ay pinili nang maghiwalay sa edad ko na katorse.
Nag desisyong mag ibang bansa ang aking mama at nawalan na rin ako ng balita sa aking papa. Para syang nag laho na parang bula. Kusa niya kaming iniwang mag-ina. Kaya walang nagawa ang aking mama kung hindi ang ihabilin ako sa aking tiyahin sa probinsya habang ang mama ay nagtrabaho sa ibang bansa.
Akala ko malungkot na yung nangyaring pag hihiwalay ng aking mga magulang. May mas lulungkot at mas may sasakit pa pala sa pang yayaring iyon. At yun ay ang desisyong tumira ako kasama ng aking tiyahin sa probinsya. Doon nag simulang masira ng tuluyan ang buhay at pag katao ko.
BINABASA MO ANG
Broken and Damaged
RandomThere was NO happy ending for us. I was too damaged. Too broken. Too wrecked.