UNTITLED

1 0 0
                                    

Nandito na naman tayo.Pupunta ba ako sa Kasal nya o hindi? nakakawalang gana naman oh...

Ang hirap mag-desisyon, pero bakit kasi kailangan pa akong imbitahin?Andami na nga nilang bisita eh...Pwede ba huwag nalang? Regaluhan ko nalang sila,tutal kilala ko naman sila. Pero hindi pwede kailangan nila ako dun at inaasahan.Ikaw 'tong kaibigan at isa ka sa mga bridesmaid kaya kulang kapag wala ako.

Andaming gumugulo sa aking isipan.Bakit nga ba ayaw kong pumunta sa Kasal? Maraing dahilan kung bakit. Una sa lahat gusto ko pa sya,si Kayne.May nararamdaman pa ako sa kanya,baka kasi lalong masaktan lang ako kapag nakita ko syang ikakasal sa iba.Pangalawa,kaibigan ko si Via. Pangatlo baka kung ano ang magawa ko kapag pupunta pa ako dun...

Pero kailangan,Kailangan ko kasi mga kaibigan ko sila,kailangan nila rin ako bilang kaibigan nila,ayaw ko silang magtaka na wala ako dun dahil sa mga walang kwentang dahilan katulad ng mga iniisip ko.

"Sge na ito na,Aalis na.Ihahatid mo pa si Via sya ang pinakaimportanteng babae doon" Sambit ko sa aking sarili.

Aalis na kami sa aking bahay at pupunta na sa Lugar ng kanilang kasal gamit ang aking kotse.Ngunit ng nasa kalagitnaan na kami biglang tumawag ang aking kapatid na si Erich.Hinahanap ko ang tunog nito ngunit nasa likod pala ito,nakalagay sa loob ng aking bag.Uutusan ko sana si Via na kunin ito kasi ako ang nagmamaneho ngunit tinitignan nya kasi ang mga kakailanganin sa kasal nya at ang mga plano nito kaya di ko nalang inabala pa.Sinubukan ko itong iabot ngunit ng mahirapan ako biglang may malaking truck na papalapit sa aking harapan buti nalang tumigil kaming pareho at naiwasan ang disgrasya.

Nakuha ko na rin ang Phone ko sa likod at sinagot ang tawag ng aking kapatid.
"Hoii...Kurt,paki-bilisan mo,kayo nalang ang wala dito" Sabi nya."Oo ate,ito na,malapit na kami"Sambit ko sabay baba ng telepono.

Kami ay nakarating rin sa lugar ng kasalan at marami na rin palang tao dito.Busy na busy silang lahat,parang bawat tao may kausap. Dumiretso na rin kami kaagad sa loob kung saan kami ay aayusan.

Hinanap ko nalang si Ate sa loob upang makapag-ayos na rin ako.Ilang minuto lang ay naayusan na rin ako kaagad dahil unting make-up lang ang aking pinalagay.Handa na ang lahat pero ako parang hindi pa ngunit pipilitin ko nalang ngumiti at ipakitang ayos lang ako upang hindi sila manibago o magtaka kung bakit iba ako.

Nagsisimula na ang kasal.As usual mauuna ang Groom na papasok,ngunit habang papasok sya hindi ko maiwasang hindi mamahangha sa ka-gwapuhan nyang taglay,Oo sanay na akong makita syang naka-suit or tuxedo pero ngayon iba yung aura nya parang bagay na bagay talga sa kanya ang ganoon na suotin.

At isa isa na rin nagsidatingan ang mga flower girl at ang aking kapatid ang kinuha nilang ringbearer,dahil sya lang ang kilala nilang bata at napamahal na rin sa kanila ang aking kapatid.

Naunang naglakad ang mga groomsmen,at sunod kaming mga bridesmaid.Pinahuli ko nalang ang aking sarili upang masilayan ko pa ng matagal si Kayne at dahil iniisip ko na sana ako nalang. Gusto kitang itakbo ngayon katulad ng ginagawa natin dati pero hindi pala yun applicable dito,kailangan nating maging seryoso.

Ito na,naglalakad na ako papunta sa kanya.Sya na aking mahal,sya na una kong minahal,habang papalapit ako mas lalo ko ng nasisilayan ang nakangiti nyang mukha.Sana ako yung hinihintay nya pero hindi pala,doon na pumasok sa aking realidad na hindi pala talga ako,at hindi magiging ako.Dumiretso nalang ako sa aking dapat upuan.

At unti-unting bumukas ang pinto upang masilayan ang nakatayo roon na naghihintay na si Via. Napaka-ganda nya,kaya't minsan hindi ko maiiwasang mamangha sa kanya.Unti-unti syang naglakad patungo kay Kayne.

How l wish l was her,walking down towards the groom and wishing that l was her.

Nagsimula na ang kasal.Typical na nagsimula na dahil sa katagang.
"Wala na bang tututol sa Kasal nina Kayne At Via?" Ang sabi ng Judge.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNTITLED STORIES (short or mini stories from Archive)Where stories live. Discover now