Chapter 4. Mama

6 0 0
                                    

Nagising ang aking diwa at damang dama ko ang sakit ng aking katawan lalong lalo na nang aking pag kababae.

Pilit kong iminumulat ang aking mga mata. Ngunit wala akong maaninag kundi kulay puti.

Inilibot ko ang aking paningin at nabigla ako sa aking nakita.

"Anak!" Wika ng isang babae habang umiiyak. Ang aking Mama. Nandito sya. Diba dapat akong maging masaya? May mag tatanggol na sa akin. Ngunit bakit wala akong madamang tuwa? Maski pag tulo ng luha ay di ko magawa. Anong nang yayari sa akin? Mas nakakaramdam ako ng takot. Takot na hawakan nya ako at saktan.

Pilit ako umaatras ngunit kahit anong galaw na gawin ko ay lalong nakakadagdag ng sakit sa aking katawan. Nandidilat na umiling iling ako nung balakin nya akong hawakan. Pinilit kong mag salita ngunit hindi ko magawa at ang tanging ungol at iyak lang ang aking nagawa.

"Anak. Shhh. Hindi kita sasaktan. Kamusta na ang pakiramdam mo anak?" Maluha luha pang tanong ng aking mama. Pilit siyang ngumingiti kahit bakas sa kanyang mukha ang sakit , lungkot at galit.

"..." Kamusta? Kamusta nga ba ako? Hinde ko alam. Hinde ko na alam. Bukod sa masakit ang katawan at pag kababae ko ay wala akong ibang maramdaman. Kundi Takot. Takot sa malamig na silid na ito at takot sa malambot na kama na aking hinihigaan.

Ngayon ko lang napag tanto na nasa hospital pala ako. Kung paano ako naparito ay hindi ko alam. Tila ba naubusan na ako ng lakas kaya kahit ang pag iisip ay hindi ko na magawa.

Pilit akong tumayo upang umalis sa kamang aking hinihigaan. Mas gugustuhin ko pang sa sahig matulog habang buhay kaysa sa sumpang kama na gabi gabing nag papa alala sakin kung gaano naging masalimuot ang aking naranasan.

Nanatili lang akong nakatingin sa aking mama. Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig upang sabihing ayos lang ako para hindi na sya mag alala pero hindi ko magawa, nananaig pa rin ang pagod at takot na aking nararamdaman.

"Sige anak! Mag pahinga kapa. Andito na ako. Hinding hindi na kita iiwan!" Malumanay na pag kakasabi ng aking mama habang titig na titig lang siya at takot na takot makagawa ng bagay na aking ikakapabahala.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na ngang pumahinga muli ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng konting tuwa sa sinabi nya ngunit hindi pa rin iyon sapat para makalimutan ko ang mga masalimuot na pangyayare sa isang taon nyang pag iwan sa akin.

Alam kong hindi nya kasalanan ang mga nangyare sa akin ngunit may parte sa loob ko na sinisisi sya sa ginawa nyang pag iwan sa akin sa pangangalaga ng kanyang kapatid sa labas.

Madami akong gustong itanong sa kanya. Madami akong gustong sabihin. Gusto kong umiyak at mag sumbong na parang bata sa kanya ngunit parang naubusan na ako ng pakiramdam. Gusto kong sabihin sa kanya at ipaliwanag kung gaano kasakit ang aking nararamdaman.

Gusto kong malaman kung bakit nagawa nya akong iwanan ng apat na taon sa walang puso kong tiya. Kung bakit ang sabi ni tiya ay hindi na nya ako sinusustentuhan o kahit tawagan man lang. Ang dami kong gustong malaman. Ngunit hindi pa siguro ngayon. Hindi ko pa kaya.

Gising ang aking diwa ngunit nanatili lang akong nakapikit nung may madinig akong pumasok sa silid. Marahil sa matinding pagod at sakit ay hindi na ako nag abala pang mag mulat ng mga mata at pinakinggan nalang ang kanilang ginawang pag uusap.

"Doc, Kamusta na po ang anak ko? Bakit parang takot na takot sa akin ang aking anak??" Sambit ng aking mama habang umiiyak.

" Mrs. Funtalan, Your daughter experience shock due to the traumatic event she encountered and your daughter is facing a severe trauma or what we called Rape Trauma Syndrome. It is the psychological trauma experienced by a rape victim that includes disruptions to normal physical, emotional, cognitive, and interpersonal behavior. It has also been found that your daughter are at high risk for developing substance use disorders, major depression, generalized anxiety disorder, obsessive-compulsive disorder, and eating disorders." Mahabang paliwanag ng doctor sa aking mama. Hindi ko maintindihan kung anong gustong sabihin ng doctor na iyon tila ba hindi na ako makapag isip ng tama.

"May tatlong yugto ang Rape Trauma Syndrome. Ang una ay ang Acute Stage. In this stage she may appear agitated or hysterical, and may suffer from crying spells and anxiety attacks. The survivor will appears to be without emotion and acts as if 'nothing happened' and that 'everything is fine'. They also reacts with a strong sense of disorientation. They may have difficulty concentrating, making decisions or doing everyday tasks. They may also have poor recall of the assault." Dugtong ng Doctor.

"Oh God!" Tanging wika ng aking mama. Walang nagawa ang aking ina kung hindi ang umiyak.

Diyos? Walang diyos!

Kung mayroong diyos eh di sana wala ako sa mabahong ospital na ito. Hindi sana ako natatakot ng ganito. Pakiramdam ko mamamatay na ako ano mang oras. Napaka lupit ng diyos na binanggit niya! Para hayaan akong mahantong sa ganitong kalagayan!

"Ang pangalawang yugto ay ang tinatawag na Outer Adjustment Stage at ang huli ay ang Renormalization stage. Survivor in this stage seem to have resumed their normal lifestyle. Ang maipapayo ko sa inyo Mrs. is to also pretend that everything is fine. Iwasang pag usapan ang nangyari lalong lalo na sa harap ng inyong anak. Move to a new home or city upang tuluyan nyang makalimutan ang mga pangyayari sa lugar na ito"

"Babalik pa ho ba sa dati ang aking anak?" tanong ng aking mama.

"Have a little faith Madam. Sa nakikita ko malakas ang anak niyo at kaya nyang malagpasan ito. Kailangang kailangan niya ng suporta ninyo. Kailangan niyo syang pakisamahan at magkaroon kayo ng mahabang pasensya. Huwag niyong ipapakitang malungkot kayo. Her sense of personal security is damaged kaya kung maaari ay iwasan niyong gumawa o mag banggit ng mga bagay na maaaring maka alarma sa kanya. She now see the world as a more threatening place to live. And she will also encountered many fear such as fear in the crowds, fear of being left alone anywhere, fear of men or women, fear of being touched and such." Sagot ng doctor. Takot? Tama. Takot lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Matinding takot.

"Kaya siguro nung hahawakan ko siya kanina ay para siyang takot na takot. Napaka walang puso ng mga taong gumawa nito sa aking anak!" Putol ng aking mama sa doctor at nag patuloy sa tahimik na pag iyak.

"Yes Mrs. Funtalan. Maaari din siyang mawalan ng tiwala sa iba. Siya ay maaaring makaramdam na walang sinuman ang maaring pagkatiwalaan dahil mismong kanilang mga miyembro ng pamilya ay sinamantala ang kanyang pagkainosente. Yon nalang muna siguro sa ngayon. Huwag mong kakalimutan ang aking mga paalala. Antayin nalang muna natin mag hilom ang kanyang mga pasa sa katawan at saka ko ulit siya bibisitahin. Ang madaming tao sa kaniyang paligid ay maaaring mag bigay ng masamang epekto sa kanya kaya kung maari ay iwasan natin iyon." Pag tatapos ng doctor.

"Sige po doc. Maraming Salamat!" Tugon ng aking mama.

"Lakasan niyo po ang loob niyo Mrs. Funtalan." Pag papalakas ng loob ng doctor sa aking Mama saka siya lumabas ng silid.

Pag kasarado niya ng pinto ay ramdam ko ang pag gaan ng aking pakiramdam. Dahil nakaalis na ang doctor. Sinubukan ko makiramdam sa paligid at buksan ang aking mga mata. Kitang kita ko kung paanong napaupo ang aking mama sa sahig, ang mga kamay niya ay nakataklob sa kanyang mga mukha at tahimik na umiiyak. Pakiramdam ko'y lalo akong nawasak. bumigat ang aking dibdib kasunod ng pag tulo ng aking mga luha. Ang makita kong nawawasak ang kalooban ng aking ina dahil sa nangyari sakin ay mas naka pag padoble sa sakit na aking nararamdaman!

Kasalanan to ng mga lalaking walang awa akong pinag samantalahan. Ng diyos! Kung pinatigil niya sana ang masalimuot na pang yayaring iyon hindi sana masasaktan ng ganyan ang aking mama! Napakawalang puso nila! Darating ang panahon babaliktad ulit ang mundo.

Tumutulo ang aking luha ngunit wala akong ingay na nagagawa. Literal at tuloy tuloy lang sa pag tulo ang aking mga luha. Pagod na pagod ako, para bang sumali ako sa sampung marathon sa loob lang ng isang araw.

Sa pagod na aking nararamdaman ay tuluyan na akong nakatulog ng mahimbing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken and DamagedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon