EPISODE 2

39 5 1
                                    

Time Montreal

Napadilat ang mata ni Time habang nakapikit siya at nagbabad ng katawan sa loob nang bathtub. Dahil sa paulit-ulit na pagtunog nang kaniyang cellphone.

F*ck!

Inis na bulong ni Time sa isipan dahil sa paulit-ulit na tumatawag at nasa isip niya na sana'y di na lang niya dinala ang cellphone. Inabot ang towel na malapit sa kaniya at nagpunas ng kamay, sinilip kung sino ang tumatawag ngunit nasira lalo ang mood niya sa nakitang  tumatawag na pangalan sa screen.

What the hell, Cheska?

Inis na nilubog ni Time ang ulo sa tubig dahil sa asar, si Cheska ay modelo at isa lang naman siya sa mga babaeng naghahabol sa kaniya matapos ang isang beses na may nangyari.

She's crazy

Aniya niya habang nakapikit sa ilalim ng tubig at ilang sandali ay inangat niya ang ulo niya. Napahilamos siya at sinuklay ng daliri ang buhok paitaas.

"Nasaan ba ako?"

Napadilat bigla ang mata ni Time dahil sa nagsalita at ganun na lang ang panlalaki ng mata niya dahil sa gulat na makakita nang babae dito mismo sa bathtub niya.

"Sino ka..."

Mahinang sambit ni Erin at pareho silang hindi agad nakapagsalita at biglang tumayo si Time, sindak naman ang makikita sa magandang mukha ni Erin dahil sa nakikita ng dalawa niyang mata ngayon.

Biglang sumigaw si Erin at doon lang natauhan si Time mabilis na kinuha niya ang towel at tinakip sa ibaba niya.

"Who are you? Ano'ng ginawa mo dito? Paano ka nakapasok rito?" Sunod-sunod na tanong ni Time.

"Wendra? Nasaan ka?"

"Evaro! Ilayo niyo ako rito tulungan niyo ako may lalaking gusto akong pagsamantalahan."

Nanlaki naman ang mata ni Time dahil sa sinabi ni Erin.

"Ikaw! Anong pagsasamantalahan ang sinasabi mo? Kilala mo ba kung sino ako!? Paano ka nakapasok dito?"

Natigilan naman si Erin at napaatras sa gilid habang yakap-yakap ang sarili at luhaan. Nagtataka na napatingin siya sa paligid dahil kakaiba ang nakikita niya sa bawat sulok.

"Nasaan ba ako? Anong klaseng lugar ito?"

"Are you crazy?" Inis na sabi ni Time dahil sa naririnig niyang sinasabi ni Erin na parang nagsasalitang mag-isa.

Tumayo naman si Erin at natigilan naman si Time dahil sa bumakat ang magandang katawan ni Erin at napansin niya ang makinang na kagandahan nito lalo na ang kutis at mga bagay na makikinang. Lumakad si Erin at panay ang tingin sa paligid dahil pakiramdam niya nananaginip lamang siya.

"Hindi ito ang lugar na nais kong puntahan nasaan ba ako? Sino ka bang lalaki na..." Napahinto si Erin sa pagsasalita dahil muling napatingin sa dibdib ni Time at ang kalahati ay natatakpan na ng tuwalya.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo mabuti pa umalis ka na wala akong panahon makipaglokohan sa'yo. Isa ka ba sa mga babaeng nakasama ko ng isang araw lamang? Bibigyan kita ng pera para manahimik ka na."

"Napakawalang galang mo! Ganyan mo ba tratuhin ang prinsesang tulad ko? Hindi ko rin maunawaan ang mga sinasabi mo sa akin!" Malakas ang boses na sabi ni Erin.

Hindi naman agad nakasagot si Time dahil sa bigla pero mayamaya lang ay biglang tumawa si Time, napahawak pa siya sa tiyan.

"Bakit ka tumatawa? Pinagtatawanan mo ako? Hindi mo ba alam na ako ang nag-iisang anak ni haring Vazor at reyna Para?"

Ang Prinsesa at Ang BilyonaryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon