EPISODE 1

145 10 0
                                    

AN: Paunawa bago mo ito basahin ay gusto ko lang ipaalam na ang istorya na ito 'ay gawa-gawa ko lamang simula sa katauha, lugar at mga pangyayari. Lahat ng narito ay imbento lang ni author. :)

Prinsesa Erin

Kulay berde na damo at maaliwalas na kapaligiran ang huni ng mga ibon na nagsisilbing musika na iyong maririnig. Ang hangin na mas lalong nakakapagbigay gaan sa pakiramdam kapag ito'y dumadampi sa iyong katawan at mapapakit ka na lang upang mas damhin pa ito.

"Napakatahimik talaga rito at malayo sa palasyo na maraming naghahanap sa iyo at walang humpay na sermon,"

Napapangiti si prinsesa Erin habang nakahiga sa damuhan, maputi at napakakinis ng kaniyang balat. Ang mata niya na kulay asul na mas lalong nagbigay ganda sa kaniya. Nakasuot siya ng mamahalin na damit na yari sa makikintab na tela, ang mga diyamante na palamuti sa kaniyang suot ay totoo ito dahil pinasidiya pa ito ng kaniyang ama sa isang kilalang mananahi sa kanilang lugar.

Ang buhok niya kulay tsokolate na bahagyang kulot na mas nakadagdag karisma. May suot rin siyang maliit na korona na tanda na siya 'ay isang tunay na prinsesa at yari ito sa purong ginto, ganun rin ang hikaw niya na pinaghalong ginto at diyamante. Ang porselas niya na rin ay purong ginto na may desinyo na iba't ibang kulay na bato.

"Prinsesa Erin!"

"Prinsesa Erin!"

Napabangon bigla si prinsesa Erin dahil sa boses na kaniyang narinig at kahit hindi pa niya ito nakikita alam na nito kung sino ito. Walang iba kung hindi ang kaniyang tagasunod si, Wendra.

Ngunit imbes na tumayo na ay muling nahiga ulit sa damuhan si prinsesa Erin at pinikita ang kaniyang mata.

"Prinsesa kailangan na natin bumalik sa palasyo!"

Malakas ang boses na ani ni Wendra, ngunit hindi siya pinansin ni prinsesa Erin na nagbibingi-bingihan.

"Nagkakagulo sa palasyo!"

Dito napadilat ang mata ni prinsesa Erin dahil sa narinig niya mula kay, Wendra.

"Nagkakagulo? Bakit?"

Nagtataka na tanong ni Erin, lumapit naman sa kaniyang likuran si Wendra at pinagpagan ang kaniyang pangupo.

"Hindi ko alam prinsesa pero kailangan na natin bumalik doon sigurado akong hinahanap ka na nang iyong amang hari at reyna."

Bakas sa mukha ni Wendra ang pag-aalala at napatango na lang si Erin, halos takbuhin nila ang daan kung saan patungo sa palasyo. Kahit may kahabaan ang suot ay hindi ito alintana kay Erin dahil tinaas niya ang laylayan na bistida.

May sekritong daanan sila ni Wendra upang hindi na sila dumaan sa mismong tarangkahan. Sa likod yun at may butas ang pader doon na tinatakpan lang nila ng mga bato hindi iyon pansinin dahil nasa sulok iyon. Mabilis na nakapasok sila sa palasyo at nakita nga nila ang nagkakagulo na mga tao doon.

May naglalaban-laban gamit ang matatalim na espida at kung anu-ano pang mga sandata, nagkalat ang mga sugatan at wala ng malay na mga tao bata man o matanda ay hindi pinalagpas ng kung sino.

Halos manginig ang buong katawan ni Erin dahil sa kaniyang nakikita, marami ang namatay at naguguluhan siya kung bakit ito nangyayari.

"M-mahal na prinsesa ta-tayo na umalis na ta-tayo dito,"

Hinatatakot na sambit ni Wendra, dahil sa kanilang nasaksihan ngayon.

"Sandali ang aking amang hari at inang reyna?"

Bigkas ni Erin dahil naalala niya ang ama at ina kung ano nangyari sa kanila o baka may masamang nangyari na sa kanila.

"PRINSESA!"

"PRINSESA ERIN! ILIGTAS MO ANG IYONG SARILI!"

Nagulat si Erin dahil sa malakas na boses at ng makita na ito na papalapit na sakay ng kabayo. Duguan ito at halatang nakipaglaban, ang maharlikang tagabantay si Mr. Evaro, bumaba ito sa sakay na kabayo at nilapitan sila.

"Tayo na prinsesa."

Muling aya ni Wendra ngunit hindi gunalaw si Erin.

"E-Evaro, ang amang ha-hari a-at reyna?" Tanong ni rin pagkalapit sa kaniya ni Evaro.

"Umalis ka na prinsesa habang kaya pa kitang iligtas hindi mapapanatag ang aking kaluluwa kung wala man lang akong mailigtas kahit na isa inyo."

"Ha? A-anong ibig mong sabihin Evaro? N-nasaan ang aking amang hari at reyna?" Nanlalaki ang matang tanong ni, Erin.

Yumuko si Evaro at pag-angat nito ay nangingilid ang luha.

"Patawad prinsesa ngunit wala na ang iyong amang hari at inang reyna, sinakop tayo ng traydor na kapatid nang iyong ama,"

Napaupo si Erin dahil sa kaniyang nalaman, umiiyak naman si Wendra dahil sa nalaman. Nagsimula naman mag-unahan ang luha sa magkabilaang pisngi ni prinsesa Erin.

"Mahal na prinsesa pakiusap iligtas mo ang iyong sarili, kailangan mo makamit ang katarungan sa pagkamatay ng iyong ama at ina. Kung mamatay ka rin paano na ang lahat ng ito?"

Napatingala si Erin dahil sa sinabi ni Evaro, naliwanagan siya sa sinabi nito at nasa isip nga niya na dapat siyang maghiganti.

"Narito si prinsesa Erin!"

Napalingon sila dahil sa boses na yon at nagkatinginan.

"Ilayo mo na ang prinsesa at gagawin ko ang lahat upang harangin sila para hindi nila kayo magawang sundan."

Ani ni Evaro, inalalayan naman ni Wendra na tumayo si prinsesa Erin.

"Tayo na mahal na prinsesa." Aya ni Wendra.

"Evaro, hindi ko ito makakalimutan."

Biglang yumakod si Evaro na tanda na paggalang at panunumpa niya sa kaniyang tungkulin hanggang sa kaniyang kamatayan.

"Prinsesa mag-iingat ka,"

Hindi na sumagot si Erin dahil paparating na ang mga kalaban na gusto siyang mahuli. Muling bumalik silang dalawa kung saan sila dumaan kanina, lumusot sila ulit doon.

"Nandito!"

Ngunit may nakakita sa kanila kaya naman nagmadali na si prinsesa Erin at Wendra na tumakbo ngunit natalisod si Wendra, napasigaw sa sobrang sakit duguan ang paa nito.

"Wendra!" Bigkas ni Erin at napalapit dahil sa pag-aalala.

"Prinsesa umalis ka na iwanan mo na ako dito,"

"Hindi maaari halika tutulungan kita." Akmang hahawakan ni Erin si Wendra ng makita na niya ang papalapit na mga kalaban.

"Ang prinsesa!"

Sigaw ng lalaki at napatingin si Erin kay Wendra.

"Umalis ka na prinsesa kaikangan mo mabuhay pakiusap,"

Naiyak naman si Erin dahil sa nakitang pagluha ni Wendra, walang nagawa at tumalikod na siya upang tumakbo ngunit ang luha niya ay panay tulo para kay Wendra na nakasama na niya simula bata pa lamang siya.

Patawad Wendra, patawarin mo ang prinsesa niyo na wala pang kayang gawin kung hindi ang tumakbo.

Bulong sa isipan ni prinsesa Erin habang tumatakbo, sa likod naman niya ay patuloy pa rin ang ilang kalalakihan sa paghabol sa kaniya. Halos hindi na nakita ni Erin ang dinaraanan dahil sa walang tigil niyang luha ng bigla na lang siyang napasigaw dahil bigla siyang lumusot.

Para bang bumagal ang oras pati ang paggalaw ng paligid nakita niya ang mga humahabol sa kaniya na nakatingin lang habang siya pababa nang pababa hanggang sa maramdaman na ni prinsesa Erin ang malamig na tubig at doon ay lumubog siya.

Ang Prinsesa at Ang BilyonaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon