Chapter 2. Wreck

5 0 0
                                    

Sobrang lungkot ko sa nangyari sa aking pamilya. Sa loob ng limang buwan na pamamalagi ko sa puder ng aking tiya itinuon ko ang aking atensyon sa pag aaral upang mabawasan kahit papano ang aking lungkot na nararamdaman.

Buwan buwan akong pinadadalhan ng pera ng aking mama at isang beses sa isang linggo ay tumatawag siya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubus matanggap ang nang yaring pag hihiwalay ng aking mama at papa. Para bang hindi ko na alam kung paano mag sisimulang muli. Sobra sobrang sakit ang nararamdaman ko na para bang walang nang mas sasakit pa. Iyon ang akala ko.

"Neng! Magbihis ka may pupuntahan tayo." Sigaw sa akin ng aking tiya kung san ako inihabilin ng aking mama.

Maayos naman ang pakikitungo nya sa akin. Wala siyang anak at walang asawa. Ngunit iba't-ibang lalaki ang nakikita kong kasama nya.

"San po tayo pupunta? Gabi na po ah." tugon ko.

"Huwag ka ng madami pang tanong! Magbihis ka na yung magandang damit ang suotin mo ha!" Nagtataka ma'y agad kong sinunod ang aking tiya.

Tandang tanda ko pa noong gabing pumasok kami sa isang madilim at napakaingay na lugar. Amoy usok ng sigarilyo at may mga hubad na babaeng nag sasayaw sa entablado. Nag iinom ng alak at tila mga wala na sa sarili. Napakasikip ng lugar at napakabaho. Mahigpit akong nakahawak sa kamay ng aking tiya upang hindi ako mapahiwalay sa kanya. Tumigil kami sa harap ng isang silid at marahang kumatok sa pintuan ang aking tiya.

*Knock knock*

May nag bukas ng pinto. Isang matandang lalaki na may malaking katawan.

"Pasok ka." Wika ng lalaki sa aking tiya.

Tumingin sa akin ang aking tiya at sinabing mag antay lang daw muna ako sa labas ng pintuan at pumasok na siya sa loob. Natatakot na tumango ako sa kanya. Ayoko sanang maiwan mag isa sa napakadilim na lugar na ito ngunit hindi ko naman magawang hindi sundin ang aking tiya.

Maya-maya bumukas muli ang pinto at lumabas ang aking tiya. Laking pasasalamat ko at sa isip ko'y baka uuwi na kami.

Labing limang taong gulang ako noon at walang kamuwang muwang sa mga nangyayari sa aking paligid, wala akong ka alam alam na pinagtatangkaan na akong ibugaw ng aking tiya sa mga matatandang mayaman.

Hinding hindi ko makakalimutan ang marahan na pagtulak sa akin ng aking tiya papasok sa isang madilim na silid habang siya ay nag bibilang ng pera. Para na rin niya akong itinutulak papasok sa impyerno sa mga oras na yon.

"Pumasok ka na." Sabi sa akin ng aking tiya.

"Ho? Pero akala ko ho uuwi na tayo? Umuwi na po tayo." Pag pupumilit ko sa aking tiya dahil hindi ko na matagalan pa ang lugar na iyon. Ngunit parang hindi nadinig ng aking tiya ang aking sinabi at bumaling siya sa lalaking nag papasok sa kanya kanina.

"Dahan dahan lang muna bossing! Sariwa pa yan." Sabi ng aking tiya sa kanyang kausap.

Nalipat ang aking tingin sa isang matandang lalaking prenteng nakaupo sa sofa habang umiinom ng alak at nakangiting nakatingin sa akin.

Sumenyas ang matanda na lumapit ako sa tabi nya upang umupo. At sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba at matinding takot sa lalaking aking nasa harapan.

Agad akong lumapit sa aking tiyahin upang mag aya ng umuwi ngunit hindi pa man ako nakakapag salita ay naunahan na niya ako.

"Sundin mo lang ang kanyang mga sasabihin at mamaya pag katapos bibilhan kita ng sapatos at madaming damit." Galak na galak na pag kakasabi ng aking tiyahin at pag katapos ay humithit ng sigarilyo at ngumiti.

Iniikot niya ako paharap sa silid at muling itinulak papasok at saka nya sinaraduhan ang pinto. Takot na takot akong lumingon sa matanda habang umaatras. Naguguluhan kung bakit ako iniwan ni tiya sa lalaking iyon.

Ang nasa isip ko lang noong mga oras na yon ay baka saktan ako ng matandang nasa harap ko. Wala sa isip ko na higit pa ang gagawin nya.

Takot na takot akong umaatras habang ang matanda ay nakangiti at lumalapit sa akin ng unti-unti habang hawak ang isang baso na may lamang alak sa kanyang kanang kamay.

"Huwag po." Ang tanging nasambit ko. Nanginginig ang aking kamay at tuhod habang patuloy na umaatras. Ramdam ko din ang mamumuong pawis sa aking noo dahil sa matinding kaba na aking nararamdaman.

Ngunit mala demonyong pag halalhak lang ang kanyang naging tugon sa aking pakiusap.

Patuloy ako sa pag atras habang unti unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Natatakot sa ano man ang maaring gawin ng taong nasa harap ko.

"Mag lalaro lang tayo ineng." Malumanay ngunit nakakapataas ng balahibong tugon sa aking ng matanda.

Matapos ng mga pang-uuto, matapos ng ilang utos nya sa akin na gawin ang mga bagay na bago lang sa akin, Ginawa na nya ang mga bagay na nag wasak sa aking pagkatao. Sinamantala niya ang pag kainosente ko! Napademonyo nya. Halang ang kaluluwa! Ni hindi man lang siya naawa sa isang walang muwang na katulad ko!

Mag lalaro?! Sinusumpa ko ang pag lalaro!

"Huwag po please po! Parang awa nyo na po! Maawa po kayo sa akin!" Paulit ulit na sambit ko sa demonyong pilit itinutulak ang sarili sa akin.

"Tama na po!"

"Nasasaktan na po ako!"

"Parang awa nyo na po."

"Tama na."

"Arayyyyy!"

"Tulong!!!" Sigaw ko habang umiiyak. Nananalangin na sana ay may tumulong kahit isa sa mahigit isang daang tao na nasa loob ng lugar na iyon. Tama na. TAMA NA! TAMA NA! Ang paulit ulit na sinisigaw ng utak ko.

"Ayoko na po!" Narinig ko ang pag kapunit sa aking pang ibaba. Sobrang sakit! Gusto ko na tong matapos. Bakit sa akin nangyayari ang mga bagay na ito?! Naging mabuting anak naman ako!

"Inayyyy! Itayyy! Tulungan nyo po ako!" Gamit ang aking natitirang lakas ay muli akong sumigaw habang kumakawala sa mahigpit na pag kakahawak sa akin ng matandang pilit hinahalikan ang mga parte ng aking katawan.

Ginahasa at Pinagsamantalahan ako ng taong iyon! Nandidiri ako sa kanya! Wala siyang puso. Hindi niya ako pinakikinggan sa mga sigaw ko. Bawat hikbi at paghingi ko ng awa ay tila hindi nya naririnig. Bawat pag pupumiglas na aking ginagawa ay tila balewala. Napakademonyo! Wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak! At nag dasal sa panginoon na sana matapos na ang kahayupang ginagawa sa akin ng demonyong iyon!

Sa murang edad naramdaman ko ang pinakamapait na pangyayari na maaaring maranasan ng isang bata sa mundong ito. Pang yayari na kahit kelan hinding hindi ko makakalimutan.

Broken and DamagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon