Chapter 1

438 14 5
                                    

Vile Kim

one...two...three...four...five...six ???? Six lunch box in my locker?

Kanino galing mga to?

" Vile... omg! bakit ang dami mong lunch  box?! Di kaya sasakit tyan mo niyan?"  Napakurap ako sa sinabi ni Roven. Magsasalita pa sana ako ng kuhanin niya ang isang blue lunch box sa locker ko. Kunot noo niyang binigay saakin ang note.

" Kay Pinuno pala galing tong lunch box mo.." Agad niyang kinuha ang kamay ko at nilapag sa palad ko yung lunch box.

" Kumain ka kasi.. tsaka I bet galing din sa lima yang lunch box jan.." Isa isa kong tinignan ang lunch box at tama nga siya. Sev, Zion, Jay, South at Charles .. galing sakanilang anim pero ang tanong ay...

"Hindi ko to makakain mag isa..." Bulong ko pero tama lang yun para marinig ni Roven. 

" Ano... magvovolunteer sana ako na tulungan ka jan pero wag na pala. Alis na ako haa.. Hinihintay na ako ni Kuya K eh." Dali dali siyang umalis sa harap ko na para din ba siyang nagpapanic. Kunot noo ko siyang pinanood na umalis  habang siya naman ay nagmamadaling umalis na tila may tinatakbuhan. Huminga ako ng malalim bago kunin ang lima pang lunch boxes pero bago ko pa makuha ang lahat ay may mga kamay ng kumuha doon. Agad kong naamoy ang mga pamilyar na pabango.

" Sev ! Charles! "

" Tulungan na kita" Nakangiting saad ni Sev kaya napangiti nadin ako ng pabalik.

" Ako na. Ako na bubuhat nito, Vile." Marahang saad naman ni Charles...

" Ah.... o-okay.."

" Ako nauna. Sim."

" Saakin umu-oo. Park." Hindi ko alam bakit ba ang talim ng tingin nila sa isa't isa pero sabi naman ni Jay saakin na ganyan naman daw talaga sila ni Sev pero sabi din ni Gael ganyan naman daw pag magkaibigan. Ewan ko lang pero feeling ko hindi eh. 

May something is wrong talaga sakanila eh. Hindi lang kay Sev at Charles kundi sa apat din kapag kasama ko sila.... parang magkaka away... 

ewan...hindi ko din alam minsan naman eh nagkakaintindihan sila minsan naman hindi.. 

" um.. hawakan niyo nalang dalawa.. Ano kasing nakain niyong anim at nagbigay kayo ng anim na lunch box, hindi ko naman makakain to lahat sayang lang.." Napanguso ako habang nakaturo sa mga lunch boxs na hawak nilang dalawa.

" Akala ko ba ako ngayon magbibigay bakit nagbigay din kayo?" Tanong ni Charles kay Sev.

" Wala kang dalang lunch box kanina pagpasok mo. Wala naman kaming nakitang bag na hawak mo that's why we assumed na nakalimutan mo." Sev said.

" Me? Why would I forget it? Vile's lunch is important.. his stomach is important.. sa tingin mo makakalimutan ko?"

Nag aaway ba sila?

" Ahem." Hindi pa ata sila titigil sa pag titigan ng masama kung wala lang tumikhim.

" Zion! Tapos na practice mo?" Agad na tanong ko ng makita siya. Zion smiled and reached for me and played with my hair for a second bago tinignan sina Sev at Charles.

" Gutom ka na Vile? Tara samahan kitang kumain.." He smiled bago kinuha ang lunch box na hawak ni Charles , nandun kasi yung lunch box niya na bigay niya sakin. Gamit ng isang kamay niya marahan niya ding hinawaan ang kamay ko at akmang hihilain na ako dun ng humarang si Charles. " Let's go.. Let's go together.."

" parang wala kayong balak kumain eh tapos ngayon sasama kayo?"

" Zion."

" Okay. Fine. Let's go eat... Together.."

Hour Glass// SunharemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon